Archive for December, 2004


Aishite Imasu

Aishite Imasu 1941. Mayroong tatlong magkakaibigan; sina Edilberto (Raymart Santiago), Inya (Judy Anne Santos), at Ignacio (Dennis Trillo), na tahimik na nananahan, kasama ng sari-sari at iba-iba pang mga tauhan, sa bayan ng San Nicolas. Tulad ng Panaghoy sa Suba, magigimbala ang lahat sa pagpasok ng mga mananakop na Hapon. At doon na magsisimula ang pakikipagsapalaran ng lahat. Mayroong naroon sa estilo ni Joel Lamangan na nakakasawa. Estilong melodramang tipikal sa maraming telenobela. Maraming tauhan. Maraming iyakan, sagutan, sakitan, etcetera. Pero hindi naman sobrang siksik, may tono pa rin ng pagpapatotoo sa totoong buhay. Siksik nga ‘yung drama, pero pag dating sa mga eksenang barilan, kulang na kulang. Walang galit, gana, saka saan ka ba naman nakakita ng barilang walang dugo? Kulang na kulang. Wala ring pagbabago sa pamamaraan ng pagkuha sa mga eksena. Walang gimik sa lighting o sa kulay. It’s just plain, simple, sometimes dragging, story-telling–literally, kasi ang buong pelikula ay isang pagbabalik-tanaw with consistent voice-overs ng isang lola, halos sa bawat eksena.

Ang pagganap ng mga tauhan. Bueno, ayos-ayos naman. Pero tulad nga ng nasabi ko. Walang bago. ‘Yun pa rin. Drama. Tipikal na pag-iyak at pagbabato ng linya. Pero kapansin-pansin naman si Dennis Trillo. Lakas din ng loob niyang umarte nang ganon at magbading-badingan ah. Tatak ng tunay na artista. At kinaya naman niya. Para ngang siya ang pangunahing tauhan eh.

Pasado naman ang kuwento. Hindi nga lang talaga patok sa panlasa ko ang pamamaraang ginamit ng direktor para ipakita ito bilang pelikula. Pero bakit ang daming nagsasabing malakas daw ang laban nito para sa Best Picture? My rating: 5.75/10

Sigaw

Sigaw. Pinanood ko ‘tong mag-isa kasi ayaw akong samahan ng nanay ko sa loob. First showing ang pinasukan ko kaya halos walang tao sa loob ng malaki, malamig at madilim na sinehan. Walang katao-tao sa harap ko. At ang pinakamalapit na tao sa likod ko ay sampung metro ang layo. Naks, AYOS! Ang creepy. Tamang tama, at horror ‘tong papanoorin ko, sabi ko sa sarili ko.

So nakakatakot nga ba ito? Hindi ako sumigaw, pero ‘yon ay dahil, aaminin ko, tinakpan ko ang mga mata at tenga ko makailang beses kasi nakakakilabot talaga. Lalo pa nga’t mag-isa lang ako at halos walang katao-tao sa sinehan! Ayos talaga ang timing at puwesto ko sa panonood!

Walang bago sa kuwento ng pelikulang ‘to. Predictable ika nga ng ilan. Hindi matahimik ang kaluluwa ng mga namatay kaya binabagabag nito ang mga buhay at kailangang solusyunan ng mga pinagpaparamdamang buhay ang problema ng patay. Pero naisip ko, eh talaga namang maraming “horror” movies ang gumagamit ng plot na ganoon. Nasa treatment lang ‘yan ng direktor. At para sa ‘kin eh mahusay-husay naman ang ginawa ni Yam Laranas.

Excellent cinematography, outstanding for a mainstream Filipino film. Bihirang akong makakita sa mga mainstream Filipino films ng estilo ng pagkuha ng eksena na tinahak ng Sigaw. Galing! Ayos na ayos sa ‘kin ang lighting at camera angles na ginamit (haha, kala mo kung sino akong marunong nun eh). Wala na ‘kong masabi. At ang sound, ayos din. Ginamit talaga ang pagka-Dolby surround nito at may pa-effect effect pa ang tunog sa ibang mga kakilakilabot na eksena. Kung teknikalidad lang ang basehan ng pagpili ng Best Picture, ito na ‘yon!! ‘Di na ko umaasa sa iba pang ‘di ko pa napapanood.

Nagustuhan ko rin ang pagganap nina Iza Calzado bilang kawawang asawa at Jomari Yllana bilang basagulerong mister (literally). Kung hindi mapolitika ang pagpili ng Best Actress, malakas para sa akin ang laban ni Iza Calzado. (Yeghck! showbiz talk!)

