CASTpers in Bacacay! (Part 1 of 2)
Kakauwi ko lang ng bahay kaninang umaga mula sa outing ng UP CAST sa Albay. Hay, hirap simulan ng entry na ‘to. Parang tinatamad ako, sa dami ng gusto kong sabihin. Iklian ko na lang, tapos chronological order.
BIYERNES
Sinamahan ko muna si Mama sa Sta. Maria buong araw. Nang maggabi, hinatid niya ‘ko sa istasyon ng bus sa tapat ng Alimall kung saan hinintay ko sina Ate Toni, Kuya David, Ate Dianne saka si Ate May bago sumakay ng aircon bus papuntang Tabaco, Albay. Sumakay kami bago mag 8:30 PM. Nakaalis ang bus bago mag ika-siyam.
Labingdalawang oras ang biyahe mula Maynila hanggang Tabaco. Nakatulog naman ako nang matiwasay, kahit na hindi ako bumaba ng bus sa mga rest stop kasi malamig at hindi gaanong masikip sa upuan ko dahil hindi naman kalakihan ang bagaheng dinala ko. Nakakangalay lang talaga sa binti! LABINGDALAWANG ORAS lang naman kasi ako nakaupo nang tuluy-tuloy!
SABADO
Dumating kami ng Tabaco, Albay, magsisiyam ng umaga. Sinundo kami ng driver ni Congressman Edcel Lagman, ang aming host sa Bicol, patungo sa kanyang lugar sa Sogod, Bacacay, Albay.
Matapos ang isang masarap na almusal kasama si G. Lagman, nagpahinga muna kami sa sari-sarili naming mga kuwarto sa guesthouse cottage. Kalaunan ay dumating rin ang iba naming kasamahan sa UP CAST na sumakay ng ibang bus mula Maynila.
Nailang ako nang bahagya kasi ako lang (saka si AD) ang mga bagong miyembro na sumama sa outing.
Matapos ang masarap at nakakabusog na tanghalian ng araw na ‘yon, nagpahinga na naman ang grupo nang kaunti bago pumunta sa abandonadong Mayon Skyline Hotel sa hilagang-kanlurang dalisdis (slope) ng Bulkang Mayon. Mula sa tuktok, makikita ang tanawin ng mga bayan ng Malilipot at Tabaco, maging ang katabing-bundok ng Masaraga. Mas maganda sana ang tanawin nung mga sandaling ‘yon pero halos yata lahat ng mga bukid at tahanan sa Albay ay nagsisiga noong hapong ‘yon. Ilang sandali lang kami doon bago kami bumabang muli at nagtungo sa Cagsawa Ruins malapit sa Legazpi City. Ang dami-daming bata nung pumunta kami sa Casagwa, field trip siguro. Lumitaw na ang buwan bago matapos ang mga CASTpers magkodakan. Bago umuwi, bumili muna ang ilan ng mga pasalubong sa kalapit na tiangge. Dumaan din ang CASTpers sa Pacific Mall sa Legazpi bago bumalik ng Sogod, Bacacay.
Nung gabing iyon, matapos ang isa na namang nakakatabang kainan, nag-inuman at nagvideoke ang CASTpers hanggang maghating-gabi. At hulaan niyo kung sino ang humawak ng pinakamataas na score sa videoke, hehe. Kahit na sablay aang scoring system nito.

bikoy! pasend naman po sa gmail ko ng mga pix natin… armirae@gmail.com (um, tama ba? never ko pa kasi ginamit yun e)
thanks!
ganda ng mga pix mo! pang postcards…wow
oo, pa-send rin ^_^ inconnu_vagabond@yahoo.com tnx! ^_^
lupet, bebe bikoy… ganda ng mga pix mo… o ayan, di ko na napigilan, nag post na ako ng comment =) post mo na lang sa yahoo group ng CAST pag may time ka, salamat!
My gosh you have beautiful pictures of Bicol, hehe I have similar pictures in the same you took pics too… Sigh, makes me miss my hometown even more…
Post mo naman sa isang gallery yung pictures mo, ang ganda! Gusto ko yung may kalabaw, saka yung last, yung medyo madilim na. Nice work!
Hahaha, baka pala yun, hindi kalabaw!
Hey victor! I don’t know the language u write with, but I saw “Tabaco” name several times. my friend is from tabaco and I’d like to give him some nice pictures\clips of it, can u plz help me with that? cuz search engines didn’t do any good with me, pictures Compression too lossy. please email me if it’s easier. thanks!