Budget ng militar ang bawasan!!
Teka. Sa laki ba naman ng problema ng pamahalaan sa pera, naisip ko lang, bakit hindi pinapansin o pinapakialaman ang budget ng militar? Budget ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno, kinaltasan, kahit budget ng Edukasyon at Kalusugan. Katuwatuwa pa ang ibang paghihigpit-sinturon na ipinapatupad, tulad ng pagbabawal ng pag-charge ng cellphone sa opisina. Pero bakit ayaw kaltasan ang 90 bilyon pisong proposed budget na nakalaan para sa AFP, na kumakatawan sa 10% na kabuuang national budget?
Hindi pa kasama sa 90 bilyon pisong pera na ‘yan ang bilyun-bilyong piso na halaga ng military aid na ibinibigay ng Amerika sa AFP. Aba, nalulunod sa pera ang mga heneral natin!! Swerte sila ah, alagang-alaga sila ni Gloria Arroyo! Daig pa nila ang mga kongresistang pinag-iinitan sa kanilang pork barrel. Hindi ba katakataka na sa laki ng taunang budget ng militar, ay bulok pa rin ang mga kagamitan nito at hindi pa rin masugpo ang mga pag-aalsa sa kanayunan. Ang hindi lang nabubulok ay ang mga mansyon, kotse at iba pang benepisyo ng mga heneral. Katakataka pa ba kung bakit tinatangka ng ilang sundalo na mag-aklas laban sa kanilang mga heneral at sa gobyerno? Sa tingin ko, kayang-kaya naman talunin ng militar ang mga rebolusyonaryo at bandido eh, ayaw lang nilang tapusin ang giyera nila dahil babawasan nang husto ang budget nila kapag nagkaroon na ng kapayapaan.
Nakakagalit!!! Walang pakundangang binabawasan ang budget ng edukasyon at kalusugan t’as sagana lang sa pera ang militar. Kung trip n’yo pang magalit at para sa iba pang balita tungkol sa mga pang-aabuso ng militar, magbasa ng Ang Bayan.
[Post-Script 18:44] Hindi lahat ng heneral ay ganid.

aba’t ni-link pa tlg ang AB ha! tama.. me political line ka, dude.. asteg!