Archive for March, 2004


Protected: Parang kasalanan ko

This post is password protected. To view it please enter your password below:


Silly balls

The grad ball is such a hassle for the shy-type unattached, really. I hate all these date-formalities. Hmph. Well, at least one of my friends already said ‘yes’. Hahah. Yay!

NOTE: If it feels like I’m lacking in updates, it’s because I’ve started posting my informal and locked entries here. Heheh, yep, so get a livejournal yourself and leave me a comment so I can add you up.

Tama naman talaga ang pinagsasabi

Tama naman talaga ang pinagsasabi ng administrasyon. For the sake of continuity, iboto si Gloria. Tama. Exactly one of the reasons why I don’t like Mrs. Arroyo to win. Ever wonder why hoards of local elected and appointed officials have been pledging support for her?? The entire system of government promoting corruption and nepotism is behind her. Age-old landlords and political clans are behind her. Nothing will seem to change! Her administration is so tolerant of age-old corruption and patronage politics. Magpapatuloy ang pangungurakot at paghihirap ng maraming Pilipino, iyon ang ibig sabihin ng putang inang continuity na ‘yan. Nakakainis, kasi marami pa rin sa atin ang kumukunsinti sa ganyan, at naiisipang iboto si Gloria. Ganyan na ba kalala ang pagsuko natin sa nakagawiang mali?

Heto nga pala ang huli kong column sa Hilites Magazine. Halos isang buwan na ang nakakaraan nang isulat ko ‘to, pero lalabas pa lang ang magazine sa Martes (bagal namin maglabas ‘no?).

LINYA
GANITO NA BA ‘TO
ni Victor Villanueva

Ang saya sana kung Gunslinger ako. Pero hindi.

Magsisilbi itong pangwakas kong LINYA. Magsisilbi din ‘tong isang pagpapatuloy ng nakaraan kong LINYA tungkol sa mga lider natin ngayon na galing sa Ateneo High School.

kumokopyaNagka-quiz kami noong isang araw tungkol sa isang asignaturang ‘di ko napag-aralan. Pinatago sa amin ni ma’am ang mga kuwaderno sa ilalim ng mesa. Sa pagmamadali kong basahin nang matulin ang mga notes ko, hindi ko na naitago ang notebook. Tinabi ko na lang ito sa gilid ng mesa, nakasara. Pero napagsabihan ako! Sige na nga. Para namang makakapandaya ako ‘pag nakalabas (pero nakasara) mismo ang panggagalingan ng kokopyahin, ‘no? Madalang ako kung pagalitan, kaya dinamdam ko ‘yon.

kumokopyaNagsimula ang quiz. Tulad ng inaasahan, marami akong hindi masagutan. Tularan ko kaya ‘yong katabi ko. Umurong ako patalikod at kitang-kita ko ang kuwaderno sa lalagyan sa ilalim ng mesa. Parang ang daling buklatin ng kaliwang kamay habang kunwaring may sinusulat ang kanan. Siyempre, habang nakatalikod ang guro. Ay, huwag! Mahirap na, parang isang quiz lang ‘to. Kung bumagsak ako, babawi ako sa susunod. Okay lang mapahiya nang dahil sa mababang score. Basta hindi ako nandaya.

Nang ibalik ang quiz na ‘yon, tulad ng inaasahan, isa ako sa mga natatanging bagsak. Okay lang dapat sana sa akin. Pero reputasyon ko ang pagiging honor student. Hindi okay mapahiya nang dahil sa mababang score.

Napakadaling ipagyabang ang isang mataas na marka, papalakpakan ka pa nga. Ang panindigan mong hindi ka nangopya, hindi. Sige, ipagyabang mong hindi ka nangopya, dalawa lang ang maaaring mangyari sa ‘yo: pagtatawanan ka, kasi kahit papano, bagsak ka pa rin o, kukutyain ka naman sa pagmamayabang at pagmamalinis mo.

Nagtanong ako ng ilang mga guro kung paano nila naiiwasan na mandaya ang mga mag-aaral nila. (Tinagalog ko na)

Unang Guro. Pinapaalala ko na mas mabigat ang parusa sa pandaraya kaysa sa parusa ng kahihiyan dahil sa mababang score. Saka, may sixth sense ako. Pinapatago n’yo ba ang kuwaderno sa ilalim na mesa? Oo.

