Walang maikwentong mas matino
Pumunta kami sa barbero ni Papa kaninang umaga. Noong tinanong ako ng barbero kung anong gupit ang gusto ko, sabi ko bawasan lang ‘yung buhok ko sa tuktok. “Eh ‘tong nasa gilid?” tanong niya. Kaunting-kaunti lang, sabi ko. Nagtaka ako noong naglabas siya ng electric razor, hanggang sa nag-umpisa siyang mag-shave ng buhok sa gilid ng ulo ko. Akala ko may kakaiba lang siyang diskarte kaya pinabayaan ko na lang, hanggang sa makita kong tuloy-tuloy niyang shinave ang buhok ko. Manong, nung sinabi kong “kaunting-kaunti lang”, ibig kong sabihin, kaunti lang ang ibabawas mo, hindi kaunti ang ititira! But of course I didn’t say that out loud. Nakakaasar.

This calls for… photoblog!!! ^________^
It’s not really that short, but I’m planning to wear a cap for a month.
bikoy,pareho tayo ng experience pagdating sa barbero, matino mong sasabihin kung anong gupit gusto mo, but still hindi yun ang gagawin nya. Dahil sa mga experience na yun, hindi na ako sa barbero nagpapagupit.
woohoo! mas na-eexcite akong makita ka sa enrollment, hehehe. natawa ako sa story mo.
waaaahhhh??? haha…can’t wait to see you, for that!
guys, its not THAT short.
mas maganda daw magpagupit sa parlor, totoo kaya yon? o_O just bloghopping the night away, nice blog you got here.
E kasi sa BENCH FIX ka na lang magpagupit. P180 pero satisfied ka naman. Dun lang ako forever.
Haha, magplug daw ba ako.