Umulan umaraw
Kay init-init tapos uulan. Nakakabuwisit. Pero kahit commuter na ako ngayon, mas gusto ko pa rin ang umuulan kaysa sa maaraw tuwing nagcocommute ako. Mas malamig at mahangin. Mas nagiginhawaan ako sa mga paglalakad na ginagawa ko araw-araw.
Nung Lunes, naiwan ko ang filer envelope ko sa isa kong klase ng umaga. Hapon na nung napansin kong nawawala ko ‘yun. Shit, eh dun nakalagay ang mga readings, drafts at ang napaka-importanteng form-5 ko na mas mahalaga pa sa school ID. Buti na lang pagdating ko sa silid ng klase ko nung umaga, andun pa s’ya. Naka-display. Ang nakakahiya d’yan, ‘yung filer envelope ko na iyon ay kulay purple at pink na may mga guhit ng cute na monkey na ang pangalan ay Cheeky. Yuck. Shit. Lantaran pa ang pangalan ko dun. Nakakahiya! Hindi sa mahilig ako sa mga bagay na kulay purple at pink pero nabili ko ‘yun kasi ‘yun na lang ang natitirang uri ng filer envelope noon sa tindahan ng school supplies. Nakakahiya!
Nung Martes, kanselado ang dalawa kong klase sa araw na ‘yon. Whoo! Kaya, ginugol ko na lang ang oras ko sa pamamahagi ng primers ng minumungkahing bagong UP Charter ng university student council. Sa Mass Comm ako nag-distribute. Buti naman wala akong tibak na nakasalubong. Hm, siguro may nakasalubong nga ako, buti na lang ‘di nila ako inaway. ‘Wag po, volunteer lang ako ng student council!
Nung Miyerkules, nakaroon ng org picture taking. Dahil dalawa na orgs ko, kasama ako sa dalawang org pics. Sa gitna ng dalawang picture taking, dumalo ako sa KAS 1 quiz bee sa Palma Hall. Teka, sino ba nagsabing magaling ako sa kasaysayan ng Pilipinas? Pang-walo lang kami sa labing-limang grupong kalahok.
Kahapon, ordinaryong araw. Imbes na tumambay sa tambayan, ginugol ko ang dalawang oras na free time ko sa library. Nakatulog. Pagkagising ko, sobra akong natatae, pero may PE pa ‘ko kaya tiniis ko na lang. Buti na lang hindi kami naghabulan ngayon sa Phil. Games. Pagkatapos nun, nahirapan akong magcommute at maglakad pauwi! Parang… Uggh, lalabas na! Yuck, haha, kadiri. Pasensya na.
“Pagkatapos nun, nahirapan akong magcommute at maglakad pauwi! Parang… Uggh, lalabas na! Yuck, haha, kadiri. Pasensya na. “
Ano daw?