Matapos ang wrap-up
LINGGO (Agosto 22)
Huling araw ng shooting para sa thesis short film ni Kuya David nung Linggo. Nung araw na ‘yon kinuha ang pinaka-pinapanabikan ng lahat na kissing scene. Sigh. It was really gruelingly awkward. It seemed as if it was really easy to do, it was just a kiss, that’s it. Pero, it was not. It was not! Really. Ewan, basta. Hindi naging madali. Pero kinaya namin. At naka-limang takes lang.
‘Yung eksenang ‘yon ang pinaka-huling kinunan. Kaya nung naka-good take na eh, that’s a wrap na. Medyo tulala ako nang matapos ang lahat-lahat. Hindi lang dahil sa kaka-first kiss ko lang (opo, totoo), pero dahil nagbalik-tanaw ako at… wow, nung una talaga, akala ko biru-biro lang ‘to lahat. Applicants’ orientation noon ng UP CAST at may nagtanong lang naman kung sino’ng p’wede umarte para sa isang short film. Makapal muka ko noon at nagtaas naman ako ng kamay nang hindi lubos na nauunawaan ang pinapasok ko. Wala akong karanasan sa pag-arte sa kamera. Pero, sa huli kinaya naman eh. Nanigarilyo ako kahit ‘di pa ko nakakatikim ng sigarilyo sa buong buhay ko at marami pang iba na hindi ko ginagawa ang kinaya ko. At masaya ako sa karanasang ‘to. (Salamat sa pagtitiwala sa ‘kin). Can’t wait to see the final product.
One thing that kind of depressed me about this whole stint was that, it really feels like the stint raised some expectations from me. A lot of which I’m afraid I can’t fulfill or sustain… ANYWAY, onto the next day…
LUNES (Agosto 23)
Nanood ako ng El Crimen del Padre Amaro nung gabi kahit napanood ko na dahil minsan-minsan ko lang naman makasama sina Cheska at Erik nang sabay. Ngayong pangalawang beses ko pinanood ang pelikula, mas pinansin ko ang mga detalye at ang iba’t ibang simbolismong ginamit. Matapos ay lubos ko pang nagustuhan ito.
MARTES (Agosto 24)
Ika-14 na anibersaryo ng UP CAST. Nagkaroon ng parang birthday party na pambata nung hapon. Kumpleto! May mga lobo, spegeti, hotdog, cake, party hats, pabitin, etc. Nakakatuwa! Ang saya!

tungkol sa commentmo.
wala akong pakialam kung nababasa nila o hindi. hindi ako nagbibiro kung sabihin kong halos karamihan ng mga kasama ko ay kapareho ang naramdaman sa akin kahapon.
ang bagal ba naman kumilos. sino’ng hindi maiinis doon?
at tungkol sa iyong mga bagong karanasan, patuloy lang, bikoy. marami pang mangyayari, maniwala ka.
wow! astig naman! artista ka na! hehe! tungkol saan naman yung short film?
nakakatawa… uy! sabihin mo sa akin kung showing sa film center yang movie mo! Haha!
I had fun last monday… thanks! 
sh** first kiss sa UP. sarap nun tol.