Archive for August, 2004


‘Wag nang pag-awayan ang pera

Nagtungo kami ng Sta. Maria ngayong gabi para maglamay kay Lolo Ave. Sana naman hindi na muna pag-awayan ng mga pamangkin n’ya ang mana nila. (See related entries here and here). Nakakalungkot talaga noong mga nakaraang buwan, habang patuloy na humihina ang matanda, pinag-aawayan ng mga pamangkin at kapatid n’ya ang mga mana nila. Matandang binata kasi si Lolo Ave, kaya sa mga pamangkin at sa iba pang kamag-anak mapaghahatian ang maiiwan n’ya. At kaya rin ang Mama ko ang nagiging tagapamahala ng burol at kung ano pa man. Pero, sa totoo lang hindi naman kalakihan ang naipon ng matanda, kaya hindi ko maintindihan kung bakit umaabot ito sa kasamaan ng loob. Ordinaryong kartero lang s’ya nung masigla pa.

Anecdote lang. Nakakatawa ‘yung kwento sa ‘min habang ineembalsamo daw si Lolo Ave. Sabi nung embalsamador, “Binata nga ba ito?” Oo naman, sagot ng Mama ko. Sumbat nung embalsamador, “Oows? hindi naman eh, hindi na ‘to virgin eh!” Haha! May palatandaan pala ang mga lalaki kung virgin pa o hindi?!

Anyway. Naisip ko lang. Malungkot tumandang binata…

Action garfield

Sana ganito muna sa mga susunod na araw, hindi umuulan. Para naman humupa ang mga bahang sumalanta at patuloy na namemerwisyo sa milyun-milyong Pilipino. Kahit na patuloy akong mangitim, okay lang…

Dumaan ako ng bookstore nung break ko kaninang hapon kasama isa kong blockmate. Tagal ko nang hindi dumapo sa Katipunan ah. Tulad nang dati, may nakita na naman akong libro sa Filipino non-fiction section na ginusto ko talagang bulhin. Pero 700 pesos, ang mahal. Ayaw ko munang gumasta nang malakas matapos kong abusuhin ang credit card ko nung Linggo sa SM.

Ayun, normal naman ang takbo ng academics ko. Pakiramdam ko wala akong natututunan, o wala masyadong nangyayari kaya nakakatamad talaga. Hindi ako nagiging interesado sa kahit anong asignatura ko ngayong semestre. Parang, hindi na ‘ko makapaghintay magtapos na ang sem para makapili na ‘ko ng mga bagong subjects. Tinatamad na ‘kong mag-aral. (Pero hindi. Masyado pang maaga para maging tamad, freshman at first sem pa lang ‘to).

Mas sumasaya na ang PE kong Phil. Games. Kasi puro habulan na lang ang ginagawa namin. Masaya talaga maghabulan…

Ay, exam nga pala namin sa Nat Sci 2 - Biology bukas… tulog muna ako, bukas na ‘ko mag-aaral nang maaga. :)

Hey Hey UP Go, UP Fight!

For real!! Natalo ng UP Fighting Maroons ang defending-champs, FEU Tamaraws kahapon!! Akalain mo nga naman. Halos lahat ng makasalubong ko noon, sinasabing walang pag-asa ang kupunan ng UP sa basketball ngayong taon, pero tingnan mo naman! Ikalimang sunod na panalo na ‘yan! After six straight losses in the first round, they are close to redeeming themselves with five straight wins to date. They are exceeding what very little expectations people had!

UP vs. Ateneo ngayong Huwebes (both Juniors and Seniors teams). I haven’t seen a UP basketball game yet. This one I must see! I’m going to cut my PE class for it. Cheering against your previous school should be amusing (and fun if you’re winning). Hehe. Go UP!! Peace, my high school friends :p

Gulong mata, gulong

Ayaw na ayaw kong gumigising nang masakit ang ulo. Teka, pang-ilang beses ko na ‘to sinabi? Kahapon pa ‘to nung paggising ko. Hindi talaga ulo ‘yung masakit, ‘yung mga mata. Parang gumugulong-gulong ‘yung kaliwa kong mata habang kumikirot ang batok ko kahapon. Hindi ko ‘to naiwasan sa pagtulog-tulog lang. Ngayong araw naman, paggising ko kanang mata ko naman ang pakiramdam ko gumugulong-gulong. Hindi naman lumalabo paningin ko. Ano kaya ibig nitong sabihin?

