Archive for December, 2004


Silmido

Silmido. This movie beat Taegukgi at some Blue Dragon Awards in South Korea for the Best Picture award. And because Taegukgi currently holds a top spot in my list of favorite movies, I was expecting a lot from this Korean blockbuster. Like Taegukgi, Silmido brushes on South Korea’s perennial issue with North Korea. This was Korea’s highest grossing movie of all time, which claim was shortlived because Taegukgi took it a few months later.

Silmido is actually a familiar story to Filipinos. Think JABIDAH. Let’s have a Philippine history lesson here, just to drive Silmido’s story closer to home. Back in the late 1960’s, roughly the same time Silmido happened, President Ferdinand Marcos was planning to take advatage of Malaysia’s fragile state to reclaim Sabah as Philippine territory. Under Oplan Merdeka, trained undercover Muslim Filipinos would infiltrate Sabah and destabilize the internal situation through violence, propaganda, etcetera. To form the group of infiltrators, to be called the Jabidah unit, the government secretly recuited nearly 200 Muslim Filipinos from Sulu and Tawi-Tawi for training. After a few months, these trainees were brought to Corregidor island near Manila to intensify their preparations. All these, of course, were happening in secret. The trainees apparently didn’t know that they were training for an actual “Sabah invasion”. When they found out, they started becoming disillusioned, and because they also were not being given the benefits they were promised, they grew heavily dissatisfied. With such disgruntled trainees, Ferdinand Marcos feared that the entire mission would fail and leak into the media and would cause disastrous consequences for the Philippines’ conflict with its own Muslim insurgents and its foreign relations with Malaysia especially. His solution: kill them all before that happens!! Unfortunately for Marcos, one trainee survived and approached Senator Benigno Aquino Jr., Marcos’ chief rival.

Silmido Silmido

Okay, back to Silmido. The gist of the story is basically the same. The South Korean government secretly trains a group of otherwise-death convicts in the island of Silmi. This specially-trained group, called Special Unit 684, would be tasked to infiltrate North Korea and assassinate its leaders. The trainees undergo unimaginably torturous training before they were sent onto their mission, which at the last moment was cancelled due to thawing relations with North Korea. By then, the special Silmido unit was not needed but releasing the trainees back to society could pose the disastrous threat of leakage. Thefore, a plan to kill them all was formed.

I’m not a fan of action-packed, high-octane blockbusters. Silmido is one such movie. But then, it also attempted to deliver a more serious political undertone. And it ends off being tragic without coming off as overly dramatic. So, was it better than Taegukgi? For me with all my biases, no. My rating: 8.5/10

Mahaba-habang kuwento

Ngayon lang ako makakapag-post ng entry tungkol sa nakaraang tatlong araw.

UP Lantern Parade (Dis. 16, 2004)

Maaga-aga akong nagtungo ng UP para sa Lantern Parade. 12:30 pa lang ng tanghali nandoon na ‘ko. Tumambay muna ako sa MCO tambayan pero walang tao, nasa Oblation Run ata lahat.

May general rehearsal kasi dapat nang ala-1 ng hapon bago mag-Lantern Parade. Kaya maaga pa eh nandoon na ‘ko. Eh, hindi gaanong ganado mag-practice ang maraming kasali kaya pasado alas-dos na nang nakapag-umpisa kami. Ayos naman ang naging huling practice. Pagdating ng mga bandang alas-4 ng hapon, nagsimula nang pumwesto ang iba’t ibang kalahok na kolehiyo at grupo ng UP sa parada. Nandoon kami napapagitnaan sa likod ng parada ng CBA at harap ng grupo mula CAL.

College of Mass Communication, Lantern Parade 2004

Magdadalawang oras din kaming naglakad nang mabagal palibot ng acad oval. Habang naglalakad, minsan nagchachant kami ng mga chant na masscomm masscomm, ang saya saya! o di kaya, TV ito, hindi microwave! kasi mukang microwave ang mga TV-parol na hawak-hawak namin. Haha ang kulit. Tapos bigla na lang kaming magsisigawan ‘pag maraming tao, tulad nung dumaan kami ng AS at Eng’g. Madaming supporters ang MassComm ah. Bentang benta sa mga batang manonood si Krystala. May mga nagpapa-picture pa.

Magaalas-7 na nang makarating kami ng Quezon Hall para magtanghal. Medyo kinabahan ako kahit na tagahawak lang ako ng parol na isasayaw na isayaw lang namin. Pero nakakatuwa kasi andaming nagchi-cheer para sa CMC. Sikat!

Hindi man marangya ang mga parol namin, ni wala nga kaming matatawag na ‘float’, pero masaya pa rin. At dahil masasaya ang mga tao sa CMC, at masaya ang presentation namin, nanalo pa rin kami ng most creative award (base sa lantern o sa pagtatanghal mismo, hindi ko alam). Haha, biruin mo nga naman.

Ayan, taon-taon ko nang pananabikan ang Lantern Parade.

UP MCO Christmas Party (Dis. 16, 2004)

UP MCO Christmas PartyMatapos magtanghal ng MassComm sa Quezon Hall, dumeretso kaming pabalik ng CMC. May konting pagkain para sa mga lumahok sa Lantern Parade. Pero hindi na ‘ko kumain kasi pagod ako (wala akong gutom tuwing pagod). Hinintay lang namin ang iba naming kasamahan sa UP MCO bago kami umalis at pumunta sa bahay ng isa naming orgmate sa Fairview.

Kainan, games, laru-laro, kuwentuhan, exchange gifts, the usual Christmas party works. Alas-12 na nang umuwi ako, at hindi pa tapos ang party nun. Commute lang kasi ako pauwi at hindi ko pa nararanasang mag-jeep nang madaling-araw. Buti na lang at kasama ko sina Chesa, Ely at Kuya Dennis.

Death of Toff’s sister (Dis. 17, 2004)

Balak ko sanang panoorin ang Ebolusyon ng Isang Pamilyang Pilipino ni Lav Diaz sa may Film Center. Sampung oras na tuluy-tuloy ang pelikula at kapanapanabik kasi nga ang haba nito.

Pero nung paggising ko mga bandang alas-6 ng umaga ay nabalitaan ko sa telebisyon ang pagkasunog ng bahay nina Toff sa Makati. Hindi ako makapaniwala, madalas-dalas kasi kami doon sa bahay nila noong high school at ilang beses din kaming nakitulog doon. Hindi ko lubos maisip na nasunog ang mansyon nila. Pero ang higit at labis na nakakalungkot sa insidenteng nangyari ay namatay sa sunog ang nakababatang kapatid ni Toff.

Dali-daling nag-online ang ilan sa aming magkakaklase sa high school para pag-usapan ang pagpunta namin sa burol. Napag-usapan ng ilan sa amin na pupunta kami noong hapon ding iyon. Mga tanghali nang pumunta ako sa bahay ni Raf malapit sa Ateneo at kasama niya at nina Rene, Rychus, Pendix at Josh, magkakasama kaming pumunta sa Forbes Park para sa burol.

Lumagi kami doon nang mga isang oras pero hindi na rin namin nakita si Toff para personal na maipaabot ang pakikidalamhati namin. Pero tulad ng sinabi ni Jake, at sana mabasa mo ito kasi hindi ko ‘to nasabi nung Biyernes, nandito kaming mga kaibigan at kaklase mo at makakaasa ka sa amin. Muli, ang aming pakikiramay. *Yakap*

UP CAST Christmas Party (Dis. 17, 2004)

Hindii man magaang ang pakiramdam kong mag-Christmas party pagkatapos na pagkatapos kong pumunta sa isang burol, gusto ko pa ring makisalo sa UP CAST kaya pumunta pa rin ako.

UP CAST Christmas PartySa bahay ni Ate Eya sa mga burol ng Antipolo ginanap ang aming Christmas party. Si Ate Alina lang ang kasabay kong pumunta doon, at commute lang kami. Alas-6 na ng gabi na noon kaya rush hour at matindi ang trapik! Wala kaming masakyang jeep papuntang Antipolo. Puno lahat ng jeep, tatlo-tatlo pa ang sabit. Lampas kalahating oras na kaming naglalakad-lakad at naghihintay ng masasakyan sa Aurora Blvd. Sumuko kami at nagpasyang sumakay na lang ng kahit anong jeep papunta sa may Imelda Avenue para doon na lang makipagsapalaran para sa sakay. Sinakyan ka’gad ni Ate Alina ang unang jeep na nakita namin pagkatapos magpasya. Eh, punung puno, hindi ako nakasakay kaagad. Nakasakay na si Ate Alina, ako hindi pa, nang biglang humarurot na papaalis ang jeep. Tumakbo pa ‘ko ng halos mag-iisang daang metro habang sumisigaw hanggang sa maabutan ko rin ang jeep at nakisiksik sa loob. Doon ako sa gitna, nakaupo sa sahig ng jeep. Ang saklap ng biyahe ‘no. Kalaunan naman ay nakalipat rin kami at nakasakay sa isang komportableng FX.

