Archive for October, 2004


CS na sana ‘to

Hindi ako ginaganahang magsulat ng update dito tuwing huli akong nagpopost ng mahahabang entries na tungkol sa kung anumang nakalipas na bakasyon, kahit na madami akong oras para gawin iyon. Kasi, parang ayaw kong mabaon muna sa archives ang mga masasayang alaala habang mangingibabaw ang mga bago ngunit napaka-boring na entries. Hehe. Pero maglilimang-araw na ‘kong ‘di nag-uupdate, saka paalis na rin kami patungong Beijing sa Linggo, kaya heto.

class cardsPumunta ako ng UP noong Lunes kasama si Erik para tangkaing makuha ang mga class cards namin (para sa mga ‘di taga-UP, dito nakalagay ang mga indibidwal naming grado sa bawat klase). Nakaka-miss din ang UP, higit tatlong linggo na kasi akong hindi pumapasok. At iba ang pakiramdam ng UP na napaka-kaunti ng mga tao kahit na magtatanghali na. Dalawa lang sa anim kong mga klase ang available ang class card. Kaninang hapon, matapos kong samahan si Mama sa kanyang lakad, dumaan kami ng UP para subukang makuha ang nalalabi pang class cards. Dalawa lang sa apat na nalalabi ang nakuha ko.

Masaya ako kasi kahit hindi ako ginanahan sa una kong semestre sa UP, ay maganda-ganda naman ang mga grado ko. Wala akong gradong mas mababa sa 1.75. ‘Yun lang. Dalawang class cards pa ang hinihintay ko (sa katunayan, isa na lang kasi ‘yung isa ay PE lang, na hindi naman credited ang units sa general average). P’wedeng p’wede. Sana makapasok ako sa listahan ng college scholars (o dean’s list)!

[Post-Script, 18:00] Wohoo!! Kaka-calculate ko lang, at p’wede pala akong mag-university scholar (president’s list)!! Haha! Nakakatuwa (I did it by not taking up any Math subjects, bwehehe).

Ninong ba kita?

Noong Biyernes, nagtungo ako sa mall nang mag-isa para bumili ng pangregalo sa kaisa-isa kong inaanak, na anak ng pinsan ko. Nothing interesting about that. Pero para pumunta ako ng mall, ay sumakay ako ng FX sa kauna-unahang pagkakataon. Kay laki palang ginhawa kumpara sa dyip. At hindi pa gaanong kamahalan (for now?).

Darline at akoMga Powerpuff Girls na libro ang binigay ko sa inaanak ko. Dahil gusto kong makahiligan niya ang pagbabasa. Ika-7 kaarawan nga pala ang ipinagdiriwang niya kahapon sa bahay ni Lolo sa Amadeo. Siyam na taong gulang ako nang maging ninong niya ako sa binyag niya noong 1997. Sagwa nga eh, hindi ko ramdam ang pagiging ninong. Labing-anim na taong gulang palang ako ngayon tapos 7 years-old na siya. Para lang akong kuya. At siguro pansin din ng inaanak ko ang kasagwaan ng sitwasyon. Pero mas masagwa ang ginagawa niya. Aba, hindi siya nagmamano sa ‘kin, ni hindi niya ko sinasagot tuwing may itatanong ako. Parang hindi ninong ang tingin at turing niya sa ‘kin. Hindi ko siya masisisi. Pero okay lang.

In other news, we’re going on a short trip to Beijing next week! I dislike “cheap” package tours, pero wala akong magagawa, ‘yun ang kinuha ng mga magulang. P’wede na.

CASTpers in Bacacay! (Part 2 of 2)

LINGGO

Matapos ang almusal noong Linggo, pumunta ang mga CASTpers sa beach ng Sogod, Bacacay, Albay, walang isang kilometro lang ang layo mula sa lugar ni Cong. Lagman na tinutuluyan namin.

Itim ang buhangin sa beach (dahil malapit sa bulkan?). At sino umaangal sa itim na buhangin? Hindi kami. Higit isang oras ata kaming nagbabad sa mga alon ng tubig at sa mainit na sikat ng araw hanggang tanghalian. Sinakyan namin ‘yung mga alon sa mga itim na salbabida, naghukay at gumawa ng mga kung anu-anong ‘istruktura’ sa buhangin, nagbaon ng mga tao etc. Doon na rin kami sa beach kumain ng isa na namang katakam-takam at nakabubusog na tanghalian mula sa mga kusinera ng Congressman.

Nakalimutan ko atang maglagay ng sunblock sa likod ko noong Linggo. Kasalukuyang nangangati nang todo ang balat sa likod ko. Ang itim-itim ko na naman.

Matapos ang tanghalian, nagpasya ang ilan sa amin na maglakad pabalik sa aming tinutuluyang guesthouse para magpahinga. Ang ilan, kasama ako, ay nanatili muna sa beach ng halos kalahating-oras bago sumunod pabalik ng guesthouse.

Noong hapong iyon, dinayo namin ang bayan ng Tiwi, Albay para lang matikman ang ipinagpipitagan nitong halo-halo. Anila, ang halo-halo ng Tiwi ang pinakamasarap sa buong mundo. Ganon, masarap nga ba? Oo!! Matamis, magatas at kakaiba kasi may keso pa.

bonfire at the beachNoong gabi, matapos ang isa na namang nakakatabang hapunan, nagtungo ang CASTpers sa tabing-dagat at nagsindi ng bonfire. Nagkuwentuhan, nag-inuman, kumain. Naisalang nga ako sa “hot seat“. Pero… hindi ako gaanong nainitan. Marami pa ‘kong ginustong ibahagi tungkol sa ‘kin pero hindi lumabas ang pagkakataon. Marami pa namang darating. At saka siguro natural na boring ang buhay ko. Nasiyahan ako pagkatapos ng bonfire. Lagpas ala-una na ng hatinggabi nang matapos ang bonfire bonding ng CASTpers. Nasiyahan akong malaman na… basta. Nasiyahan din ako kasi mas nakilala ko pa nang husto ang mga ka-org ko kahit na lahat sila, maliban nga kay AD, ay mga graduating seniors na. Dumami ang mga tanong ko tungkol sa kanila dahil sa mga isyung ‘di ko alam pero hinayaan ko na lang sa gan’on. Masaya na ‘kong maramdaman na mas lumawak ang pagkakakilanlan ko sa kanila.

LUNES

Sogod Beach, Bacacay, AlbayTanghali na nang magising ang lahat. Bago magtanghalian, nagtungo ang CASTpers sa tiangge sa may Tabaco City para mamili ng mga pasalubong. Ako, bumili ako ng iba-ibang mga kagamitang yari sa abaka. At aaminin ko na rin na hindi talaga ako marunong tumawad.

Matapos ang ISA NA NAMANG nakakababoy na tanghalian, nagpahinga na lang ang iba at nag-impake. Bago tuluyang umalis ng Bacacay, bumisita ang ilan, kasama ako, sa beach malapit sa guesthouse. Napakabanayad ng tubig noong hapong ‘yon kumpara sa napaka-alon na dagat na dinatnan namin noong Sabado. Ang sarap ng katahimikan. Ang sarap lumangoy sa dagat, para kang nasa malaking swimming pool, kasi wala talagang kaalon-alon. Ay saka, ‘yon, nangahas akong dalhin ang digicam ko sa dagat at kumuha ng mga litrato mula sa tubig. Kahit na hindi waterproof ang camera ko. Magaganda naman ang mga nakuha ko at saka hindi naman nasira ‘yung camera kaya okay.

Bago mag-alas-singko ng hapon ay hinatid na kami sa terminal ng bus sa may Tabaco. Ordinary bus na lang ang sinakyan ko kasi malaki-laki rin ang matitipid. Biruin mo, kung aircon bus, 800 pesos. Eh ang ordinary bus, 300 pesos lang. Eh ‘di, naka-kickback na rin ako ng limang-daan (kasi 800 talaga ang budget ko para sa pamasahe pauwi).

Kinaya ko ba ang higit sa SAMPUNG ORAS na biyahe sa isang napakasikip, (madumi), at mainit na bus? Oo naman. Nakatulog ba ako? Oo naman… mga pakala-kalahating oras na idlip lang. Masaya ba ang biyahe? Oo naman, kasama ko naman ang ibang CASTpers eh. Kung ‘di lang sa kanila, sa Tabaco pa lang eh lumipat na ‘ko ng bus.

Hay. ‘Yun lang. Kapagod magsulat ng tala ng mga nangyari.

CASTpers in Bacacay! (Part 1 of 2)

Kakauwi ko lang ng bahay kaninang umaga mula sa outing ng UP CAST sa Albay. Hay, hirap simulan ng entry na ‘to. Parang tinatamad ako, sa dami ng gusto kong sabihin. Iklian ko na lang, tapos chronological order.

BIYERNES

Sinamahan ko muna si Mama sa Sta. Maria buong araw. Nang maggabi, hinatid niya ‘ko sa istasyon ng bus sa tapat ng Alimall kung saan hinintay ko sina Ate Toni, Kuya David, Ate Dianne saka si Ate May bago sumakay ng aircon bus papuntang Tabaco, Albay. Sumakay kami bago mag 8:30 PM. Nakaalis ang bus bago mag ika-siyam.

Labingdalawang oras ang biyahe mula Maynila hanggang Tabaco. Nakatulog naman ako nang matiwasay, kahit na hindi ako bumaba ng bus sa mga rest stop kasi malamig at hindi gaanong masikip sa upuan ko dahil hindi naman kalakihan ang bagaheng dinala ko. Nakakangalay lang talaga sa binti! LABINGDALAWANG ORAS lang naman kasi ako nakaupo nang tuluy-tuloy!

SABADO

Dumating kami ng Tabaco, Albay, magsisiyam ng umaga. Sinundo kami ng driver ni Congressman Edcel Lagman, ang aming host sa Bicol, patungo sa kanyang lugar sa Sogod, Bacacay, Albay.

Matapos ang isang masarap na almusal kasama si G. Lagman, nagpahinga muna kami sa sari-sarili naming mga kuwarto sa guesthouse cottage. Kalaunan ay dumating rin ang iba naming kasamahan sa UP CAST na sumakay ng ibang bus mula Maynila.

