In a pier
Matagal-tagal na rin akong ‘di nakapagtala ng panaginip ah.
Nagmamaneho si Papa sa highway na paikot-ikot at maraming fly-overs. Dumaan kami sa madaming tulay na dumadaan sa dalampasigan ng isang napakabahong dagat. Ang sinasakyan namin ay biglang naging bangka at nagsimula kaming pumalaot sa maalon, madumi at napakabahong dagat. Nakasalubong namin ang isang higanteng barkong gawa sa mga hinipang malalaking salbabida at mga plastik ng basura, ‘yung kulay itim. Matapos nun ay dinatnan namin ang isang barkong kulay berde na biglang nagluwal mula sa kanyang malaking katawan ng isang malaking berdeng freight box. Nang buksan ‘to, nakita namin ang pagkaramiraming siopao! Kailangan namin silang ibenta bilang negosyo. Namalayan ko na naaalala ko noon ang amoy ng dagat nang kami’y nasa Hong Kong.
Makulimlim ang larawan ng panaginip. Kulay putik.

medyo weird. heheü oi b&w ah, nice.ü
it’s amazing that you can even have heightened senses in your dream (especially the sense of smell). i, for one, can only have a dream in color (or at least very dim, almost in grayscale). but there were instances of having hearing some things from my dream.