Archive for August, 2004


Protected: Magkikita pa kaya tayo muli?

This post is password protected. To view it please enter your password below:


Protected: You have to dress like Elle Woods

This post is password protected. To view it please enter your password below:


Ayan, pakiramdaman n’yo na isa’t isa

Totoo ba ‘to? Nasa bahay ako ngayong Miyerkules!? Totoo! Sa wakas, nagamit ko rin ang kawalan ko ng klase sa Miyerkules. Alas-9 na ‘ko gumising. Wala na ‘kong inaasikasong org-application kasi miyembro na ‘ko ng UP CAST at induction na lang ang hinihintay ko para sa UP MCO (kung tatanggapin lang naman ako…), wala na rin muna kaming block assembly. Isa lang ang ipupunta ko ng UP mamaya, kailangan kong manood ng Insiang sa Cine Adarna para sa English 10 kasama ng ilang kaklase. ‘Yun lang.

Kahapon ng umaga ‘yung formal interview ko para sa aplikasyon ko sa UP MCO. Actually, nahihiya ako sa mga ka-aplikante ko. Palagi na lang kasi ako ’sinuswerte’ sa mga oras na pinipili ko. Kahapon, tatlong miyembro lang ‘yung nag-interview sa ‘kin, isa pa sa kanila ‘yung buddy ko, so hindi ako masyadong inokray. ‘Yung mga ka-aplikante ko siguro, ininterview sila ng buong execom, sinigaw-sigawan at kung anu-ano pa. Ganun din ang nangyari noong talent show ko. Sana lang hindi ako bawian sa induction kung matutuloy man.

Pagkatapos nun, pumunta ako sa Film Center para sa isang product launching whatchamacallit ng Kodak. Naku po! Magagalit ang mga tibak sa ginagawa ng UP Film Institute! Komersalisasyon ba ito? Okay lang naman siguro kasi tunay na MAHAL ang film making at kakailanganin mo talaga ng sponsorship at tulong ng pribadong kumpanya lalo na ng tulong ng kumpanya na gumagawa ng mga kagamitang kakailanganin mo sa film making. At sabi ng Kodak, mutual naman daw ang relasyon ng kanilang kumpanya at mga estudyante. They care for us daw. Ows? O s’ya, kung ganun nga eh, eh ‘di okay.

Nung gabi naman, kasama ko hanggang madaling-araw ang katamabal ko sa pelikula ni Kuya David na si Mara, si Kuya David, si Ate Toni, Ate Yam at Ate May…

So anyway… ayun. [EDIT 19:04]Naghipuan Nagpakiramdaman[/EDIT] kami ni Mara sa kama at nagyakapan at kung anu-ano pa kasi sabi ni Ate Yam kailangan ‘di kami mailang sa isa’t isa kapag magkaka-eksena na kami sa pelikula. Nung una, nahihiya at naaasiwa talaga ako! Pero, kalaunan, eh… okay na. Hindi pa rin ganun ako kakomportable pero, kakayanin na. Ngayon, sa tingin ko mas mahihirapan ako sa eksena ko sa basketball court.

Hay, hindi ko talaga inakala na magiging seryoso ‘tong pag-aartista-kuno ko. Hindi ako artista!! Ni hindi ako ako umaarte sa teatro eh. Tapos, alam mo, ganito na? Challenging pa ‘yung role kasi hinding-hindi ko katulad ‘yung tauhan ko eh.

Naging bulag ng walong oras

Initiation at induction naming mga aplikante sa UP CAST kahapon.

Do you know how it feels like to be blindfolded for eight long and grueling hours?! We were ‘blind’ from the time we boarded the jeep in the morning to wherever they took us, until we were formally inducted late in the afternoon. Ang sama talaga ng loob ko kanina, ang daming ginawa at pinagawa sa ‘min, tapos, tapos… basta! Walang matino ang matutuwang gawin ang mga ‘yon. Pero natiis namin, at miyembro na kami ng UP Cinema Arts Society. Yehey! ‘Yun na lang ang kuwento ko. Sikreto na raw ‘yung detalye.

Kutyain ba naman mga ginawa namin

Latang lata ang pakiramdam ko kanina habang namamasahe pauwi ng bahay. Nakalimutan ko palang kumain ng tanghalian.

Ayaw na ayaw kong mag-u-turn. Kinakabahan talaga ako tuwing kinakailangan kong mag-u-turn. Ako kasi ang nagmaneho ng sasakyan kaninang umaga patungo ng UP. Pangalawang beses ko pa lang ‘yun magmaneho sa labas ng driving lessons ko. Hindi ako nabundol, salamat sa Diyos. Halatang kinabahan si Mama bilang pasahero ko.

Lumagi muna ako nang isang oras sa main library ngayong umaga. Kinailangan kong manaliksik para sa Araling Pilipino 12.

Matapos nun ay linakad ko ang daan tungong CMC para makipagkita sa mga ka-aplikante ko sa MCO at CAST. Una muna ‘yung miting namin sa CAST, sandali lang naming pinag-usapan at pinaalahanan ang aming mga sarili tungkol sa mga kailangang gawin para sa induction namin sa darating na Sabado. Tapos nakipagkita naman ako sa mga kapwa ko aplikante sa MCO bago namin tinanghal ang pinaghandaan naming symposium at presentation.

Hindi ko na masyadong ikukuwento pa ‘yung mga nangyari sa symposium. Basta, sabi nila, talagang tradisyon nang kasama sa initiation ng mga aplikante sa maraming organisasyon ang masigawan at kung anu-ano pa. Okay lang. Basta ba ipapasok n’yo rin kami eh…

Mahigit isang lingo na lang

Wala akong voice lessons ngayong araw kaya meron akong isang karagdagang oras para manatili ng bahay bago umalis patungong UP.

Ngayong araw na ‘to naisipan kong ilista lahat ng gastusin ko araw-araw. Kinuwenta ko lahat sa organizer ko kanina at napansin ko nakalahati ng nagastos kong 103 piso ay napunta sa transportasyon. Biruin n’yo, higit 50 piso ang nagastos ko para makarating ako sa mga kailangan kong paroonan at pabalik, eh ang lapit-lapit lang naman ng bahay namin sa UP. (Kakaiba lang siguro ang araw na ‘to dahil umuwi ako nung break ko para tumae sa bahay).

Noong may sinusulat ako sa organizer ko, napansin ko na mahigit isang lingo na lang ang natitirang panahon ng pananatili ni Hailey Belle sa amin bago siya kunin ng mga umampon sa kanya patungong Belgium. Bumigat ang pakiramdam ko. Bigla talaga akong nalungkot. Parang gusto kong hilingin na sana umatras sa desisyon nila ang mga umampon sa kanya.

Protected: Ang sarap suwayin sa susunod

This post is password protected. To view it please enter your password below: