Archive for January, 2005


Shoot ng Saliwa

Ate Yam and Ate SargeSumama ako sa shoot nina Ate Yam at Ate Sarge nung Nakaraang weekend. Assigned ako sa stills, sa pagvi-video for documentation, at general prod assistant na rin na maaring pakiusapan o utusan. Sabado ng gabi nang pumunta kami ni Pet sa bahay ni Kuya Bry kung saan nagla-last minute preparations para sa shoot. Lagpas hatinggabi na ng Linggo nang makaalis kami doon at pumunta ng Muntinlupa.

Saliwa nga pala ang pamagat ng maikling pelikula nina Ate Yam at Ate Sarge. Ito ang ilang stills mula sa mga takes.

stills mula sa Saliwa

Napagpakiusapan din akong mag-traffic nang kailanganing mag-shoot sa kalsada. Medyo naiinis lang ako kasi tuwing may papalapit na tao o tricycle o kotse na paparahin ko, palagi silang magtatanong. Anong pelikula ‘to? Anong commercial ‘to? Sino artista niyo? Kailangan niyo ng extra? Jologs talaga. Tapos pag sasagutin ko sila ng, Ay, mga estudyante lang ho kami, para bang disappointed sila na ewan. May isa pa ngang nag-react, Ay, walang kwenta naman pala ‘yang shoot niyo eh. Ang sarap suntukin. Bwiset. Ang jojologs niyo ah! Parang, shooting is all about showbiz. Tapos, ambilis siguro kumalat ng balitang may shooting kami, minsan may mga darating na tao, dala-dala lahat ng anak nila makikinood, as if makakakita sila ng showbiz personality. Tapos minsan ‘yung mga bata, nakiki-epal sa camera. Napaka… ewan. Kainis.

stills mula sa Saliwa

stills mula sa Saliwa

Maglu-Lunes na nang mag-wrap up. Sobrang pagod na lahat ng tao. Napaka-stressful pala talaga ang mag-thesis. Lalo na pag ikaw ang direktor. Nung pauwi na pala, biruin niyo kumasya ang halos 25 katao sa isang maliit na AUV. Naku po! Sardinas talaga kung sardinas na maari kaming tawagin, kasama ng santambak na props. Pero ayos lang. Masaya pa rin.

Screencaps ng Sugat

Nakakuha rin ako ng kopya ng Sugat ni Kuya David. Iu-upload ko sana ‘yung pelikula pero… hindi ko kaya. Ayokong makita niyo ko! Ako nga hindi ko matiis ang sarili ko. Hindi ako bagay sa role ko! I keep cringing everytime I see and hear myself sa eksena. Muka akong totoy na nag-aastig-astigan. Haha. Pero ayos lang. Heto, screen stills na lang.

screencaps from Sugat

Shake that tank!

Sa wakas ay naka-develop rin kami ng mga film negatives namin sa Film 110. Akala namin hindi na kami matututo. Habang ang ibang klase kasi sa Film 110 ay naka-ilang prints na ng litrato eh hindi pa rin kami tinuturuang mag-develop o mag-print. Pero ayun nga, noong Huwebes ay natuto rin kami. At si Mang CV pa ang nagturo, hindi ang prof namin.

Sana may magdala ng cd player o radyo sa Lunes para hindi nakakabagot mag-shake nang mag-shake ng developing tank. Kidding. Hm, hindi na lang kasi ipaprint sa photo shop ang mga film eh! Papakahirap pang may-dark room. Buti sana kung… wala, joke lang.

Ikalawang beses sa QC PO

Nung Miyerkules, nagtungo ako ng QC Post Office para kunin ang Taegukgi OST na inorder ko sa internet. Kung bakit kasi ‘di na lang ideliver sa bahay eh. Lahat ng packages na pinapadala sa ‘kin eh kailangan ko pang kunin sa post office. At kailangan pang magbayad ng 30 pesos na kung-anumang fee. Bwiset na red tape ‘yan ah.

