- Napipilitan akong sumuway sa batas panlansangan dahil hindi ko talaga maiwasang bumaba kung saan ako binababa ng mga tsuper ng jeep, madalas sa gitna ng kalsada sa may Philcoa. Bahagi rin pala ako ng trapikong kinaiinisan ko. Sue me.
- Talagang boring ang Bio 1 class namin. Hindi ko lubos maintindihan magturo ang professor. Inaantok ako palagi. Tapos ‘di rin naman nagche-check ng attendance. Nakakatamad talagang pumasok.
- Mas masaya ang chacha kaysa sa waltz.
- Pinanood namin ang Mababangong Bangungot ni Kidlat Tahimik. Imbes maliwanagan, mas naguluhan ako sa ginawa naming pagtalakay sa Film 102 tungkol sa independent cinema. At least, mas naa-appreciate ko ang iba-ibang pananaw ng iba’t ibang tao tungkol sa kung ano ba talaga ang Philippine cinema.
- Sana tumuloy sa application ang lahat ng applicants namin sa UP CAST (Cinema Arts Society) at UP MCO (Mass Communicators Organization).
- Don’t expect 50-peso umbrellas from overpass vendors to serve you well in heavy downpours. Don’t even expect it to last a month before its ribs snap one by one.
- Sobrang hassle talagang mag-commute tuwing umuulan nang malakas.
This entry was posted
on
Friday, July 22nd, 2005 at
7:17 pm and is filed under
College .
You can follow any responses to this entry through the
RSS 2.0 feed.
You can leave a response, or trackback from your own site.
Mahirap talagang asahan yung mga murang payong na nabibili sa bangketa. I remember nung nasa atin pa ako, ang binigay na payong sa akin ng nanay ko eh iyong may spring sa loob (spring sa bawat ’spine’ ng payong) pero around 150-250 pesos naman. Pero at least matibay naman so sulit na rin.
Re: anime, download po iyon. Subs kasi ang mga pinapanood ko. Saka wala pa akong allowance pambili ng dvd, hehe!