Hindi ako ganyan ah
KONTRA-BUSAL
Sa CAP (Concerned Artists of the Philippines) kung saan ako naka-assign para sa CWTS (Civic Welfare Training Service), nasa grupo akong tumutulong sa pagbubuo ng Kontra-Busal (Anti-Gag) campaign na kasalukuyang naglalayong bantayan at tutulan ang mga panukalang batas sa Kongreso na may mga probinsyong i-censor ang mga artista at journalists para protektahan ang mamamayan laban sa “terorismo” at “pornograpiya”. Hindi pa masyadong buo ang campaign at kulang pa sa mga kasaling miyembro. Hindi ko talaga alam kung paano ako, bilang isang hamak na college student, makakatulong. Wala pa naman talaga akong contacts sa film industry. Ewan. Tingnan na lang natin.
“SORRY, PERO…”
Last Monday and yesterday, sumama ako sa mga kaklase ko sa CWTS na naka-assign sa CWS (Center for Women’s Studies). Gumagawa sila ng video tungkol sa teenage reproductive health, parang ganun, sa pamamagitan ng isang drama tungkol sa tatlong dalaga na may problema sa sex. May acting role ako doon kaya ako umepal. Haha.
ROLES I’VE PORTRAYED
Napansin ko lang sa mga roles na nagampanan ko. First, in Kuya David’s Sugat, I was Wacks, a high school boy who toyed with a girl’s feelings and eventually made her commit suicide. Then in Pia’s Film 112 project, I was a seminarian who ‘bullied’ my room mate, found out and told everyone that he was gay and eventually made him commit suicide too. Now, in Center for Women’s Studies’ Bagong Himig, I’m Ray, another high school boy who this time got her girlfriend pregnant but won’t take responsibility for the child.
Honestly, I didn’t feel completely comfortable portraying those roles. They’re so… un-me. I always cringe every time I picture myself saying the lines I said. Sobra akong nasasagwaan tuwing napapanood ko sarili ko. Why am I always the asshole jerk? Haha. Pero sino ba naman ako para pumili ng mga karakter na gagampanan ko. Hindi talaga ako artista. Hm, ayos lang talaga lahat. Productions are fun and everything. “Kinaya” ko naman. There’s really no problem. I’m just saying na hindi hiyang sa ‘kin ‘yung mga roles na ‘yon.

Yeah pare, I had a friend named Wacks, he also toyed with a lot of girls’ feelings… pero ok lang, mongolian naman eh… basta wag lang pinay.
Joachim: Andito ka rin pala. Anong Mongolian naman ha? Bad ka. :p
Bikoy: Artistahin talagang bata ‘to. Hehe. Sana mapanood ko rin balang araw ang mga pelikula mo.
Btw, ‘di ba yang CAP ay nasama sa “enemies” sa “Knowing the Enemy” ng militar?