It’s now up to you

Campaign period is almost over. In a way, it will be a relief. But I will surely miss all the stressful days and nights I spent with my co-candidates in STAND-UP CMC. It will be a great privilege and pleasure to work with them in the student council, if ever we get elected. I’m obviously and honestly hoping that we all do.
We spent the entire weekend before the campaign period (that’s two weeks ago) at our house, training and drafting our detailed general program of action. Then every afternoon till evening of every campaign day, we all sit down together and assess and talk about all sorts of stuff. It’s an everyday bonding thing. Last weekend, we slept over at Marian’s place in Guadalupe, Makati. It was a whole day till almost-dawn training slash bonding session. The slate also spent the entire night till morning before the college miting de avance at our house.
I will also miss working with our campaign managers, field operators and other campaign team members. Thank you, thank you.

sira yung picture
Sana naman you picked a more flattering pic for Jem, pero in general, okay naman yung itsura ng poster niyo. Medyo na-bother lang ako sa record ng mga candidates, parang hindi ko ma-gauge kung active ba sila in the past dahil parang ang value-neutral lang nung credentials. No wow factor.
Buti na lang you appreciate the bonding experience with your slate. At least pag-natalo ka, you have that experience to hold you together. ^_______^
good job on the meeting de avance sa CMC! You guys showed intelligence, sense, and poise. Good luck on election day.
natutuwa ako sa comment ni celeni.
bat parang ang hina ng line-up ng stand-up sa cmc? tama c celeni, no wow factor. napakauhhhh.. normal.
ako din, mamimiss ko din kayo.
pero stand up na kayo e, marami pa tayong kampanya at labang pagsasamahan..
mananalo kayo bukas. kayo ang mga lider-estudyante na karapat-dapat na mamuno sa konseho ng maskom.
Maalam. May pakialam. Naninindigan.
STAND UP- CMC.
STAND UP STRAIGHT SA USC AT CMC!
i want to vote kaso di ako registered. ehe.
matindi sa profile si bikoy.
God bless sa elections nyo! Angganda ng poster though i would agree na wala gaanong dating ang credentials. Pero overall its fine pa rin.
Good luck and God bless!
I’m sorry man. I just read it at Peyups.
oops, college reps pala yun. so there, i still have no idea if you won or lost. sorry about that. hehe
ayy. talo si bikoy. hehe
im taking the PR class now and we analyzed both
parties based on RTRs, posters, campaign ek-ek, GPOAs, miting de avance and most importantly, the way they behave inside and outside the classroom, yung tipong unguarded moments.
CONSENSUS ng 98% ng class:
mas malakas talaga ang ISA sa STAND-UP. hello, credentials pa lang nila nakaka-shock na. lahat yata sila either summa or magna standing, most of them are either presidents or VPs ng respective orgs nila, grabe ang experience outside the college, extra-curricular galore, etc.
at diyos ko, they all look so good. sabi nga ng mga prof nung kumakain sila sa canteen, “yung poster nila parang pang-starstruck.” so taob talaga kayo.
in a college like ours, stand out (oops) yung ISA kasi they all look so dynamic and progressive. and from our secret spying/research/chismis galore, mukhang close friends talaga silang lahat in real life. very natural.
nakita kasi namin nung miting de avance, sila sobrang relaxed lang while answering the questions. yung stand-up may nagcocoach pa sa kanila na mag-smile! Hello! Ang plastic!
Sort of a CMC student
CMC student - nice comment
True. I heard about the miting de avance’s turn outs even if I weren’t there personally. And personally, a campaign is sometimes sealed by the answers at miting de avances.