Andami ring nangyari. Madaming kuwentuhan, parang nung Bicol, may mga games at awards pa (ako ang businessman of the year, haha). Nakainom din ng konti pero hindi naglasing. Alas-6 na ng umaga nang makauwi ako, sumabay lang ako kina Ate May.

Isa pang burol (Dis. 18, 2004)

Wala pang isang oras ang tulog ko nang gisingin ako para magbihis. Umalis kami ng bahay ng mga bandang alas-8 ng umaga para umuwi ng Amadeo para sa burol ni Lola Ellen, kapatid ng Lolo Roming. Halos buong araw din kaming lumagi doon sa Amadeo. At dahil ako ay hindi pa nakakatulog nang wasto, paidlip-idlip ako makaupo lang sa kung saan.

Isa pang Christmas Party matapos ang burol (Dis. 18, 2004)

Pagkatapos ng burol, umuwi kaming pabalik ng Quezon City at nagmisa bago pumunta sa taon-taong ginaganap na Christmas Party nina Lola Luchie at Lolo Ted. Tulad ng nagaganap na taun-taon, nagkaroon muli ng pila ng pera. Sa totoo lang, kahit na medyo ayos rin na nabibiyayaan din ako ng pera, eh hindi ko talaga gusto ang siste na pumipila ang mga tao kina Lola Luchie para makatanggap ng pera. Mukang masaya, pero naiinis talaga ako kasi andaming sumisingit, pati mga bata, natututong mandaya makauna lang sa pila ng pera. Magulang pa nila ang nag-uudyok sa kanilang mga anak na sumingit. Tsk, mga ganid sa pera.

Pero dito sa MassComm… la la la

Kahapon ng umaga hanggang matapos ang tanghali, nasa AS steps lang ako kasama ng mga ka-grupo ko sa KOM 1 para sa pagshu-shoot ng mga kung-anu-ano para sa report namin next year.

Pagkatapos nun, pumunta ako ng Quiapo mag-isa, para saan pa, eh di para mamili na naman ng DVD. Isa sa mga nagugustuhan ko tuwing pumupunta ako ng Quiapo, bukod sa nakakahanap ako ng DVD, ay ang mga nakikita ko sa paligid-ligid. Minsan naaaliw ako tuwing naglalakad ako at ang gulo-gulo ng paligid, andaming tao, ambaho, ang ingay, ang dumi, pero ang dami kong nakikita, que so nakakatuwa o nakakainis o nakakaawa o nakakamangha o nakakaaliw lang talaga. At naaaliw ako. Ang sarap magmasid-masid at ang dami kong naiisip na ideya. Haha, heto na naman ako. ‘Yun lang. Ewan ko talaga.

Dumadaan ang jeep papunta at mula sa Quiapo sa Sto. Domingo kaya nakita ko kung gaano KAHABA ang pila ng mga tao sa burol ni Fernando Poe, Jr. Ang haba haba haba haba ng pila. ‘Yan ang tinatawag na burol ng isang pangulong hindi naging pangulo. Hay, hindi ko aakalaing natalo ang taong ito sa eleksyon ng isang chihuahuang (term used by our Soc Sci 2 prof) hindi mahal at kinamumuhian ng tao. Kung si Gloria mamatay, magluluksa ba ang sangkapuluan? Mangarap siya!! Magdidiwang ako (well of course, after expressing customary fake condolences).

Bumalik ako ng UP bandang hapon. Doon sa CMC, nagpractice lang kami nang nagpractice hanggang ika-7 ng gabi para sa Lantern Parade mamaya. Isa lang akong hamak na tagahawak ng parol. Kasi ang mga tauhang assigned sa Film department at yaong mga fairies, eh ayoko namang mag-suot fairy, kaya lantern-holder muna ako. Punta kayo ha! Kung gusto n’yo manood din kayo ng Oblation Run, mamaya din. Hahaha. Hindi ako manonood ngayong taon, pero sinabi ko sa sarili ko na isang beses lang bago ako umalis ng UP, manonood din ako ng Oblation Run balang araw, para lang masabi kong nasaksihan ko rin ang tradisyong iyon sa UP. Pero hindi pa ‘ko interesadong manood ngayon.

