‘Wag ko nang patagalin
Habang pinapatagal ko ang panahong lumilipas mula nang huli akong nagpo-post ng entry dito, tumatamad ako nang tumatamad. Kaya bago pa ako tamarin nang tuluyan, mag-uupdate ako.
HUWEBES, Nobyembre 18. Unang beses kong sabayan ang rush hour na trapik ng Commonwealth Avenue para pasukan ang 7AM PE class ko. Ako ang nagmaneho ng sasakyan habang pasahero ko si Mama. Pagdating ko ng gym at matapos umalis ng Mama ko kasama ng sasakyan, natanto ko na naiwanan ko pala ang Form 5 ko kaya hindi ako maaring pumasok. Wala akong ibang p’wedeng gawin kundi lumiban sa klase at umuwi na lang ng bahay. Unang pagliban ko sa ikalawang semestre.
BIYERNES, Nobyembre 19. Nung gabi, nagkaroon ng cultural night sa kolehiyo ko, na pinasumunuan ng CMC student council para isulong ang pagutulol sa UP budget cut. Ginanap iyon sa madilim na parking lot ng CMC. Mga maliliit na kandila at ang kaisa-isang fluorescent bulb malapit sa lobby ang nagsilbing ilaw, maliban sa mga bitwin. Nakalapag sa lupa ang mga banig at kumot at doon lang nakaupo ang mga tao. Nagkaroon ng mga pagtatanghal mula sa iba’t ibang orgnisasyon sa kolehiyo. ‘Yun lang. Kakaunti lang ang mga freshmen na pumunta.

No comments yet.