Singit ko lang ‘tong dialogue na ‘to, kasi mula sa takot eh bigla akong napatawa nito nang malakas.

PINKY (Angel Locsin): Nakita ko ‘yung bata… duguan ang ulo.
MARVIN (Richard Gutierrez): (very serious tone) Malay mo, ketchup lang ‘yon
PINKY: Sira ka ba? Ba’t maglalagay ng ketchup sa ulo ‘yong bata?!

Hahaha!! Antanga! Medyo may sira nga ang character ni Richard Gutierrez. Andami na niyang nararanasang hindi niya mapaliwanag sa lumang-luma at haunted na apartment building na ‘yon, eh ayaw pa niyang umalis. Pero ayos lang ‘yon, may taong ganon talaga.

My rating: 7/10

Panaghoy sa Suba

Panaghoy sa Suba. Mga Bisaya ang mga tauhan kaya Cebuano ang ginamit nilang pananalita sa buong pelikula, liban na lang kung kumakausap sila ng Hapon o Amerikano. Unang beses kong makapanood ng pelikulang Bisaya. Tinatamad akong mag-synopsis kasi naguguluhan pa ‘ko kung tungkol saan ba talaga ang pelikula.

The ‘funeral march along the river’ scene was beautiful, aptly accompanied by an enchanting Visayan song performed by a children’s choir. However, these beautiful panoramic shots of the river and other beautiful things Boholano were tirelessly used as transitionals between many a scenes over and over and over again. Ang ilan pa dito ay halatang canned at kuha lang mula sa ibang footage ng video cam. The two hour film could have been shorter, and much less dragging without these. And that’s another problem.

The movie runs for 129 minutes and yet the plot and its conflict, the relationship among different characters were not successfully developed. ‘Yun nga, hindi ko maintindihan kung tungkol saan ba talaga ang kuwento. Tungkol ba ‘to kay Duroy at ang pag-ibig niya kay Iset? Tungkol ba ‘to kay Duroy at ang pakikipagsapalaran niya sa giyera? O tungkol ba ‘to kay Iset? O sa suba? Hindi rin lubos na nilinaw ang mga personal na motibo ng mga tauhan para gawin ang mga ginawa nila. Bakit ganoon na lang ang galit ni Ibo sa Amerikano? Bakit umakyat kaagad ng bundok ang ilang mamamayan para magtago bego pa man dumating ang mga Hapon? Bakit tinaggihan ni Duroy ang tulong ng Amerikano? Bakit sa huli eh bigla na lang ihinambing si Duroy sa suba (ilog)? Bakit nito ginawa ‘yon, ba’t ganito umasta ang isang tauhan? Bakit ganito, bakit ganyan? May mga rason, pero hindi ipinadama sa manonood nang mahusay. Wala ring hatak ang pagkamatay ng iba’t ibang tauhan.

Sa ibang dako, nagustuhan ko naman ang maka-nasyonalismong mensahe ng pelikula, kahit na minsan ay hindi akma sa sitwasyon at nagiging pilit at masyadong melodramatic. Hindi ko nahalata nung una, pero isinasakatawan pala ni Iset ang Pilipinas, na isang mayumi at magandang dalagang sinusuyo ng isang aroganteng Amerikano, mananakop na Hapon at isang hamak na kapwa Pilipino.Tugma rin sa paghahambing na ito ang ibang tauhang umiinog sa dalagang ito, kaya ayos ‘yon para sa ‘kin. May mas malalim na mensahe rin pala ‘to.

Anupaman, kuntento na rin akong alam kong napunta ang 75 pesos ko sa pagsuporta sa isang underdog na entry, kahit na hindi ako kuntento sa pelikula mismo. Sana mahikayat pa silang gumawa ng iba at sana mas maganda pang pelikulang Bisaya.

(Oy, alam niyo ba, ang pangalan ng kapatid ni Duroy eh, BIKAY. Hahahaha! Wala lang…)

My: 6.5/10

Himutok naman ng mga indie

May kaugnayan ‘to sa nauna kong ibinahaging pitak ni Nestor Torre ng Inquirer tungkol sa sama ng loob ng ilang mga taga-industriya ng pelikula sa mga bumabatikos dito.

Mula sa blog ni Ate Dianne, napadpad ako dito. Tungkol ito sa pagboboycott ng ilang tao sa Metro Manila Film Festival ngayong taon.