Christmas party nga pala rin ng UP MCO mamayang gabi. At wala pa kong pang-exchange gift. Tsk, tsk. Kawawa ‘yung nabunot ko, baka kung ano na lang ang ibigay ko mula sa mga tiangge-tiangge sa paligid. :p

Ang pag-asa ng bansa

Ayon sa pinakahuling International Mathematics and Science Study ng Boston College, and Pilipinas ay pumapa-42 sa 46 na bansa pagdating sa kasanayan ng mga mag-aaral nito sa Mathematics. Nangunguna ang Singapore, South Korea, Hong Kong, Taiwan at Japan. Habang ang average score ng Singapore ay 605, ang Pilipinas naman ay 378, mag-iisang daan ang baba mula sa international average na 467.

Singaporean students had the highest achievements at both grades, with their average eight-grade performance exceeding the 95th percentile in the lower-performing countries such as Botswana, Saudi Arabia, Ghana and South Africa. Similarly, at the fourth-grade, average performance in Singapore exceeded performance at the 95th percentile in Iran, the Philippines, Morocco and Tunisia. This means that the most proficient students in the lower-performing countries approached the level of achievement of Sinaporean students of average proficiency. [bold mine]

[source]

Sa Science naman, ang Pilipinas ay pumapa-43 sa 46 na bansa. Nangunguna na naman ang Singapore, Taiwan, South Korea at Hong Kong. Ang international average ng 46 na bansa ay 474 points. Hulaan niyo ang average scale score ng Pilipinas. Halos isang-daan na naman ang ibinaba sa international average — 377. [source]

Kalungkot.

Mapagod ka bago magbakasyon

Alas-7 pa lang ng umaga nasa UP na ko para sa unit exam namin sa Econ 11. There’s something about taking tests early in the morning. Napansin kong may ilang beses kinailangan kong ulit-ulitin ang pagbasa sa tanong kasi wala talagang pumapasok sa utak ko. Tulog pa.

Bueno, natapos din ‘yon at tumuloy naman ako sa post office para maghulog ng ilang sulat. Unang beses kong maghulog ng sulat! Haha. Kakabukas pa lang ng post office noon at mahaba na ang pila. Nagka-eksena pa nang ayaw pang simulan ng mga empleyado ang pagtanggap ng mga sulat eh, 8:20 na. Tsk, gobyerno talaga.

Tumambay muna ako sa CAST bago umalis muli para makipagkita sa mga ka-grupo ko sa isa kong subject. Wala kaming klase ngayon sa klaseng ‘yon. Okay ‘yon. Pero sa kabilang palad, hindi pa rin eh. Kakailanganin ko pa ring pumasok sa klase ng ‘lang hiyang baklang prof na ‘yon eh. Tatlong buwan pa!!

Bumalik na naman ako ng CMC para ayusin ang “backdrop” ng UP MCO para sa How to get your dream job talk noong mga bandang tanghali. Tapos n’on, bumalik na naman kami ng AS. Pero nalaman naming free cut naman kami sa Soc Sci 2 kaya nagkuwentuhan lang kami doon sa bakanteng kuwarto.

Tapos n’on, bumalik na naman ako ng CMC para ituloy ang pag-aayos sa slipshod backdrop namin. Tapos, bumalik na naman kami sa bandang AS, sa may Faculty Center para sa talk. Hay! Pabalik-balik at naglakad lang ako ah. Kalaunan, naidaos rin nang maayos ang talk ng MCO na pinasimulan ng dalawang panauhing sina G. Marvin Victoriano at G. Hans Montenegro. Tungkol nga pala ‘yon sa dapat at hindi dapat gawin sa paghahanap ng trabaho.

Noong bandang hapon, pinuntahan ko naman ang practice ng CMC para sa Lantern Parade sa Huwebes. Isa akong hamak na tagahawak ng isang parol na hugis telebisyon. Kala ko buhat-buhat ko lang ‘yon, at ‘yun lang ang gagawin ng mga tulad ko. Pero hindi, may sari-saring galaw-galaw rin ang kailangan naming gawin. Pero mukang masaya ah. Unang beses kong makasali sa Lantern Parade. (Duh, freshman pa lang).

Alas-siyte na nang nakaalis kami ng practice. Diretso kami sa Diliman Republic para sa cultural night ng UP CAST. Buti naman at maayos rin ang kinahinatnan ng paghahanda ng org. Pero alas-10 pa lang, umuwi na ‘ko. Napagod ako sa mga ginawa kong paglalakad buong araw.

That’s all.

