Archive for July, 2004


Artehan na ‘to

Nagkaroon ng unang production meeting si Kuya David para sa kanyang thesis short film kagabi.

Heto lang, ang mga kailangan kong gawin para gampanan ang tauhan ko sa pelikula: magbasketball, makipaghalikan, umiyak, manigarilyo. Yeah!! Masaya. Obviously, kung kilala n’yo ‘ko, (kaya/kakayanin ko naman, pero) todong pag-arte ang kailangan ko!

At the Shopping Center

It’s my first time to access the internet from one of these computer shops in the Shopping Center… The connection’s okay, even a little faster than my sucky CABLE internet connection at home. But hell, their computers are slow! And their Internet Explorer’s version is still 5. I can’t even access my mail. It sucks! But all’s well for killing time before my PE class.

‘Di na ko nakapahinga ng Miyerkules

Nagpapahinga dapat ako tuwing Miyerkules kasi wala akong klase. Pero hindi pa ‘yon nangyayari sa mga nakaraang linggo.

Umaga pa lang, pumunta na ‘ko ng UP para sa talent show-kuno ng MCO na kailangang pagdaanan naming mga aplikante. (Iniisip ko na lang, mas mabuti nang mapahiya kaysa sa mabugbog sa hazing ‘di ba?). Whatever. Kumanta na lang ako nang may konting pasayaw-sayaw. Buti na lang walang video camera to record the event. Saka, buti na lang isa-isa ‘yung presentation, and in private. It was held at some room in Vinzons Hall. After my number, I hung out for a while with some of my co-applicants at the hallway. Nung matapos na kaming lahat, pinagtawanan na lang namin mga sarili namin kasi inutusan kaming ngumiyak-ngiyak pagkalabas ng individual talent namin para matakot nang husto yung mga hindi pa nagpe-perform.

Nung tanghali, kumain kaming lahat sa McDonald’s sa Philcoa.

Tapos nun, bumalik pa ‘ko ng bahay kasi nakalimutan ko ‘yung baterya ng camera ko.

Bumalik ako ng UP para sa miting naming mga aplikante sa CAST naman. Ayun, ‘yun na ‘yon.

fresh mesh fresh mesh

fresh meshNung hapon, nagkaroon ng general assemby kaming mga freshmen ng Mass Com. Ginanap s’ya sa tuktok na bodega, este rooftop, ng Vinzons. Medyo sabog ‘yung assembly, pero hindi naman nakakabagot, masaya nga eh. May mga palaro at iba pa. Marami-rami din ang pumunta pero kaunti pa ‘yon sa dami ng freshmen ng Mass Com.

Many thanks to CK for taking the pictures with my camera!

Nag-puti na lang sana

Suspendido ang mga klase sa hapon kaya kaninang tanghali, nakatambay ako sa CMC kasama sina Con at Anj. Nakatipon din doon sa CMC ang grupo ng mga mag-aaral ng kolehiyo namin at mula sa iba pang kalapit kolehiyo ng CMC. Naka-pula ang halos lahat sa kanila. Naghahanda sila bago tumulak sa Batasan kasama ng iba pang grupo ng mag-aaral mula sa iba pang kolehiyo ng UP para mag-rally. S’yempre ako ang tanging naka-asul. At ramdam ko ang malalamig na titig sa ‘kin. Sa totoo lang, gustong-gusto kong makisigaw sa kanila kanina dahil naniniwala ako sa kanilang mga sentimiyento at inis na inis din ako kay Gloria Arroyo. Dapat hindi ako nag-asul kanina. Naisip ko na hindi ko lubos na naiintindihan ang pagkakaiba ng dalawang panig para may kampihan ako.

Haha. O ‘di ba, sineryoso. P’wedeng namang hindi ako makialam tulad ng mas nakararaming iskolar ng bayan.

Asul o pula?

May dumaang taga STAND-UP sa klase nung KAS 1 class kahapon. Iniimbitahan kami para sumali sa rally sa Batasan sa Lunes. S’yempre habang nagsasalita s’ya tahimik lahat, talumpati eh. Gusto ko ang mga sinasabi niya, kasi galit din ako kay Gloria Arroyo. Noong tinanong n’ya, kahit retorikang tanong ‘yon, “‘Di ba linoloko lang tayo ni Gloria?!” kinailangan ko talagang sumigaw nang walang hiya ng “Oo!!” Tapos, sinabihan din kaming mag-suot ng pula sa Lunes, ‘wag daw asul. Gusto kong sumali! Sa rally, sa STAND-UP! Pero, kasali na ‘ko sa student council volunteers eh, (na pinamumunuan ng kalaban nilang partido). At hindi ko nagugustuhan ang kanilang kawalan ng pakikiisa sa konseho (dahil natalo sila sa eleksyon?). Kaya, wala lang, kahit na mapula ako, asul pa rin ang isusuot ko sa Lunes. Wala sa kinakampihan ‘yan.

Haha. ‘Yun lang.

Mabagal ang internet dahil sa ulan?

Hindi nakakangarag ang araw na ‘to. Salamat. Kanina lang sa Block Booster quiz show ng Beta Epsilon, tinanong, noong naglalaro ang team namin, kung ano ang ibig sabihin ng DOB. Pinaalala sa ‘min ang DOA, Dead on Arrival, kaya nabobo ako at ang sinagot ko ay, Dead on Birth. Tawanan lahat ng tao sa auditorium ng Faculty Center oh! ‘Tang ina. Nakakahiya. What a blunder. 4-0 (wins-losses) sana ang record ng team namin, kung ‘di dahil sa ‘kin. Goodbye 25,000 pesos.

