Taegukgi OST
Nakuha ko na rin sa wakas ang inorder kong OST ng Taegukgi mula sa YesAsia.com! Mahigit isang buwan rin and hinintay ko. Ang Philpost talaga…
Alam ng maraming nakakakilala sa ‘kin na Taegukgi ang kasalukuyang pinaka-paborito kong pelikula. Hindi nito ibig sabihin na ito sa tingin ko ang pinakamahusay na pelikulang napanood ko. Gusto ko lang siya for my own reasons. Malakas ng tama sa ‘kin ng kuwento. Hindi ko alam kung ito ay isang pangkalahatang sentimiyento na mararamdaman ng bawat manonood nito o dahil iba lang talaga ang hatak sa ‘kin ng kuwento ng dalawang magkapatid na lalaking nakipasapalaran sa giyera, siguro dahil sa totoong buhay ay dalawa rin kaming magkapatid na lalaki. Panglimang beses kong panoorin ‘to, eh napaiyak pa rin talaga ako. Tinanong ko ang iba kong mga kaibigan na pinanood ko nito, naantig din sila pero hindi napaiyak. So, siguro iba lang talaga ang tama sa ‘kin.
Kaya ko binili ‘yung OST ay dahil isa talaga sa talagang nakakaantig-damdamin sa pelikula ay ang score nito. Ang ganda. Pinapakinggan ko ‘to kanina, at grabe, kinikilabutan ako at napapaluha tuwing naririnig ko ang musika at ang mga soundclips (na kahit Koreano eh damdam ko pa rin ang bigat ng sakit at poot na nakapaloob sa mga sinasabi nila).

[…] , 2005. 02:10 AM
Nung Miyerkules, nagtungo ako ng QC Post Office para kunin ang Taegukgi OST na inorder ko sa internet. Kung bakit kasi ‘di na lang ideliver sa baha […]
hi, i found my way here through Mark (clickmomukhamo). kaaliw itong blog mo - at nanonood ka rin ng korean films! hindi ko pa napapanood tong Taegukgi - nasa wishlist ko pa lang pero marami nang nakapagsabi sa aking maganda nga. saka fan rin ako ng OSTs nila, magaganda kasi ung scores
magkano yung ost?