Protected: Naiwan
Tinatamad na ako mag-aral. Kahit may fieldtrip kami sa AP12. At fieldtrip din sa KAS1. Ewan. Wala na ‘kong gana. Ang hindi ko maintidihan, eh hindi naman mabibigat ang mga asignatura ko ngayong sem. Siguro ‘yung nga rin ‘yung dahilan, hindi ako nahihirapan kaya nababagot ako. Weirdo.
Nanood na naman ako ng pelikula kanina sa Film Center. Puro Japanese films this week. Ang pinanood ko ngayon kasama ng ilang ka-org ay Waterboys. Waterboys was hella funny!! It’s a Japanese film about a group of boys who gets into synchronized swimming because of an attractive teacher. The teacher soon had to leave school to give birth, so the guys were left to decide if they were to push through or not with their participation in the school fair. ‘Dun na tumakbo ‘yung storya. Panalo slapstick humor nito! Puno ng kakenkuyan. The only awkward thing ay masagwa lang talaga manood ng mga lalaking nagsi-synchronized swimming in tiny trunks. Pero that’s part of the humor, which works for me, kaya okay lang. Haha! Kung gusto n’yo matawa, ipapalabas ulit ito sa Sabado sa Film Center.
My rating: 7/10
ACLE (Alteranative Classroom Learning Experience) lang ang ‘klase’ ko kahapon. Free cut ang dalawa kong regular class. Dinaluhan ko ‘yung ACLE ng org ko (MCO) in partnership with UP Tutti tungkol sa novelty songs sa College of Music. Maganda ang naging diskusyon sa talk dahil lumabas ang tunggalian at ang sama ng loob ng mga music majors (bukod pa sa ibang bagay, na hindi ko masyadong napansin, hehe) sa mga novelty songs. Nag-walk-out nga nang madamdamin ang isang propesor nang sinabi ng isang speaker na dapat lang itanghal bilang national artist for music si Yoyoy Villame.
Matapos ng ACLE, nanood ako, kasama ng ilang ka-org, ng Dokomademo Ikô sa Film Center. Ang pelikula ay tungkol sa pagkakaibigan ng dalawang bata. Medyo malabo nga eh. Walang kapansin-pansin na tunggalian kaya kahit mahigit isang oras lang ang itinagal ng pelikula ay napaka-dragging nito. Nagtataka nga ako kung bakit ang gaganda ng mga comments na nababasa ko sa internet. Baka bobong manonood lang talaga ako.
Bikoy’s rating: 5.5/10
Ginugol ko ang two-hour break ko sa library, nanood ng mga lumang dokumentaryo kasi wala akong magawa. Na naman. Matapos nun, nag-cheer lang kami sa PE bilang paghahanda sa UAAP cheering competition sa Linggo. Haha, hindi naman ako manonood eh.
Sa totoo, may balak talaga ako manood kasama ng ilan kong block at orgmates. Kaya kanina, kasama nina Chesa at Eka, pumunta kami ng Araneta Center para makabili ng tickets. Pagdating namin sa bilihan ng tickets, nalaman namin na para makabili ng isang lower box ticket ay kailangan mo ring bumili ng gift certificate na nagkakahalagang 300 piso. Naku po! Sorry, ‘WAG NA!! It’s not worth it. I am not willing to spend 410 pesos on a ticket to a cheering competition. Rip-off! Madaya! Ano ‘yan, eh di puro Atenista lang makakabili n’yan. (Tulad ko… dati, hehe).
Matapos nun, bumalik pa ako ng UP para sa pulong ng kumiteng sinalihan ko sa university student council volunteers. Halos alas-7 na rin nang matapos ‘yon.
Kahapon…
Hindi ako bumagsak sa NATSCI 2 exam namin! Wooh! Pero mababa pa rin nakuha ko. Okay na ‘yon, kasi ‘di ko talaga inaral ang mga tinanong.
Nung break, pinakiusapan ako (bilang volunteer) na magkalat ng university student council statements na pumupuna sa protestang walk-out ng partido ng oposisyon sa isang council meeting. Napili kong magpamahagi sa college ko. Huli na nang maalala ko na dominante nga raw pala ang oposisyon sa Mass Comm. Anupaman, mabuti na’t wala namang nangyaring ‘di kanais-nais.
Matapos ang klase namin ni Erik, nanood kami ng Carmen sa Film Center kasama ni Raf, kaklase namin sa nung high school. Ang kuwento ng pelikula ay umiinog sa trahedyang idinulot ng isang mapusok at mapang-akit na si Carmen sa isang sundalong Kastila nang dahil sa labis nitong pagmamahal sa kanya. Sabi nung mga promotional posters, ito raw ang one of the most erotic films of the year (isa sa mga dahilan kung bakit ginustong mapanood :p he he). After seeing the film, I didn’t think so. Ewan ko kung dahil lang ito sa napakaraming putol na ginawa (outrage! sinesensor na ang mga pelikulang ipinapalabas sa Film Center?!). Mabuti sana kung binawi ng pelikula ang kabiguang ito sa pamamagitan ng ibang aspeto ng pelikula tulad ng pamamaraan at daloy ng pagsasalaysay. Medyo bigo pa rin. Ginamit pa sana nang husto ang ganda ni Carmen.
I really hate it when people make decisions and choices for other people. Nabubwisit ako sa mga moralistang kala mo kung sinong may karapatang magtakda kung ano ang dapat at hindi dapat para sa indibidwal. Panghihimasok na ‘yan sa sarili nilang mga desisyon at paniniwala. Pasensya na, nanonood ako ng Debate ngayon at ang issue ay tungkol sa pagbabawal ng mga sexy movies sa SM. Napakakikitid ng mga utak. Naiinis ako! Pati magulang ko naka-debate ko rin tungkol sa isyung ‘to. Naiinis talaga ako. And I’m not saying this because I’m a film student, I’m saying this because it’s just wrong to make judgements for people who are capable of making their own judgements.
Kung ayaw n’yong panoorin dahil labag ito sa moralidad n’yo, eh di ‘wag n’yo panoorin!!