Matapos ang wrap-up

LINGGO (Agosto 22)

Huling araw ng shooting para sa thesis short film ni Kuya David nung Linggo. Nung araw na ‘yon kinuha ang pinaka-pinapanabikan ng lahat na kissing scene. Sigh. It was really gruelingly awkward. It seemed as if it was really easy to do, it was just a kiss, that’s it. Pero, it was not. It was not! Really. Ewan, basta. Hindi naging madali. Pero kinaya namin. At naka-limang takes lang.

‘Yung eksenang ‘yon ang pinaka-huling kinunan. Kaya nung naka-good take na eh, that’s a wrap na. Medyo tulala ako nang matapos ang lahat-lahat. Hindi lang dahil sa kaka-first kiss ko lang (opo, totoo), pero dahil nagbalik-tanaw ako at… wow, nung una talaga, akala ko biru-biro lang ‘to lahat. Applicants’ orientation noon ng UP CAST at may nagtanong lang naman kung sino’ng p’wede umarte para sa isang short film. Makapal muka ko noon at nagtaas naman ako ng kamay nang hindi lubos na nauunawaan ang pinapasok ko. Wala akong karanasan sa pag-arte sa kamera. Pero, sa huli kinaya naman eh. Nanigarilyo ako kahit ‘di pa ko nakakatikim ng sigarilyo sa buong buhay ko at marami pang iba na hindi ko ginagawa ang kinaya ko. At masaya ako sa karanasang ‘to. (Salamat sa pagtitiwala sa ‘kin). Can’t wait to see the final product.

One thing that kind of depressed me about this whole stint was that, it really feels like the stint raised some expectations from me. A lot of which I’m afraid I can’t fulfill or sustain… ANYWAY, onto the next day…

LUNES (Agosto 23)

Nanood ako ng El Crimen del Padre Amaro nung gabi kahit napanood ko na dahil minsan-minsan ko lang naman makasama sina Cheska at Erik nang sabay. Ngayong pangalawang beses ko pinanood ang pelikula, mas pinansin ko ang mga detalye at ang iba’t ibang simbolismong ginamit. Matapos ay lubos ko pang nagustuhan ito.

MARTES (Agosto 24)

Ika-14 na anibersaryo ng UP CAST. Nagkaroon ng parang birthday party na pambata nung hapon. Kumpleto! May mga lobo, spegeti, hotdog, cake, party hats, pabitin, etc. Nakakatuwa! Ang saya!

Huling huling huli na ba ‘to

Hailey on a strollerNagkaroon kami ng isa pang pagkakataong makapiling si Hailey noong Sabado, isang araw bago siya tuluyang iuwi ng mga umampon sa kanya patungong Belgium. Ito na talaga ang huling pagkakataon na makakasama namin siya. Ipinasyal namin s’ya kasama ng kanyang mga bagong magulang sa Manila Zoo. Hindi ko alam kung bakit dun kami pumunta, basta alam ko kaladkarin lang ako.

may kamuka kang kilala ko. hehe, joke. elepante

Hindi gaanong kalakihan ang Manila Zoo. Ilang taon na nga ba ang nakaraan mula noong huli akong nakapasok ng Manila Zoo? Isang dekada na ata ang nakararaan. Basta, marami pa ring tao. At saka mas hindi na ‘kulong’ ang mga hayop, pero hindi maiiwasang nakakulong pa rin sa masikip na lugar kasi maliit lang talaga ang Manila Zoo. May mga idinagdag ding mga parke at kung anu-ano pa.

Manila Zoo lagoon Mga namamangka sa lagoon

Nung bandang huli ay nagpakuha kami ng litrato kasama ng isang higanteng ahas. Instant photo daw ang serbisyo pero halos tatlumpung minuto ang hinintay namin sa init bago namin nakuha ang tatatlo lang na litrato.

Manila Zoo lagoon Mga namamangka sa lagoon

Nung tanghalian ay kumain kami sa isang Italian restaurant. Linubos ko na ang nalalabing oras na kapiling namin si Hailey. Nakikilala pa n’ya kami. Tumatawa pa rin s’ya sa mga kakenkuyan namin. Sa totoo lang, mas masakit itong pamamaalam na ‘to kaysa sa unang akala ko ay huli nang pagkikita namin.

