Sigaw
Sigaw. Pinanood ko ‘tong mag-isa kasi ayaw akong samahan ng nanay ko sa loob. First showing ang pinasukan ko kaya halos walang tao sa loob ng malaki, malamig at madilim na sinehan. Walang katao-tao sa harap ko. At ang pinakamalapit na tao sa likod ko ay sampung metro ang layo. Naks, AYOS! Ang creepy. Tamang tama, at horror ‘tong papanoorin ko, sabi ko sa sarili ko.
So nakakatakot nga ba ito? Hindi ako sumigaw, pero ‘yon ay dahil, aaminin ko, tinakpan ko ang mga mata at tenga ko makailang beses kasi nakakakilabot talaga. Lalo pa nga’t mag-isa lang ako at halos walang katao-tao sa sinehan! Ayos talaga ang timing at puwesto ko sa panonood!
Walang bago sa kuwento ng pelikulang ‘to. Predictable ika nga ng ilan. Hindi matahimik ang kaluluwa ng mga namatay kaya binabagabag nito ang mga buhay at kailangang solusyunan ng mga pinagpaparamdamang buhay ang problema ng patay. Pero naisip ko, eh talaga namang maraming “horror” movies ang gumagamit ng plot na ganoon. Nasa treatment lang ‘yan ng direktor. At para sa ‘kin eh mahusay-husay naman ang ginawa ni Yam Laranas.
Excellent cinematography, outstanding for a mainstream Filipino film. Bihirang akong makakita sa mga mainstream Filipino films ng estilo ng pagkuha ng eksena na tinahak ng Sigaw. Galing! Ayos na ayos sa ‘kin ang lighting at camera angles na ginamit (haha, kala mo kung sino akong marunong nun eh). Wala na ‘kong masabi. At ang sound, ayos din. Ginamit talaga ang pagka-Dolby surround nito at may pa-effect effect pa ang tunog sa ibang mga kakilakilabot na eksena. Kung teknikalidad lang ang basehan ng pagpili ng Best Picture, ito na ‘yon!! ‘Di na ko umaasa sa iba pang ‘di ko pa napapanood.
Nagustuhan ko rin ang pagganap nina Iza Calzado bilang kawawang asawa at Jomari Yllana bilang basagulerong mister (literally). Kung hindi mapolitika ang pagpili ng Best Actress, malakas para sa akin ang laban ni Iza Calzado. (Yeghck! showbiz talk!)
Singit ko lang ‘tong dialogue na ‘to, kasi mula sa takot eh bigla akong napatawa nito nang malakas.
PINKY (Angel Locsin): Nakita ko ‘yung bata… duguan ang ulo.
MARVIN (Richard Gutierrez): (very serious tone) Malay mo, ketchup lang ‘yon…
PINKY: Sira ka ba? Ba’t maglalagay ng ketchup sa ulo ‘yong bata?!
Hahaha!! Antanga! Medyo may sira nga ang character ni Richard Gutierrez. Andami na niyang nararanasang hindi niya mapaliwanag sa lumang-luma at haunted na apartment building na ‘yon, eh ayaw pa niyang umalis. Pero ayos lang ‘yon, may taong ganon talaga.
My rating: 7/10
i’m not a big fan of horror movies pero dahil sa review mo tungkol dito, na-curious tuloy ako. hehehe. most of the time kasi boring ang mga horror films na tagalog eh.
Hi, got your link from Pinoyblog. =)
Nalalabuan ako sa character ni Marvin. Sya ba ‘yung may-ari ng cafe? Boss kasi yung tawag sa kanya ng isang lalaki dun eh. Pero bulok yung na-afford nyang unit. Tapos tawag sya nang tawag kay Pinky (na kasalukuyan palang nasa apartment nya) tapos nang paalis na si Pinky sa apartment saka nya alng ginamit yung phone nya. Di ba nya nakita yung missed calls ni Marvin? Eto, pinakamalupit: nang malaman na ni Marvin ang totoo at umuwi sya sa Mom nya, di man lang nya naisipang tawagan yung girlfriend nya? May landline naman siguro nanay nya, diba?
Tama ka, predictable na nga sya. Nakakainis nga pala yung katok nang katok si Anna sa pinto ni Jude. Sana tumakbo na lang sya. Tutal naman di pa nalabas si Lara, edi sana naligtas nya pa yung anak nya.
Naisip ko lang naman. =)
Parang The Grudge. LOL.
magaling talaga ang cinematography ng mga pelikula ni Yam Laranas. astig na filmmaker un. subukan mong panoorin ung Ikaw Lamang… Hanggang Ngayon niya. parang sobrang ganda ng Maynila.
at oo, pulitika lang ang MMFF. Walang kwenta ang awards night.
galing ng mga review mo. link kita, aliw kasi. sana okay lang. btw, the apartment eeriness in sigaw seemed inspired by the third film/segment of this asian horror trilogy aptly titled “THREE”. napalabas yan dito way before the MMFF kunsaan kasali ang sigaw. walang kwenta ang first two films sa trilogy. pero sulit na sulit sa third segment. na hong kong film ata. yeah HK nga. horror with a heart. iba ang tama. kasi tatakutin ka, pero may storya to back it up. at hindi nag rely sa cheesy dialogue about ketchup sa ulo hehehehe.
Paki-lagay mo rin yung direktor kasi yun ang ginawa ng group namin sa movie review. Nakalimutan ko yung pangalan ng direktor.
ok thanks….
jamie c’,)