I know there’s an “I-told-you-so” somewhere here (from me in this blog).
bikoy, nasad ako sa comments dito, gusto kong sagutin pero tiyaka na kasi baka kung ano masulat ko..:)
siguro bukas haha!
grabe, bakit ganon ung mga tao?
may mali talaga sa mundo..
and i think ur credentials are good enough, mahal natin ung isa’t isa sa slate..and i’m glad we didn’t turn our poster into an artista search ad..:)
weird.people.comments.
do masscomm people really reduce elections to things such as these?? hayy..:( i’d like to think their comments are isolated cases..
basta love ka namin bikoy, pakita ka na samin ha?:p
It’s ok brod. Good show!
“do masscomm people really reduce elections to things such as these??”
marian, hindi naman. i think CMC just spoke up. sobrang magkaiba ang pinaglalaban/sinasabi ng dalawang party. pumili lang yung mga tao ng mas gusto nila sa dalawa.
i’d like to think na wala namang tanga sa CMC (hm, siguro meron din palang pakonti-konti) na bumabase lang ng boto sa itsura.
btw, i think mas magaling yung STAND-UP nung miting de avance (umalis ako ng 5:45, may nangyari bang weird?).
Marian - mmm… okay lang maging defensive. Siyempre, you’ll have some angst from losing, so you can just feel free to let out. We’ll understand. Kasi kung “bukas mo pa sabihin”, hindi namin malalaman and that’s sort of like backstabbing.
Malamang yung comment ni CMC student ay sa isang PR class, so in-assess niya yung public appeal nung campaign in general. You might think it’s shallow and superficial, pero hello, magpaka-reality check ka na lang. Let’s face it na credentials do matter because it says a lot about the commitment of that person. Though it is not a perfect standard, that’s where other aspects of the campaign come about.
So yes it doesn’t cut it if one person has credentials that are “good enough.” Everyone should have at last “good enough” standards and some that will completely stand out (hehehehe).
I agree with reubenjoel that almost all CMC voters are rational people, and the fact that they voted means that they have a regard for their “civic” duty. It’s not as if they’re like “OMG, I’m voting for them because they’re soooooooo pretty!!!”. Puh-leeze. Let’s just say your (Bikoy + party’s) ideologies are undynamic and cliché. As I said, soooo last year.
Most CMC people just don’t like STAND UP. May stigma na kasi that make them think of STAND UP as rally-happy people.
And broadcast majors are really gifted with PR. Or chumminess. According to some people, “I’m going to vote for Karol because he’s really really nice. I’ve talked to him and I like him. I don’t care about his politics.”
Celeni, sang-ayon ako sa iyo.
Binoto ko ang majority ng ISA hindi dahil sa looks nila. Oo maganda ang poster nila at may mga itsura silang lahat, pero dahil ba binoto ko sila ibig bang sabihin nun na tanga akong voter?
Binoto ko sila dahil hindi scripted ang mga sagot nila at dahil nakikinig sila.
At Marian, utang na loob, parang ikaw naman yata ang napakasama sa pagsabi na ginawa nilang artista search ang poster nila. Sa pananaw ko, at sa tingin ko ay sa pananaw ng karamihan sa ating kolehiyo, walang masama sa poster nila– ganun naman talaga tayo sa masscomm di ba? HINDI BORING.
Ate, wag kang defensive. Pansin ko lang ha, sa buong campaign, napakadefensive ng party niyo. Lahat ng gagawin ng kabila, gagayahin niyo para lang makapantay. At halatang-halata na ginagawa niyo ang lahat para magmukhang kasing linis nila.
Buti nga nanalo pa kayo ng slots e.
sa tingin ko mas magaling ang ISA sa miting de avance BY A MILE. hindi kasi sila scripted e. nakakairita talaga na scripted na nga yung mga tanong ng STAND UP mula sa katibakan, SCRIPTED pa ang mga answers. ANO ITO, LOKOHAN?
sa introduce yourselves part pa lang, turn off na ko sa STAND UP. may spiel pa na pasigaw-sigaw! yung ISA, natural, talagang nag-introduce lang. O, so sinong mas TRAPO?
