Dumalo ako sa thesis presentation at defense kanina ng mga film majors ngayong sem. Kasama dun ‘yung kay Kuya David na short film na ginanapan ko. Grabe, ang hirap pigilan ang mga kamay kong takpan ang mga mata ko. Gusto kong matunaw habang pinapalabas ‘yung pelikula!! Nung tumili ‘yung ilang manonood nung kissing scene, halos makitili na rin ako sa kanila (pero hindi sa kilig). Wala akong masabi! Gusto kong magtalukbong ng kumot!! Pero, sa totoo, ang galing nung pelikula. Pero… ah, damn, nahihiya talaga ako, kahit na sabihin nilang hindi ko dapat ikahiya. Na magaling naman daw ‘yung pag-arte. Ewan ko, siguro hiya is not the right word. Iba lang talaga ang pakiramdam kapag pinapanood mo sarili mong umaarte, at alam mong may ibang nanonood. Parang nasasagwaan ako na ewan. Maybe it’s a personal bias, na alam kong hindi ko ginagawa sa totoong buhay ‘yung ginawa ko as my character, kaya nasasagwaan ako nung nakikita ko ‘yung sarili kong ganun umasta. Parang, ang sagwang pinapanood ko sarili kong naninigarilyo, umaastang-siga, at ‘yung iba pa. Basta. Anupaman, congratulations sa ‘ting lahat na naging bahagi ng production na ito, lalu na s’yempre sa ating butihing direktor!! Galing!
Anyway, moving on. It’s less than seventeen hours before I have to submit 5 papers due tomorrow. I had weeks to do this and I’m cramming them all in one night. I got off from school last Friday, and between then and now, I didn’t even finish any of the five. Pero meron na ‘kong isang natapos na kanina ko na pinasa, so I actually had 6 papers to do. Damn, I never got out of this habit. So high school. See, I even alot time to blog about it. But hey, I guess I just thrive and bloom under pressure. I can do this. I’ve done this so many times, I can do it again this time. After tomorrow, it’ll all be over and I’ll be finally on a full-scale sembreak.
‘Wag akong tularan.