Some Korean loves-story movies

Palwolui ChristmasPalwolui Christmas (Christmas in August). Strangely, (or maybe I just didn’t pay much attention), there were no obvious references to anything about Christmas in this movie. Anyway, it’s about a sick photo shop owner, Jung-won, who tries to go on with the last days of his life, falling mutually in love with a female traffic enforcer, Da-rim. Jung-won keeps his illness a secret from Da-rim while acting all fine and carefree. He tries to distance himself from Da-rim knowing of his eventual fate… and then, there. (Oh and look at the poster. Girl and guy under a jacket used as an umbrella. Familiar? This was a 1998 film, so mas nauna ‘to). It’s a stirring and tragic drama, beautiful because it achieves that without being wordy or over-dramatic. My rating: 7.5/10

Gukhwaggot HyanggiGukhwaggot Hyanggi (Scent of Chrysanthemums/Scent of Love). Newcomer college student, In-ha, falls in love with an older fellow-college student, Hui-je. Later on In-ha confesses his love to Hui-je but Hui-je dismisses it as a petty freshman infatuation. Eventually, after a few years, In-ha, now a broadcast radio producer, still professes his love for Hui-je through his own radio show. And that’s just the first half of the story. The movie was kind of slow, and boring because it isn’t very original, according to some. But it can still definitely pull some of those sensitive hear strings. My rating: 5.5/10

Yeopgijeogin Geunyeo (My Sassy Girl). This “review” is long overdue. I watched it a few months ago, but because it was such a hype, I refused to publicly join the fray and say I’ve watched it as well, long after my friends have seen it. Haha. But then, it was a well-deserved hype. What else can I say, I guess everybody had seen this and said everything about it. The two actors played their parts really well, very good chemistry. Oh, and I loved that ending. My rating: 9/10

The ClassicThe Classic. Basically a romance story about a love that transcends time and death (and a generation). There came a time na nadala ako sa sitwasyon ng mga tauhan sa eksena. Pero ‘di ko nakita ‘yung bigat ng eksena sa pag-arte ng ilang artista. May pagkukulang lang ang ibang artista sa pagganap sa kanilang mga tauhan. May mga eksenang, ako ata ang mas nadala sa sitwasyon, eh ako ‘tong nanonood lang eh mas basa pa ang mga mata ko kaysa sa artista. ‘Yung eksena ng paglisan ni Joon-ha sakay ng tren. Wala man lang luha, ano ba ‘yan! Pati ‘yung eksena ng pagbibigay ni Sang-min ng necklace kay Ji-hye. Haha. The actress who played Ji-hye salvaged the movie though, together with a very effective soundtrack/score, and the beautiful story as well. Nakaka-antig pa rin ng damdamin. My rating: 8.5/10

Eorin Sinbu (My Little Bride). To fulfill a ‘dying’ grandfather’s last wish, a girl was forced to marry a childhood guy friend almost a decade older than she was. Okay, the premise of forcing a 15 year-old freshman high school girl to marry a 24 year-old college playboy is kind of disturbing. If you watch this movie, try to appreciate a relationship like that, and you will find this movie romantic and touching. I found the movie really cute and kind of hilarious. Romantic? Um… I tried, yes, a little. Premise was original, execution was not. My rating: 6.5/10

Protected: Dirty old

This post is password protected. To view it please enter your password below:


Hotaru no Haka

Grave of the FirefliesHotaru no Haka (Grave of the Fireflies). I never would have thought that an 80’s animation could be this grievous and heart-rending. It really was. I don’t know. There really is just something that grips me emotionally with war movies having heroic and melodramatic kuya figures and younger kuya-dependent sibling/s. These movies just take me away! I’m so weird!! It’s a role I can empathize with and would like to portray, but something I just won’t and will probably never do and be with my annoying younger brother.

The first scene shows Seita, one of the main characters, as a ghost looking on to on his dying physical self. Then appears the ghost of Setsuko, Seita’s younger sister. Sa una pa lang, alam mo nang patay na sila. But even if you are aware of their ultimate fate, you are still moved by the spirits’ flashbacks into the hard life in war-torn Japan they had to struggle with before they… died.

“Grave of the Fireflies” is an emotional experience so powerful that it forces a rethinking of animation. Since the earliest days, most animated films have been “cartoons” for children and families. Recent animated features such as “The Lion King,” “Princess Mononoke” and “The Iron Giant” have touched on more serious themes, and the “Toy Story” movies and classics like “Bambi” have had moments that moved some audience members to tears. But these films exist within safe confines; they inspire tears, but not grief. “Grave of the Fireflies” is a powerful dramatic film that happens to be animated, and I know what the critic Ernest Rister means when he compares it to “Schindler’s List” and says, “It is the most profoundly human animated film I’ve ever seen.”

– Roger Ebert [source / source]

Only Taegukgi has received this high rating from me, and that’s another war movie with a kuya-figure. My rating: 9.5/10