At STAND-UP, kung i-mumud sling niyo ang ISA, sana hindi niyo naman ipahalata na galing lahat ng tanong sa inyo. Galing akong MCO at sa totoo lang no, maraming bumaliktad at pumanig sa ISA dahil sa pambabastos ng STAND-UP.
Kasi naman, kung ngayon pa lang ganun na nila sasalubungin ang mga taong taliwas sa mga panis nilang ideyolohiya, paano pa kung nasa council na sila? E di yung mga hindi nila gusto, i-booboo rin nila gaya ng ginawa nila sa ISA.
Marian, ate, may mali talaga sa mundo. At alam namin na alam mo kung sino ang mga mali. Ate, bumalik ka na sa dati. Actually, ikaw, si Sheng, si Ruth, si Uy, si Canela, si Jo, si Gabb at si Airah. Mga ate’t kuya, klarong-klaro sa buong kolehiyo na hindi naman talaga kayo STAND-UP.
Noong panahon ko (Batch 2005), STAND-UP ang partidong nanalo. Pero yun ay dahil wala silang kalaban.
Malaki rin ang hinayang namin sa mga taong tumakbo sa ilalim ng partidong hindi nila gusto ngunit kinailangan lamang dahil may “makinarya” ang partido.
Natutuwa ako at nagkaroon ng ISA.
Tama si Celeni, iba ang antas ng mga kandidato nila. Unang tinitignan iyon ng mga tao. Nag-aaral ba sila ng mabuti? May tala na ba sila ng pag-silbi? Maayos ba ang kanilang pakikitungo sa kapwa? Nagbabalat-kayo ba sila?
Madalas patama sa STAND-UP ang maling asal sa mga pagpupulong, ngunit mahirap din namang lahatin. Pero mas mahirap di makita ito. Lalo na sa kolehiyo ng komunikasyon.
At ang boto ang nagpakita nito.
Kung nasa puso ng STAND-UP CMC ang magsilbi, magagawa pa rin naman nito kahit wala sa puwesto. Kailangan lang maki-ISA.
Kung sa looks, appeal, at papa-bleness ang botohan, sina James Gabrillo at Mark Dantes ng ISA ay Chair na sana ng USC. Tie ito! Co-Chairness! Historical! Shan, este, Shila na nga!
Chos lang.
Uy mga friends, in fairness a, first impression ko sa mga ka-ISAhan ay medyo exclusive po ang aming samahan! For smart beautiful people only! BUT NO! Ang bait-bait nilang lahat! That’s why I voted straight! Pero I still love you Bikoy!
ang gwapo ni bikoy!
pa-post naman dito yung complete list of winners oh. thanks.
Wag niyo nang idiin.
Ang daling sabihin ng lahat ng yan sa inyo kasi hindi kayo apektado; so, wag niyong nang idiin kay Bikoy yung mga ikinatalo ng STAND-UP.
Bikoy, if ever di ka pa naka-move on, go, move on na. Mahirap ang may mabigat na dibdib. Tama sa CMC graduate, kung nasa puso niyo talaga na magsilbi, magagawa niyo pa rin yan kahit wala kayo sa posisiyon; maganda nga yun kung gagawin niyo at lalo na kung mahihigitan niyo ang ISA–in this way, mapapakita niyo na nakapanghihinayang na hindi kayo ang binoto nila. Bikoy, just go on and feel good.
“Galing akong MCO at sa totoo lang no, maraming bumaliktad at pumanig sa ISA dahil sa pambabastos ng STAND-UP.”
omg, sino ka. mcoer? o nakiraan sa tambayan?
unang-una, hindi pwedeng bumaliktad ang MCOers at pumanig sa ISA kasi hindi naman STAND-UP ang MCO dati/in the first place.
hindi ko talaga maisip kung sino ka. medyo masakit ka magsalita kuya/ate. may mas magandang paraan para sabihin yun.