Tulad ng sinabi ni Ate Dianne, ‘yan din ang isa sa mga ‘di ko nagugustuhan sa ilang film enthusiasts at mga indie artists. May pagka-eksklusibo, elitista at artsy and dating, ‘di mo maabot. ‘Yung mga tipong ayaw mong tabihan o kausapin at baka magmuka ka lang tanga. Galit na galit sa mainstream. Minsan ‘di mo maintindihan. Pero ayos lang, ganyan talaga eh. At may karapatan sila. Totoo naman ang ilan sa mga hinanakit at punto nila. Pero, boycott ba talaga ang solusyon? Kung ‘di mo panoorin, paano mo malalamang pangit pala siya. Saka kung hindi mo ipakita man lang na may tatangkilik pa rin sa mainstream na pelikulang Pilipino, paano mo magagawang balang araw eh hikayatin ang mga producer o yaong may pera para pondohan ang kahit anong production, na gumawa ng gusto nilang high-standard intelligent films. Mainstream films nga hindi kumikita, arthouse films pa kaya. Nakakalimutan ata nila na kailangan ng pera para makagawa ng kahit anong pelikula. Those who refuse to accept that film is a business will fail. Kung magtagumpay man ang boycott nila at malugi ang mainstream films ng Pilipinas, gaganahan pa kaya ang kahit na sinong mainstream producer o sponsor na suportahan ang gusto nilang gawin sa industriya ng pelikula? Eh ‘di talo-talo rin.

Ewan ko, naguguluhan din ako at may mali rin naman sa punto ko, pero bahala na. Kanya-kanyang gusto. At ako, hindi ako naniniwalang boycott ang solusyon para iangat ang kaledad ng sining sa industriya ng pelikula sa Pilipinas. How can you improve something by killing it? Manood pa rin ako ng ilang pelikula sa MMFF. Hindi ako manghuhusga hangga’t hindi ako nakakapanood.

Peace! Just airing my piece out. Maligayang Pasko!! :)

[Post-Script, 22:09] Discussion of this MMFF protest here, here and here.

Christmas 2004

Huli man, nais ko pa rin kayong batiin ng Maligayang Pasko! Sana Pasko araw-araw, liban lang sa gastos at siba sa kainan.

Maligayang Pasko!

Tulad ng nakagawian, pumaroon kami sa Amadeo ngayong araw ng Pasko. Hindi ko dapat ‘to iniisip pero napaisip ako ngayong kamamatay lang ng isa naming lola, kapatid ni Lolo Roming. Paano kung mawala na si Lolo (’wag naman muna sana). Uuwi pa ba kami ng Amadeo sa bahay ni Lolo buwan-buwan o tuwing Pasko? Paano kaya kung tumanda na kaming magpipinsan, luluwas pa ba kami ng Amadeo para mag-Pasko sa bahay ng aming mga lolo at lola? Kasi, ramdam ko na dumarating na ang mga taong mag-iiba ang paggunita namin sa araw ng Pasko sakaling magkaganoon. Kalungkot naman, kasi masya naman talaga na nakikita mo ang ‘angkan’ na nagtitipun-tipon, maraming bata, magulo, masaya. Eh, bueno, ayoko na munang isipin. Sana matagal pa bago mangyari ‘yon, kung mangyari man na sana hindi.

Kagabi nagmisa kami para sa bisperas ng Pasko. Aminin ko na, ayoko talaga ng mga pagkahaba-habang misa. Pasensya, pero ganun talaga. Madalas hindi ko na maintindihan ang kahalagahan ng pagsasagawa ng sari-saring ritwal na likha ng tao para gunitain ang mga pagdiriwang sa ating pananampalataya.

Maligayang Pasko!Anupaman, ngayong araw nga eh nagtungo kami at namalagi sa Amadeo buong maghapon. Bumisita rin kami ng Indang para sa ilan pang kamag-anak. Tapos nung bandang hapunan na, eh bumisita naman kami sa isang kaibigan ni Mama sa may Paranaque. Hay, wala nang ginawa kundi kumain at tumanggap. Haha. Buti nga lang at iisa pa lang ang inaanak ko ngayon. Wala masyadong gastos. At marami pang namimigay sa ‘yo kasi ‘bata’ ka pa rin. Sarap ng Pasko ‘pag bata ka. Sana matagal pa kong ganito.

Himutok ng isang taga-industriya

Gusto kong mag-MMFF movie marathon. Kahit na hindi gaanong kaaya-ayang panoorin ang ilan sa mga kalahok na pelikula.

Teka, bago iyan eh ibabahagi ko lang sa inyo ang nabasa kong ‘to sa pitak ni Nestor Torre sa Inquirer ngayong araw. What was the last Filipino film you saw?

