It’s the week before the exams and things have been very busy with school. Anyway, I’m too stressed to write a chronicle of the past few days. Let me just leave you with my Linya column in Hilites. We released the magazine last Monday.
LINYA
“Zoo on Wheels”
Victor Villanueva
Madalas kong inisip kung bakit natatakpan ng mga rehas na bakal ang mga bintana ng TD bus namin. Hindi naman kami mukhang mga makukulit na bata na itatapon ang mga basura namin sa labas, o idudungaw ang buong katawan sa bintana (hindi ba?).
Pabalik na ng Ateneo ang isang bus mula sa TD. Sa likod nito ay may dalawang mag-aaral na nag-uusap. Ang isa ay nagtitila tour guide sa isang nagtitila dayuhan sa banyagang lupain. “Pare, ‘yan ang mall dito. Nakapunta na ‘ko d’yan isang beses. Pare, ang daming holdapan d’yan,” sabi ng isa. “Pare, scary!” tugon ng kausap n’ya. “Oo dude, maglakad ka lang sa kalsada dito, makikidnap ka na in three minutes, sigurado ‘yon.” Kanyang pagmamalaking sinabi, para bagang alam na alam ‘ya ang lugar na ‘yon. “Totoo?” tanong ng kabila. “Oo!”
Pagkalipas ng ilang minutong pagharurot ng bus sa Commonwealth ay napadpad naman ang bus sa lugar ng UP. “Ito pala ang UP.” sabi ng isang mag-aaral sa bus. “Oo, ang ganda dito, ‘no?” tugon ng katabi n’ya “Sana pumasa ako sa UPCAT, dito ko gusto mag-college.” Sabi ng isa pa n’yang katabi. “Naku, pare, mag-Ateneo ka na lang. Dangerous dito, maraming frats, maraming kidnapan. Baka ma-rape ka pa nga!” wika ng kaklaseng nasa harap nila. “Saka sa Ateneo, maraming chicks, dito… Basta pare, dangerous dito.”
Ngayon ay kuhang-kuha ko na kung bakit ang mga bintana ng ilang TD bus ay may mga rehas na bakal. Para siguro s’yang ‘yung mga bus na pang-zoo o pang-safari na may mga rehas na bakal para maprotektahan ang mga nasa loob mula sa mga mapanganib na hayop o elemento sa labas. Kung totoo ang mga sinabi ng mga mag-aaral, grabe. Buti na lang talaga may mga bakal na rehas ang sinasakyan natin ‘pag TD.
Napakapanganib ng mundo sa labas.
Ngayon, depende sa kung paano mo makikita ang larawan. Nasa aling panig ang tunay na pinoprotektahan ng mga rehas na bakal? Sino ang tunay na tagamasid sa mga masasamang elemento ng kabila?
Kung pansinin n’yo rin, ang mga bukana ng ating mga silid bukod sa mga pintuan ay natatakpan din ng mga rehas na bakal. Marahil para rin maiwasan ang pagpasok ng mga mapanganib na elemento mula sa labas.
Ang mga Atenista, hindi mga hayop.