[edit sa itaas]
neither STAND-UP nor ISA ang MCO. wala ang pulitika sa agenda ng org. bahala ang bawat mem kung anong gusto nila and everybody respects that. grabe, wala akong ideya kung sino ka. o kung bakit mauuna mo pang ipagsabi sa cyberspace ang ganyang saloobin.
sure ka ba?
gusto ko lang magreact sa mga nagsasabing “mas natural” ang ISA.
unang-una, ang ISA ang malinaw na hindi naman gamay ang mga issue. sa mga room-to-room, halos si karol lang ang sumalo/sumagot sa mga issue-based na tanong. mas “scripted” ang spiels ng ISA–sila yung may mga numbers-numbers pang nalalaman, pero hindi naman alam ang datos. napakalinaw sa miting de avance na hindi man lang alam ni athena(incumbent pa naman)kung kailan binuo ang stfap kahit na may “consensus” daw sila na “outdated” ito, etc etc. kung “nabastos” man ang ISA, they deserved it–bakit mo naman igagalang ang mga kandidatong hindi gamay ang mga isyung papasukin nila?
and speaking of trapo tactics, oversized ang slate poster ng ISA at bawal yung giant tarp na may mga mukha nila, kung susundin ang university rules. mabuti na lang at pinayagan ng college secretary. palibhasa, kinailangan magrely sa looks to compensate for substance.
sa ngayon, good luck sa cmc council. sana tuparin ang mga ipinangako, at magpatupad ng mga makabuluhang proyekto. at sana, alamin ang mga isyu at maging involved. hindi yung puro lip service at motherhood statements lang.
sa nagsabing lahat ng ginawa ng ISA ay ginaya ng STAND UP para lang mapantayan sila, ESHOOSHMEE???
back track:
ISA avp sa canteen lobby? CHECK!
STAND UP avp anywhere in cmc?
tarp na puro fez ng ISA candidates? CHECK!
tarp ng STAND UP?
ESHOOSHMEE LANG NOH! funny ka.
Wow one more masscomm student… hindi ko lang alam na SUBSTANCE na pala ang pagkakaalam ng DATE kung kailan na-establish ang STFAP. Yes, sobrang makakatulong nga yun sa mundong ginagalawan natin.
Ngayun ko lang nabasa tung mga comments na ‘to. hmm…
“ung poster nila parang pang-starstruck.” so taob talaga kayo.” eto lang ang pinagbasihan ko ng comment na nirereduce na yata sa artista search ang election..(hindi ba’t ang starstruck ay isang artista search?) this is my answer “for another masscomm student” kasi parang hindi niyo nakita ung nireplyan kong comment, never ko sinabing pangstarstruck ang poster nila on my own judgement, si PR studnet ang nagimply non, i merely answered..
un lang, but i’m not saying mass comm people are stupid and irrational, i’m sori if my comment implied that one way or another, and yes I feel for those of us who lost, but again, botohan yan and if we lose votes because of our principles that’s fine.
in truth, I was saddened by what the PR student said, and though i don’t agree i still respect her right to say it..
i hope all people saying stuff here will do the same with me and all the other student’s comments on bikoy’s blog
another clarification for Celeni, I said i’d react the day after because I was pretty emotional when I read the comments, and I didn’t want to input much of it online.. hindi ko naman gusto ibackstab kayo sa ibang tao.. (i don’t know if that’s what you meant in your comment e, pero un nga hindi ko gusto mangback stab) in fact, i even asked patty lazatin, since i knew you from my math class, and I know for a fact that you guys are friends if you were really that critical because un nga nagulat ako sa comments mo, and sabi niya ganon ka daw tlga and it’s always nothing personal..kaya nga i felt better na these were honest comments,na it was then something we had to take as input for the party, kaya hindi nako sumagot…:)i hope it’s I clarified that well.:)
i said i’ll comment tomorrow because I didn’t want to comment on his blog with such a burst of emotions reading form what you guys wrote, i wanted a calmer me to react, not really to talk about you guys with him in private.. im sori i didn’t make that clear..