Nailang ako nang bahagya kasi ako lang (saka si AD) ang mga bagong miyembro na sumama sa outing.

Matapos ang masarap at nakakabusog na tanghalian ng araw na ‘yon, nagpahinga na naman ang grupo nang kaunti bago pumunta sa abandonadong Mayon Skyline Hotel sa hilagang-kanlurang dalisdis (slope) ng Bulkang Mayon. Mula sa tuktok, makikita ang tanawin ng mga bayan ng Malilipot at Tabaco, maging ang katabing-bundok ng Masaraga. Mas maganda sana ang tanawin nung mga sandaling ‘yon pero halos yata lahat ng mga bukid at tahanan sa Albay ay nagsisiga noong hapong ‘yon. Ilang sandali lang kami doon bago kami bumabang muli at nagtungo sa Cagsawa Ruins malapit sa Legazpi City. Ang dami-daming bata nung pumunta kami sa Casagwa, field trip siguro. Lumitaw na ang buwan bago matapos ang mga CASTpers magkodakan. Bago umuwi, bumili muna ang ilan ng mga pasalubong sa kalapit na tiangge. Dumaan din ang CASTpers sa Pacific Mall sa Legazpi bago bumalik ng Sogod, Bacacay.

Nung gabing iyon, matapos ang isa na namang nakakatabang kainan, nag-inuman at nagvideoke ang CASTpers hanggang maghating-gabi. At hulaan niyo kung sino ang humawak ng pinakamataas na score sa videoke, hehe. Kahit na sablay aang scoring system nito.

Off to Bicol

One of my college org’s having a semender outing. We’re off to Albay!! Will be back on Tuesday. Till then!

You aren’t a fully-grown man until…

Told about some of the questions, including the one on childhood crushes, [former President Joseph] Estrada admitted that he had “none yet” in his elementary years.

Estrada, speaking through spokesperson Didagen Dilangalen, said he was not a fully-grown man then.

“I was yet uncircumcised,” he said…

[from The Philippine Daily Inquirer, October 15, 2004]

What does circumcision have to do with having grade school crushes and being a fully-grown man?

We love you! Adopt us!

Students, carrying small American flags, lined up a dirt road where the US officials passed. They chanted the name of [US Ambassador Francis] Ricciardone and some were shouting “Long live America!”

“We are here to see the projects and we hope to provide more assistance to the Filipino people. We are friends,” Ricciardone said.

Basilan Gov. Wahab Akbar, a rebel leader-turned-politician, said the island’s 350,000 people would be better off under US rule.

“If I have my way, I want Basilan to be part of the United States and we will call this great land the State of Basilan. Then we can have better lives,” he said.

[from Malaya, October 14, 2004]

Well, I guess they could just hope the Iraqis would react in the same way. Mission accomplished.

Some priorities eh?

The government has alloted PhP122 (a little more than $2) for each Filipino’s health care (exclusive of all other deductions from corruption etc.) come 2005. On the other hand, it has allocated PhP550 (almost $10) for each Filipino’s protection from insurgents and foreign invaders for next year (exclusive of US military aid).

The issue here is not that the allocations are not enough. Both allocations are not enough.

What is this government trying to say? We are more likely to get harmed or killed by insurgents and foreign invaders than die of some disease? And that they must prioritize the military over our health? And yet with tens of billions in military spending a year, our Armed Forces still has not been able to defeat a few thousand insurgents who have been waging war for decades. It took years before the army ’successfully defeated’ a group of bandits numbering less than a hundred, the Abu Sayaff. And still, the Armed Forces is crippled with outdated tanks, guns and other equipments (and lack thereof).

And then things like this issue against Major General Carlos F. Garcia come up.

Maj. Gen. Carlos F. GarciaInvestigators noted that he [Maj. Gen. Carlos F. Garcia] declared net worth of P1.4 million, from only P384,000 in 1996 – “clearly disproportionate to his legitimate income.” They also discovered items left undeclared in his mandatory Statement and Assets and Liabilities, among these a P7-million investment in AFPSLAI, and cash and property in the US worth $1.42 million (P79.52 million). Aside from the newly bought condo on 222 East 34th Ave., New York, the spouses Garcia also own a house on 625 Vancouver Drive, Westerville, Ohio, and a unit at Trump Park Avenue Condominium, 502 Park Ave., New York.

[from The Philippine Star, October 4, 2004]

Garapal! And how could he be more guilty? Aside from the general’s wife’s admission of all of the above, a week after he was suspended due to graft charges, he began to withdraw a total of PhP19 million from his Armed Forces bank account. And when he was ordered to appear in a House of Representatives inquiry, he called in sick. Hah!

He is just one of many Armed Forces generals whose families live lavish lifestyles in their posh mansions and other estates and properties here and abroad.

This is not a secret anyway. I’m just hoping that these generals get persecuted and serve lifetime sentences in jail. But who am I kidding, these generals hold the President by the neck. She is too scared and indebted. She even appointed one of the most corrupt ones as Secretary of Interior and Local Government.

[related blog entry here]