Ikalawang Guro. Iniiwasan kong may gawing iba tuwing may quiz, kasi doon nakakatiyempong mandaya ang estudyante. Pinapatago n’yo ba ang kuwaderno sa ilalim ng mesa? Oo. Pero umiikot-ikot naman ako eh, to make sure no one is copying.

Ikatlong Guro. Pinipilit kong gawin ang quiz sa isang paraan na mahirap makapandaya ang estudyante. Pinapatago n’yo ba ang kuwaderno sa ilalim ng mesa? Oo.

‘Di ba mas madaling mandaya kapag nakatago ang mismong panggagalingan ng pandaraya? Ganyan din naman ang nangyayari sa mga liblib na kalye ng probinsya kung saan nakakapagpalit-palit ng ballot boxes, sa apat na sulok ng mga tagong opisina ng gobyerno’t negosyo nagkakapagpalit-palit ng limpak-limpak na salapi at pabor. Ganun din ang nangyayari sa mga tagong compartment sa ilalim ng mga mesa namin.

Kung ginagawa ng iba at hindi naman sila napapahamak, bakit hindi ko p’wedeng gawin, kahit isang beses lang? Ganyan naman palagi ang sumbat ng marami sa atin sa sari-saring mga bagay. Pero, oo nga naman, ‘di ba? Kung ginagawa ng bata, ng matanda, ng mga taga-gobyerno at negosyo, maging ng mga magulang nating mga Atenista, at tapos ay pinahihintulutan naman ito ng ganyan-talaga nating pag-iisip, bakit hindi?

Tinanong ko nga ang Hilites moderator namin. Ma’am, sakaling sabihin ko sa LINYA ko na nandaya ako minsan, kung nandaya talaga ako, mapapahamak ba ‘ko? Ang sagot niya, Huwag mo nang gawin ‘yon. Baka mapahamak ka nga. Baka may hindi ka makuha nang dahil sa isusulat mong, kung sakali, ay isang katotohanan. Hindi na ‘ko sumagot pabalik.

Sige, hindi ko sasabihing nandaya ako, kung nandaya nga ako minsan. Pero kung sabihin ko mang hindi ako nandaya, kung talagang hindi ako nandaya, may maniniwala ba? Imposibleng hindi ka pa nandaya. ‘Yan ang palaging nakakainis at nakakabuwisit na sumbat ng maraming tao sa mga taong hindi pa raw nandaraya sa buhay nila.

Nakakalungkot isipin na naibaon na ng marami sa atin ang pandaraya, sa sari-sari nitong anyo, sa kultura ng pagiging manhid. Ganyan na ‘yan eh. Kahit linalapastangan mo ang kakayahan ng tao at lipunang magbago, ganyan na ‘yan eh, wala nang magababago. Kung sumuko ka na, ano pa ang dahilan mong magpatuloy sa kung anuman ang nais mong gawin?

Ang mga kandidato sa eleksyon na nagsasabing ipagpatuloy natin ang nakasanayan at nasimulan ni ganito-ganyan, ay hindi dapat tularan. Kakabit d’yan ang nakasanayang pangungurakot. Sa simula’t-simula pa lang ay nangyayari na ‘to, bakit natin ihihinto? Ipagpatuloy ang nasimulan na’t patuloy pa ring ginagawa! Ganyan siguro ang nasa isip nina Jose Pidal at Jose Velarde. Parehong “Atenista” na nanggaling sa ating munting High School.

Nakakatakot! Sigurado akong ilan sa atin ngayon sa High School ang magiging mga lider sa malayong hinaharap. May magbabago ba? ‘Di ba ganyan na ‘yan talaga? Marami sa atin ang sumuko na sa nakasanayan. Maaaring malapit na dumating ang panahong hindi na kailangan itago ang mga pandaraya. Ginagawa naman ng lahat eh, sumuko na tayo sa pagtanggap dito.