LoL, OMG, I didn’t mean to say that you’re a backstabber, pero yeah, share naman the comment. LoL.
Congratulations btw on winning and the good faith. Yes, medyo mahilig lang talaga akong mag-critique dala na rin ng mga salu-salong bagay na pinag-aaralan ko, pero yes, don’t take anything personally.
On a completely different note, try to proofread your comments thou. Wala lang, kasi ako minsan hindi ko rin ginagawa, kaya lang medyo marami kang run-ons.
one more masscomm student: Motherhood statements? Kilala kita.
Bakit kailangang malaman ang date para masabing outdated? Dahil ba literal ang pagkakaintindi sa “outdated”? Malalaman mo naman kung outdated kahit hindi alam ang date ng establishment and implementation of STFAP (na-implement nga ba?), hindi ba? Bakit? Dahil walang absolute standard para masabing outdated na ang isang bagay.
At tama, Celeni. We would all be living in SUCH a wonderful world if people talked of substance AND knew when the STFAP was established. Si Athena kasi e, hindi alam kung kailan. Wala na tuloy daw siyang substance. Si Athena kasi e, presentable. Wala na tuloy daw siyang substance.
Para magka-substance ka dapat mukha kang mabaho AT puro ToFI-related things lang ang lumalabas sa bibig mo, like some people I see na pakalat-kalat sa college.
Hahahahhaha, nakakatawa naman mga tao dito. Bakit kaya tong mga taong to hindi nagsasalita sa mga miting de avance. O kung saan maang venue, dito pa sa blog kung saan di ka naman nababasa ng buong populasyon ng masscomm. Hello?!?!?! What the hell do you know about issues? And campus, or specifically UP politics. Ahuh?
HOHMYGULAY!
ESHOOSHMEE! mga lolah, hindi ba’t pag itatackle mo ang isang issue eh dapat alam mo ang basic facts? dabuzz naman…3
AT GRUBEHHH, ouch naman sa sinabi mo pinoy stupid ha: “Para magka-substance ka dapat mukha kang mabaho AT puro ToFI-related things lang ang lumalabas sa bibig mo, like some people I see na pakalat-kalat sa college.” mukha bang mabaho si atom? sa college level naman, mukha bang mabaho si tope?
ESHOOOSHMEEE LANG. funny ka din?
Hi, we would just like to comment, re: another student sa masscomm.
We’re current and REAL members of MCO.
Una sa lahat, kami ang humawak ng miting de avance ng CMC, dahil annual event na namin un. By virtue of this, HINDI kami pwedeng maging biased sa kahit anong partido, sa USC man o sa local council. Napagusapan at napagkasunduan ng org na walang kakampihan. Ni flyer nga, wala kami sa tambayan.
Sa comment mo na: “sa tingin ko mas magaling ang ISA sa miting de avance BY A MILE,” nagpapakita ka ng bias mo. Ergo, either WALA kang comprehension skills o HINDI KA MIYEMBRO.
Pakiusap lang, huwag mong gamitin ang pangalan ng organisasyon namin sa pamumulitika mo. Your attempt is futile. Hindi kami ganon kadaling sirain.
Uulitin ko lang ang tanong ni Reuben: Ikaw ba ay MCOer talaga, o NAPADAAN lang sa org tambayan, re: “Galing akong MCO”.
Kung MCOer ka, HAVE THE BACKBONE TO FACE US. Huwag kang ganyang may pacodename-codename ka pang nalalaman. We don’t foster those kinds of people. Kung may comment ka, ilabas mo ang mukha mo. Nagtatago ka sa ones at zeroes ng Internet. Yuck.
Again, we agree with Reuben on his point: “bahala ang bawat mem kung anong gusto nila and everybody respects that.” Iba-iba ang beliefs ng bawat miyembro ng MCO. Isa yan sa strengths ng org na ito.