Pero mabait ang mga postal teller dito. Hindi tulad ng mga nasa UP Diliman PO na late na nga kung magbukas ng opisina eh masusungit pa. Pero sa totoo lang, tulad ng maraming iba pang tanggapan at ahensya ng burukrasya, eh nakakaawa ang lagay ng QC PO. Maganda-ganda pa ‘yung post office sa UP Diliman kahit maliit. ‘Dun sa QC PO, malaki nga ang gusali pero ‘pag pasok mo, akala mo nasa bodega ka. At noong pumunta ako doon, ang mga empleyado ay nagtatrabaho nang may mga kandila sa dilim dahil naputulan daw sila ng kuryente, kahit nagbabayad naman daw sila.

Naghulog din ako ng mga sulat ni Mama. Nung bibili ako ng stamps, eh kinausap ako sa Ingles ng postal teller. Hm, sosyal. Ini-English ako ng postal teller, naisip ko. Nang sagutin ko siya ng Tagalog, nabigla siya. Kala niya Hapon daw ako. Um, okay…

Taegukgi OST

Taegukgi OSTNakuha ko na rin sa wakas ang inorder kong OST ng Taegukgi mula sa YesAsia.com! Mahigit isang buwan rin and hinintay ko. Ang Philpost talaga…

Alam ng maraming nakakakilala sa ‘kin na Taegukgi ang kasalukuyang pinaka-paborito kong pelikula. Hindi nito ibig sabihin na ito sa tingin ko ang pinakamahusay na pelikulang napanood ko. Gusto ko lang siya for my own reasons. Malakas ng tama sa ‘kin ng kuwento. Hindi ko alam kung ito ay isang pangkalahatang sentimiyento na mararamdaman ng bawat manonood nito o dahil iba lang talaga ang hatak sa ‘kin ng kuwento ng dalawang magkapatid na lalaking nakipasapalaran sa giyera, siguro dahil sa totoong buhay ay dalawa rin kaming magkapatid na lalaki. Panglimang beses kong panoorin ‘to, eh napaiyak pa rin talaga ako. Tinanong ko ang iba kong mga kaibigan na pinanood ko nito, naantig din sila pero hindi napaiyak. So, siguro iba lang talaga ang tama sa ‘kin.

Kaya ko binili ‘yung OST ay dahil isa talaga sa talagang nakakaantig-damdamin sa pelikula ay ang score nito. Ang ganda. Pinapakinggan ko ‘to kanina, at grabe, kinikilabutan ako at napapaluha tuwing naririnig ko ang musika at ang mga soundclips (na kahit Koreano eh damdam ko pa rin ang bigat ng sakit at poot na nakapaloob sa mga sinasabi nila).

Hindi siya masaya dito

Umalis na ng Pilipinas noong Martes ang isa kong ninang para magtrabaho bilang caregiver sa US. May mga rason siyang sa kanya lang. Anim na buwan lang ang kontrata niya pero sabik siyang palawigin pa iyon at maging American citizen din kalaunan. Hindi siya masaya sa Pilipinas. Maraming tulad niya. Nakakapanghinayang, nakakalungkot.

Ginanyan din kami noon

mga aplikanteNoong Sabado, final rites at induction ng mga aplikante namin sa UP CAST. Ginanap ‘yon sa parehong lugar kung saan kami ininduct last sem. Pagdating ko doon, bumalik ang mga alaala. Hahaha. Nakakaaliw alalahanin. Umaambon-ambon pa noon at sineryoso ko talaga.

Hindi ko kinayang mag-sungit sa mga aplikante. Bukod sa karamihan sa kanila ay mga blockmates ko, eh talagang hindi ko kayang magsigaw-sigawan o mag-galit-galitan. Sinubukan ko, pero pumapalya lang at natatawa lang ako at ang iba kong kasamahan sa akin. Hindi bagay! Mabait ako! Hahaha. Naiinis lang ako nang kaunti kasi hindi umiyak ‘yung iba. Gusto ko umiyak din sila… tulad ko noon. Hehe.

Busy na ulit! Sa wakas.

For the first time this second sem, kinailangan ko na ring gamitin ulit ang planner/organizer ko. Masayang maging busy ulit. Hectic, stressful. Pero masaya. At fulfilling sa huli. Kaya, tapusin na at nang makamit ang fulfillment na pinanabikan!