Minsan ay naging bise-presidente ako ng klase at naaalala ko na ang battlecry ng sangguniang mag-aaral dito sa High School, ay “change the status quo.” Madaling sabihin, napakahirap gawin sa isang kultura ng kabataang nagpupumilit sa kanyang makibagay sa nakasanayang gawin ng napakaraming tulad n’ya. Walang halaga ang pagkilala sa pagkakamali mo pero dahil ginagawa naman ng lahat, ay pababayaan mo na lang. Kung alam mong mali, mali. Ang mali, winawasto! Masahol ka kung hindi. Kung kabilang ka sa nagkamali, aminin mo at harapin mo ang makatarungang parusa! Mayabang ka rin naman lalaking Atenista ka, ipagmayabang mo ang katigasan mo sa pagtuligsa sa alam mong nakasanayang mali! Tunay kang tigas kung gawin mo ‘to nang mag-isa. Sobrang tigas ka na talaga kung gawin mo ‘to habang pinagtatawanan ka ng mga kaibigan mo. Naalala ko tuloy ang pinanood sa aming mga seniors na dula sa Tanghalang Ateneo, ang The Enemy of the People. Sabi nung pangunahing tauhan na si Dr. Stockmann, nang siya’y malapit nang datnan ng mga taumbayang galit sa kanya nang dahil sa pambubunyag n’ya ng katotohanan, sinabi n’ya, “The strongest man, must learn to be lonely.

Tulad ng sinabi ko sa nakaraan kong LINYA, ang Atenista, makapangyarihan, nagiging mga lider ng lipunan. Ang ilan tunay, ang ilan hindi. Humanay ka na sa mga nagbabalak ipagpatuloy ang tradisyon ng Ateneo.

Parang turista pakiramdam ko

Nakagawian na naming kumain sa Emerald matapos ang buwanang check-up ng Lolo ko sa doktor n’ya sa Maynila. Doon n’ya lang gustong kumain talaga. Ilang taon na rin kaming buwan-buwan nandoon. (Hindi pa rin naman ako nagsasawa, kasi nanggigigil ako sa sarap ng paborito kong Chinese food).

Emerald Garden, Roxas Boulevard

Matapos ang salu-salo, nagtungo kami sa downtown para mamili ng murang muwebles. (Mura daw d’on nang libo-libo ang mga muwebles kumpara sa mga tindahan sa mall. Malay ko. Mura na ba ang isang magandang kamang 24,000 piso?) Hindi ko rin naman maintindihan kung bakit kailangang maraming palamuti ang nakaukit sa isang higaan o hapag, aanhin mo ‘yon? Ah, basta.

downtown Manila

downtown Manila downtown Manila

downtown Manila

downtown Manila

Pansin ko lang, saan man kami nagpunta at dumaan sa araw na ito, nagkalat ang mga karatulang ito sa kalye.

boo GMA boo GMA

Daan-daan pang karatulang tulad n’yan ang ginagawa (nadaanan namin ang isang opisina ng gobyerno kung saan nakatambak ang daan-daang karatulang ganyan). Walang kalyeng makakalusot sa pangalan ni GMA. Kung hindi pangangampanya ang tawag d’yan, ewan ko lang ha. Balak talagang gamitin ni Gloria ang kapangyarihan at yaman ng gobyerno para itaguyod ang kandidatura n’ya. Katiting lang ang mga ‘to.

Bikoy’s LiveJournal

I got tired of my sparsely updated old LiveJournal account, so I got a new one (bikoy). Add me to your LJ lists, I’ll probably update that with more informal posts! (If you don’t have an LJ, go join in, it’s free).

4th Last School Day

It’s our last time to have classes in our classroom. Senior exams are going to be held at the covered courts. So, it was clean up day.

4th last school day

4th last school day 4th last school day

Goodbye, locker number one. Even if you were just my trash bin. Hahah.

Creeping summer

Ang init, nakakapanlata! Ang classroom nagiging sauna! Air-con kasi’y wala. (Tama na, corny na).

Today was our last normal-schedule high school day. Pity, I left my camera at home. I must chronicle these very last days of high school. Final exams begin on Wednesday! Sana kahit isang subject, ma-exempt ako. (Surely, Physics won’t be one of them, hah!) Electricity and magnetism never really became crystal clear to me.