Asul o pula?
May dumaang taga STAND-UP sa klase nung KAS 1 class kahapon. Iniimbitahan kami para sumali sa rally sa Batasan sa Lunes. S’yempre habang nagsasalita s’ya tahimik lahat, talumpati eh. Gusto ko ang mga sinasabi niya, kasi galit din ako kay Gloria Arroyo. Noong tinanong n’ya, kahit retorikang tanong ‘yon, “‘Di ba linoloko lang tayo ni Gloria?!” kinailangan ko talagang sumigaw nang walang hiya ng “Oo!!” Tapos, sinabihan din kaming mag-suot ng pula sa Lunes, ‘wag daw asul. Gusto kong sumali! Sa rally, sa STAND-UP! Pero, kasali na ‘ko sa student council volunteers eh, (na pinamumunuan ng kalaban nilang partido). At hindi ko nagugustuhan ang kanilang kawalan ng pakikiisa sa konseho (dahil natalo sila sa eleksyon?). Kaya, wala lang, kahit na mapula ako, asul pa rin ang isusuot ko sa Lunes. Wala sa kinakampihan ‘yan.
Haha. ‘Yun lang.
taga stand up ka? pumunta ka ba sa acquaintance party doon? pumunta kasi ako sa acquaintance party non eh. isinama lang ako,
taga-stand up ako nung panahon namin sa UP.