Harapin ang kailangang harapin
Sa wakas, nag-klase rin kami sa Film 100 noong Lunes. Puro kasi holiday ang dalawang Lunes na nakalipas. Oy, at holiday rin ang Lunes sa susunod na lingo. Wala na namang klase. Halos film-viewing lang pala lahat ng klase sa Film 100, at may discussion din s’yempre. Nung Lunes, Nuovo Cinema Paradiso and pinanood namin.
Kahapon, nagkaroon ng mobilisasyon at demonstrasyon ang ilang grupo ng mga mag-aaral ng UP laban sa budget cut at sa komersalisasyon daw ng edukasyon. Sinabay ito sa ginagawang deliberasyon ng Mababang Kapulungan ukol sa pambansang budget ng 2005. Galit at tutol din ako sa budget cut at sa paglalaan ng gobyerno ng napakalaking pondo sa pagbabayad utang at sa militar na ang pakinabang ay hindi naman ramdam ng mamamayan. Pero, pero hindi ako tutol sa paggamit ng UP ng mga ari-arian nito para makalikom ng karagdagang pondo. Mahabang debate pa ‘yan pero ‘yun lang muna. Nung break ko, naki-upo lang ako sa pagtitipon ng mga nagpoprotesta sa may AS lobby. Pero umalis din ako kalaunan at pumunta ng CMC.
Dun lang ako tumambay sa may application booth ng UP CAST buong hapon.
ei, what po nangyari sa GA? di po me nakarating kanina eh…