After a while, however, we sense that some of the queries are coming from left field, because the people asking them simply want us to confirm their exceedingly low opinion of local films.

To determine exactly where they’re coming from, we ask them the title of the last Filipino movie they’ve viewed. Eight times out of 10, it turns out to be a film that was screened years, even decades ago!

We make a point of underscoring this, because it shows how dishonest, or at best intellectually disingenuous, some critics of local movies are.

How can you judge the Filipino movie industry’s products in 2004 if the last time you watched a local film, Ian Veneracion was still wearing short pants, and Jimmy Fabregas still had all of his hair? Give us a break!

It’s OK with us if you disdain or even loathe local movies, as long as you’ve viewed one film recent enough for your view to be current enough to be taken seriously.

That’s one of the problems with people who profess to evaluate the state of local movies today: They simply aren’t serious about their chosen task, and blithely dismiss the works of our filmmakers without putting in the viewing hours required for their views to deserve attention.

They do this because it’s currently fashionable to look down on local film products. But, they don’t remind themselves that the local movie industry is the only one we have, so the best way to relate to it is not to pulverize it with utter scorn, but to criticize its bad elements and boost the people in it who are trying to do good work.

[from The Philippine Daily Inquirer, December 25, 2004]

Musa, Windstruck, Public Toilet, My Teacher Mr. Kim

MusaMusa (무사). A group of delegates from Korea is sent to the Ming Dysnasty in China as diplomats. Instead of being welcomed into the palace, they are accused of being enemies and are taken off to the desert for exile. And thus began their trecherous and exciting attempt at returning back to Korea. On their way, they meet a group of Yuan (Mongol) warriors with a Ming princess as hostage. The leader of the Korean diplomats decide that they rescue the princess and return to the Mings to redeem themselves as real ambassadors. But the Mongols won’t let that happen, and so follows a string of glorious and epic battle scenes. I really enjoyed watching the battle scenes, all that gore and all those costumes, the setting, basically all the technical aspects of the film. Beautiful and fantastic production! The story was interesting enough. However, the way its screenplay was written made the movie dragging. The film clocks in at a little more than two hours and a half. But then and still, I didn’t get too bored. It being an epic with fantastic battle scenes made me like it however long the movie ran. My rating: 8/10

WindstruckWindstruck (내 여자친구를 소개합니다). From the same director as My Sassy Girl and The Classic comes Windstruck. The same actress who played the lead in My Sassy Girl plays a similar tomboy-ish character in Wundstruck. Girl falls in love, like in My Sassy Girl, to a meek clumsy guy. The first scene shows the girl committing suicide by jumping off a high-rise. Before she hits the ground, we hear a male voice-over who begins narrating the events that transpired beforehand.

One review is right. After the first half of the movie, you should already know how the rest of the story will unfold. Therefore, it’s a drag to continue watching. It tries to redeem itself by giving a funny twist in the end, but it came off as corny to me. My rating: 6/10

Public ToiletPublic Toilet (人民公厕). It was apparently shot on digital video, and the cinematography has a realist approach, parang documentary. The movie was shot as if it was happening in real life. But then, it has a couple of very unrealistic elements like… a baby doll used to play as a real baby (what was the PD thinking?), and then there was a boneless mermaid. Many of the reviews I’ve seen around the net dismiss this movie as crap. Too many unrelated and confusing plots and characters, and the only thing that binds them together is the motif being the toilet. Actually, on the surface, it is. Boring and confusing. But I found the movie beautiful, intriguing and meaningful. The type you’d want to watch again just so you’d pick up more of what it’s trying to say. My rating: 7.5/10

Public ToiletMy Teacher, Mr. Kim ( 생 김봉두). Teacher Kim Bong-du is a lazy-ass elementary teacher in some Seoul school. He’s not only lazy, he’s also corrupt. He coaxes parents to give him bribes so that he’ll give special treatment to their children. Eventually, he gets into trouble and is reassigned to a very small rural school, so small that five students comprise the entire elementary department. However, his reassignment don’t change his ways. He still coaxes the parents to give him money (subtlely of course), but instead, they being in the countryside, he gets vegetables and free food. He so dislikes being in the countryside that he comes up with a plan to hasten the closing down of the rural school so that he and his students will be transferred to the city. In the end though, we find Teacher Kim softening up and actually caring for his students. The movie attempted to be funny, but it only got a few smirks from me. But still, it was kind of inspiring. My rating: 6/10

Gloria Arroyo’s fourth year as President

Bikoy.net Survey: Gloria Arroyo's 4th Year as Philippine President