Unang SLR camera
Noong Linggo, nahikayat ko ang mga magulang kong pumunta kami ng Quiapo para makakuha na ‘ko ng sarili kong SLR camera para sa Film 110 class ko. Nung Sabado kasi, pumunta kami ng SM para tumingin ng camera. Eh, ayoko namang magpabili ng masyadong mahal, saka kahit segunda mano eh ayos na sa ‘kin. Baka matakot lang kasi kong gamitin ang camera kung masyadong mahal. Kaya ayun, sa Quiapo na lang kami bumili. Isang 1997 na modelo ng Nikon FE10 SLR na camera. Ayos na ‘to sa ‘kin. Unang una kong SLR camera. Yehey.
magkano ang kuha mo sa kamera?
Waw, inggit! Honga, saan mo binli?
how much yung camera?
Saan banda sa Quiapo, ano ang pangalan nung store at magkano ang presyo?
Hirit pa, magkano bili mo dito? Madami bang available na brands?
Nakatira ako sa Laguna and fist time kong tumira sa manila for college. You posted in your web on 11.22.04“Unang SLR camera” that you bought your fist camera sa “Quiapo”. But you didn’t specify where in Quiapo? Can you tell me the name and the address of the store, please. Nahiya kasi ako mapabili sa sister ko nasa Toronto dahil Nanny lang siya doon. May naipon na rin ako sa mga ipinadadala nya. And I don’t want to ask my Auntie for more money. I can’t afford a brand new and top of the line camera. Can you please help me?
magkano mo binili? di ba nakaw mga tinda dun? hehe