Noong nakaraang Miyerkules

Ayaw ko na rin ng Miyerkules. Ewan ko, pero siguro masakit lang ang ulo ko nung araw na ‘to kaya sira ang buong araw ko. Ayaw na ayaw kong gumigising nang masakit ang ulo. Kasi hindi nito ako linulubayan sa buong araw.

Dumalo ako sa isang pulong para sa Cinema Arts Society kung saan ipinakilala namin sa mga miyembro ang nabuo naming production concepts. Kasama ‘yun sa application process.

Tapos nun, tumungo naman ako ng Faculty Center para sa Block Booster, isang quiz show para sa mga freshmen, na pinasimunuan ng Beta Epsilon, everybody’s favorite fraternity (kung hindi ba naman paulit-ulit namin ‘yan sinasabi). Dalawampu’t limang libong piso ang pabuya para sa mananalo. Wooh! Hindi ako nakasali sa round na ‘yon pero nanalo naman ang team namin. Pangalawang matagumpay na hakbang!

Dumalo din ako sa isang maliit na pulong ng Education and Research Committee ng University Student Council kung saan pinag-usapan namin ang mga gagawin ng konseho sa darating na araw ng SONA ni Pangulong Arroyo. Kinuwentuhan din ako nang bahagya ng pinuno ng kumite tungkol sa politika sa UP. Pinagsusuot kami ng asul imbes na pula sa Lunes, na nakagawiang pagawin ng dating naghaharing partidong mala-militante (daw) sa konseho. Ha! Sa’n ka pa? Exciting ang politika sa Unibersidad. Kung magdidikit nga daw ng posters sa Huwebes, ay dapat sa gabi para walang oras ang kalabang partido na wasakin ang mga ‘yon.

Gusto ko sanang sumama sa rally sa Lunes, pero hindi ako pinayagan, tulad ng inaasahan.

Pagkatapos ng mga ‘yan, bumalik ako ng Mass Com para sa isa na namang activity para sa application sa Mass Communicators’ Organization. Nakaka… tamad gawin ang sigsheet kung saan kailangan naming kunan ng pirma ang lahat ng miyembro ng org. Kailangan pang pagandahin ang sigsheets. Nakakawalang-gana nung nakita ko kung paano napaganda ng ibang aplikante yung sigsheets nila, may iba’t ibang dekorasyon at anupaman. Kasi naman, hindi ako mahilig sa ganyang mga ka-ekekan. May iba’t iba pang games. Napilitan akong mag-ocho-ocho. Ano pa? Meron pang talent show sa susunod na Miyerkules na kailangan naming paghandaan. Andaming gagawin!

Noong nakaraang Lunes at Martes…

LUNES. Heto na naman. Ang ayaw na ayaw ko tuwing Lunes (at Huwebes) ay ang pagkakasunod-sunod ng mga klase ko. Sunod-sunod sila, walang pagitang break. At sampung minutong lakad ang layo nila sa isa’t isa. Nakakainis, kasi palagi akong nagmamadali! Nakakapagod at nakakatamad!

Nung lunch break ko, dumalo ako sa isang symposium sa CMC auditorium tungkol sa novelty songs. Hindi dahil sabik akong makinig sa kung anuman ang sasabihin ng mga propesor tungkol sa Sexbomb Girls o anuman. Wala lang.

Umulan nang malakas bago mag PE, kaya pagdating ko ng gym ay basang-basa na ang pantalon ko sa paglalakad. Buti na lang at hindi ko kinailangang maglaro kasi grupo namin ngayon ang nagpalaro.

MARTES. Tuwing magvo-voice lessons ako, ang una pinapagawa sa ‘kin ay ang breathing exercises. Tapos, nagvo-vocalize kami ng guro. Eh, madalas napapaos na ang lalamunan ko sa vocalization pa lang. Kaya tuwing kantahan na, wala na, pagod na lalamunan ko at hindi ko na maabot ang mga matataas na nota. Haha. Ayoko na. Sino ba nagsabing may talento ako sa pagkanta?

Nung break ko, umuwi ako ng bahay para magpalit ng damit. Masyado akong nainitan sa una kong suot. Kinaya ko pang maligo nang mabilis at nakabalik pa ‘ko ng UP nang hindi nahuli sa klase.

Matapos ang klase, nagtungo ako sa opisina ng student council dahil inakala kong may miting ang VolCorps, pero wala pala. Kinausap na lang ako ng pinuno ng kumiteng sinalihan ko tungkol sa mga gagawin ng kumite ngayong paparating na araw ng SONA ni Presidente Arroyo.

Pagkatapos nun, umuwi muna ako at kumain bago bumalik muli ng UP para manood ng Hable Con Ella (Talk to Her) kasama ng CAST application-buddy ko na si David. Andun din sina Snap at ang sarili n’yang buddy.

Kay David din ‘yung maikling pelikulang pang-thesis kung saan may gagampanan akong papel. Aba, biruin n’yo, totoo palang magkaka-kissing scene ako. Kapanapanabik!