Kung paru-paro na lang
Inatake ako ng kati habang kumakain sa Beach House kahapon. Ewan ko kung dahil ‘to sa higad o ano. Tingnan n’yo ‘yung larawan ng galanggalangan ko na kinunan ko kanina. Dumami pa d’yan ang mga butlig-butlig ko ngayon kasi kinamot ko nang kinamot. Eh ang sarap kamutin kasi ang kati-kati talaga. Ngayon namumutiktik sa butlig ang braso ko. Ang kati!!! At ngayon nagkakabutlig na rin ang ibang parte ng katawan ko. Ayoko na!! ‘Wag n’yo na kong dahil sa Beach House kahit kailan!

tsk tsk, nakokonsensiya ako! isa ako sa nagdala sa iyo sa beach house…
hayaan mo at least worth it naman yan. ok naman ang report natin!
Bikzi,
Alalay lang ang kamot iho, kahit anong sobra di maganda sa tao….meanwhile kung masakit na ang binti mo sa kakakamot, ikamot o na lang sa likod ni CAtHY…Kitam sa name pa lang alam mo na kung anong joy niya he he he…