Walang kilig
Nagtungo kami sa dentista kahapon. Kahit na pinuri na naman ang mahusay kong pagpapanatili ng aking mga ngipin (haha!), may isa pa rin akong ngiping linagyan ng pasta. Nakakainis lang kasi hindi ako sanay. Para siyang napakalaking tinga na gustong-gusto kong kutkutin.
Kanina bumili ako ng bagong pantalon kasama si Papa sa SM para sa grad ball namin bukas. Hindi ko s’ya masyadong inaasahan. Magsasaya ako (sana pati siya), pero hindi ako kinikilig. Parang… wala lang. Nakakalungkot nga eh. Hassle talaga ‘tong grad ball sa mga unattached. Oo, siguro nga it’s a time to be sentimental with your classmates and reminisce. Pero ang ball, ‘di ba… sayawan ‘yan? “A formal gathering for social dancing,” ang kahulugang ibinigay ng dictionary.com. Alam mo namang makipagsayawan tayo sa isa’t isa? (Egh…) O kung hindi naman, tumunganga lang at mag-usap. Hindi ko sinasabing hindi ‘yon magandang gawin ng mga magkakaklaseng puro lalaki, pero sa palagay ko hindi ball ang wastong pagkakataon para dun. Ah, basta, magsaya na lang tayo bukas, ‘yun na ‘yon! Naguguluhuan lang talaga ako ngayon.

well, what matters is that you enjoy your grad ball, di ba?ü