Tiisin mo pa!
Gusto kong upakan sarili ko! Bakit ba ‘ko tumugon sa imbitasyong mag-NCO? Ayoko na! Dalawang linggo pa lang ng training, paspasang pagtitiis na ginagawa ko. Sobrang tiis. ‘Yung lalabas na sa bunganga ko yung salitang quit sa labis na hirap ng mga exercises pero pinipilit mo pa rin magpatuloy. Tang ina!! Ang tanga ko!! ‘Yung natanggap ko ‘yung sulat ng imbitasyon, proud pa ‘ko sa sarili ko. Mababait at masasarap ang mga salita sa sulat, may potential daw ako. Akala ko magiging leader lang ako at gano’n. Hindi eh!
Pero huli na lahat. Sayang naman magququit pa ‘ko. Heto ako, magtitiis pa rin sa maka-impyernong hirap at sakit.

No comments yet.