CS na sana ‘to
Hindi ako ginaganahang magsulat ng update dito tuwing huli akong nagpopost ng mahahabang entries na tungkol sa kung anumang nakalipas na bakasyon, kahit na madami akong oras para gawin iyon. Kasi, parang ayaw kong mabaon muna sa archives ang mga masasayang alaala habang mangingibabaw ang mga bago ngunit napaka-boring na entries. Hehe. Pero maglilimang-araw na ‘kong ‘di nag-uupdate, saka paalis na rin kami patungong Beijing sa Linggo, kaya heto.
Pumunta ako ng UP noong Lunes kasama si Erik para tangkaing makuha ang mga class cards namin (para sa mga ‘di taga-UP, dito nakalagay ang mga indibidwal naming grado sa bawat klase). Nakaka-miss din ang UP, higit tatlong linggo na kasi akong hindi pumapasok. At iba ang pakiramdam ng UP na napaka-kaunti ng mga tao kahit na magtatanghali na. Dalawa lang sa anim kong mga klase ang available ang class card. Kaninang hapon, matapos kong samahan si Mama sa kanyang lakad, dumaan kami ng UP para subukang makuha ang nalalabi pang class cards. Dalawa lang sa apat na nalalabi ang nakuha ko.
Masaya ako kasi kahit hindi ako ginanahan sa una kong semestre sa UP, ay maganda-ganda naman ang mga grado ko. Wala akong gradong mas mababa sa 1.75. ‘Yun lang. Dalawang class cards pa ang hinihintay ko (sa katunayan, isa na lang kasi ‘yung isa ay PE lang, na hindi naman credited ang units sa general average). P’wedeng p’wede. Sana makapasok ako sa listahan ng college scholars (o dean’s list)!
[Post-Script, 18:00] Wohoo!! Kaka-calculate ko lang, at p’wede pala akong mag-university scholar (president’s list)!! Haha! Nakakatuwa (I did it by not taking up any Math subjects, bwehehe).

congrats bikoy!
uhmmm, hate mo math? hehe..