Yay, kinaya natin…

Haay. Nakaraos din ako sa isa na namang initiation/final ritual at induction… Haaay talaga.

Ano nga ba sasabihin ko? Ah, basta. Masaya na ako at na-induct na kami at kasama na kami sa pamilya ng UP MCO. Pero… pero… hm, tao lang ako at hindi ganoon kadaling humupa ang iba’t ibang sama ng loob na tiniis at kinimkim ko habang nagaganap ang mga naganap. Mawawala rin ‘to pagkatulog. ‘Yon lang. Tikom muna bibig ko.

Maraming maraming salamat sa lahat ng nagkusang magpahiram sa akin ng mga kagamitang tumulong sa aking pagganap bilang Elle Woods! Ayaw ko maglista ng mga pangalang pasasalamatan at baka may makalimutan ako. Marami kasing naipahiram sa akin na hindi ko na rin nasuot. Pero, maraming maraming salamat talaga. Exception lang ang aking MCO-buddy na si Ate Armi, kailangan ko talaga s’yang banggitin. Maraming salamat, Ate Armi, sa lahat-lahat ng naipahiram, naipakiusap, lahat-lahat na ng naitulong mo sa ‘kin sa loob at labas ng application process na ito!!

[PS. August 20, 2004, 17:56]: Wala na to ah. Naitulog ko na ang lahat. :)

Feeling artista!

Ang saya nung shooting ng thesis ni Kuya David kahapon! Nakakapagod, lalo na sa iba, pero masaya! Unang beses ko makibahagi sa isang production, at bilang artista pa (feeling!!).

Call time ay alas-singko ng umaga sa UPIS. Ang aga, pero oks lang kasi pang-umagang tao naman talaga ako. Bago mag-almusal binihisan muna kami at minake-upan at nag-line throwing nang kaunti. Anyway, mga ilang oras din kami sa UPIS hanggang sa lumipat kami patungo ng Math Building sa UP para sa susunod na mga eksena.

Hanga ako, ‘di ko inakalang kailangan talagang ayusin ang mga setting hanggang sa kahuli-huliang detalye. Pati ‘yung mga bihis namin. ‘Yung kailangan talaga may singsing ako, dapat talaga asul ang sombrerong suot ko, etc. Kasi daw bawat detalye ay may kahulugan. Galing ng mga prod designers! Tapos, ang dami palang taong kailangan sa isang production. May mga runners, taga-kuha ng mga detalye sa eksena, may tagakuha ng continuity, may clapper, etc. Nasanay marahil ako sa mga pipitsuging short films namin nung high school kaya namangha pa ako doon sa iba’t ibang equipment sa set. May mga riles pa kung saan may de-tulak na kariton na sinasakyan ng camera at ng conematographer. Tapos may mga ilaw-ilaw pa. Ang galing!

Ano pa? Ayun, sari-saring eksena ang kinunan sa Math Building, sa silid-aralan pati na sa rooftop.

Haha, tatlong eksena nga sa pelikula ‘yung nagpapakita sa ‘king naninigarilyo. So, ayun, tapos ‘yung bawat isang eksenang ‘yon ay kinunan nang higit-kumulang tatlo hanggang limang beses para sa iba-ibang posisyon ng camera (at dahil na rin sa sari-saring mga kamalian). Ibig sabihin, nakailang sticks din ako ‘no? Hindi ko nga mailarawan ang sarili kong naninigarilyo eh, hinding-hindi ko imahe ‘yon sa personal. Magugulat talaga ang mga nakakakilala sa ‘kin nung high school at nung grade school.

Umiinog sa pag-ibig and pelikula kaya s’yempre may kapares ako, si Mara. Ilang beses din ako nabulol. Nakakahiya talaga nung isang beses, sa isang madamdaming eksena kung saan sinabihan ko s’ya nang ‘mahal kita‘ — ang totoong pangalan n’ya ang nabanggit ko at hindi ‘yung pangalan ng tauhan n’ya! Kaya todo panunukso inabot ko! Nakaka-ilang na tuloy! Isa pa, nung ang sasabihin ko dapat ay ‘can I walk you home?‘, nabulol ako at ang nasabi ko ay ‘p’wede ba kitang iuwi?‘. Haha, ang sagwa!! Baka hindi ko na makayanan ‘yung kissing scene namin next week.

Mga alas-otso na ng gabi nag-pack-up. May isa pang araw ng shooting sa susunod na Linggo. Till then!