‘Di na ko nakapahinga ng Miyerkules
Nagpapahinga dapat ako tuwing Miyerkules kasi wala akong klase. Pero hindi pa ‘yon nangyayari sa mga nakaraang linggo.
Umaga pa lang, pumunta na ‘ko ng UP para sa talent show-kuno ng MCO na kailangang pagdaanan naming mga aplikante. (Iniisip ko na lang, mas mabuti nang mapahiya kaysa sa mabugbog sa hazing ‘di ba?). Whatever. Kumanta na lang ako nang may konting pasayaw-sayaw. Buti na lang walang video camera to record the event. Saka, buti na lang isa-isa ‘yung presentation, and in private. It was held at some room in Vinzons Hall. After my number, I hung out for a while with some of my co-applicants at the hallway. Nung matapos na kaming lahat, pinagtawanan na lang namin mga sarili namin kasi inutusan kaming ngumiyak-ngiyak pagkalabas ng individual talent namin para matakot nang husto yung mga hindi pa nagpe-perform.
Nung tanghali, kumain kaming lahat sa McDonald’s sa Philcoa.
Tapos nun, bumalik pa ‘ko ng bahay kasi nakalimutan ko ‘yung baterya ng camera ko.
Bumalik ako ng UP para sa miting naming mga aplikante sa CAST naman. Ayun, ‘yun na ‘yon.

Nung hapon, nagkaroon ng general assemby kaming mga freshmen ng Mass Com. Ginanap s’ya sa tuktok na bodega, este rooftop, ng Vinzons. Medyo sabog ‘yung assembly, pero hindi naman nakakabagot, masaya nga eh. May mga palaro at iba pa. Marami-rami din ang pumunta pero kaunti pa ‘yon sa dami ng freshmen ng Mass Com.
Many thanks to CK for taking the pictures with my camera!

GRABE!! Ilan bang sinasalihan mong org??? O.o Ako isa pa lang eh naghihingalo na ko…
wow… good job sa site…asteeeegggg!
i actually almost don’t want the credit because i didn’t edit it. but you still owe me.
nako, di nilagay na nag-try siya mag-_m_k_ with gold…