Ikalawang beses sa QC PO
Nung Miyerkules, nagtungo ako ng QC Post Office para kunin ang Taegukgi OST na inorder ko sa internet. Kung bakit kasi ‘di na lang ideliver sa bahay eh. Lahat ng packages na pinapadala sa ‘kin eh kailangan ko pang kunin sa post office. At kailangan pang magbayad ng 30 pesos na kung-anumang fee. Bwiset na red tape ‘yan ah.
Pero mabait ang mga postal teller dito. Hindi tulad ng mga nasa UP Diliman PO na late na nga kung magbukas ng opisina eh masusungit pa. Pero sa totoo lang, tulad ng maraming iba pang tanggapan at ahensya ng burukrasya, eh nakakaawa ang lagay ng QC PO. Maganda-ganda pa ‘yung post office sa UP Diliman kahit maliit. ‘Dun sa QC PO, malaki nga ang gusali pero ‘pag pasok mo, akala mo nasa bodega ka. At noong pumunta ako doon, ang mga empleyado ay nagtatrabaho nang may mga kandila sa dilim dahil naputulan daw sila ng kuryente, kahit nagbabayad naman daw sila.
Naghulog din ako ng mga sulat ni Mama. Nung bibili ako ng stamps, eh kinausap ako sa Ingles ng postal teller. Hm, sosyal. Ini-English ako ng postal teller, naisip ko. Nang sagutin ko siya ng Tagalog, nabigla siya. Kala niya Hapon daw ako. Um, okay…

Haha. ganyan talaga sa pilipinas. tatay ko nga e, dati may pen pal siya sa states nung high school siya. tapos pinadalan siya ng package. kelangan pa niya kunin sa lawton, e sa balintawak siya nakatira… tapos mix tape lang pala ng the eagles. WOLO LONG. nagkwento lang. ahah.
ayos tong blog mo a.
hmmm… mukha kang hapon..haha… funny experience… ako nga dati pinagkamalang mexicano… kausapin ba naman ako in spanish…