Ika-apat ng umaga kanina
Masarap magbisikleta nang ika-apat at kalahati ng madaling-araw — walang katao-tao sa kalye (maliban sa mga nag-iinuman pa sa kalsada), malamig ang simoy ng hangin, madilim, at ang tanging maingay ay ang lumalangitngit kong bisikleta. Aaraw-arawin ko na siguro ‘to. Hindi na rin lang naman ako maggi-gym, eh magbibisikleta na lang ako nang kalahati hanggang isang oras araw-araw.
4 a.m. kasarapan ng tulog…Buti ka pa. Di ako marunong mag-bike eh. Or skates or rollerblades or surfboards. Pero kotse marunong ako.