Ibang isyu na rin ung kay Marian. Hindi na namin papatulan un, dahil kaya naman ni Marian ang sarili niya. We believe na matibay ang paninindigan niya.
another student sa masscomm, lumantad ka nga. Pero kung ayaw mo, pakitandaan lang na hindi masisira ng anumang political ventures ang aming pagkakaibigan. Hindi kami ganun kababaw, katulad mo.
Patawad, Bikoy, na naging avenue pa’tong blog mo para ipagtanggol ang org na mahal nating lahat. Hindi lang namin matanggap na may nanggaganito sa org natin.
Yun lang.
WOW. Ngayon ko lang nabasa ang entry and comments na to. Bikoy hindi mo man lang to nasabi sakin ah. Or binabasa kaya ni bikoy lahat ng to? Grbe.
Marian, mahal kita
Naiintindihan ko that you became emotional nung nabasa mo yung mga comments. ako din. bumabaha na ng luha dito sa pc ko
Hindi ko alam bakit kailangan na maging venue ang bikoy.net ng mga angst ng ibang tao dyan,. alam niyo naman ang mffeel ni bikoy or any stand up member pag nabasa nila yung mga sinasabi niyo or kagaya ko na blockmate/orgmate/friend ni bikoy.
buti nalang big boy na si bikoy..kaya niya yan.. sa dami ng pinagdaanan niyan….
mahal ka namin victor lorenzo v. villanueva
(magccomment ako ulit pag tumigil na ang mga luha sa pagpatak.hahahaha.)
buffy, sana nakakaintindi ka ng sarcasm.
Sana naiintindihan mo rin kung para kanino yung comment na yon. (Hint: Di para sayo.)
Lahat ng gagawin ng kabila, gagayahin niyo para lang makapantay. - Excuse me, “another student sa masscomm” in case you actually care about the rules of the elections, may mga violations ang ISA. Case in point: that long tarp at the skywalk. Pero may nilagay ba ang stand-up na pantapat dun? nada. So is that a case of “panggagaya para lang makapantay?” Duh.
Galing akong MCO at sa totoo lang no, maraming bumaliktad at pumanig sa ISA dahil sa pambabastos ng STAND-UP. - Your statement is problematic. Galing ka sa EVENT ng MCO, galing ka sa TAMBAYAN ng MCO, o galing ka MISMO sa MCO? Pwede ba, if you have something to say, pag-isipan mong mabuti ha? I think kim, bev, reuben and eka have said enough to defend the organization, pero I just have to say this: how dare you use MCO in your comments? the nerve!
At oo, wala kaming pinapanigang partido, pero pag sinalang mo na ang MCOers, magkakamatayan tayo. (Sorry Bev and Kim, I just have to defend them kahit konti). How dare you mudsling Marian and Ruth na hindi sila talaga STAND-UP? I’ve been with them long enough to know why they are and chose to be in STAND-UP. Ewan ko kung alam mo, because you don’t even care to know. You have the gall to comment rubbish in Bikoy’s blog pero hindi mo naman pinag-iisipan. Codenames. Ick.
You don’t know Vic.
You don’t know Marian and Ruth.
And you don’t know MCO at all.
how dare you.
“either WALA kang comprehension skills o HINDI KA MIYEMBRO.” –kim + bev
just goes to show hindi ka MCOer. *smirk*
LoL @ PinoyStupid. Lalo na yung respond kay buffy. Kasi naman buffy, sabihin na namin sa’yo ng lantararn: ang pagkaka-alam ng date ng STFAP ay hindi isyu. Yun lang yun. Pwede mo siyang gamitin sa isyu, pero kahit hindi mo alam yung eksaktong date importante, naipapaglaban ang prinsipyo nung isyu.
At para kay a. Oo nga naman, ayoko lang kasi talagang ma-politicise image ko sa UP (feeling ko it’s a “creative hindrance” at hindi ako pumunta sa mga miting de avance dahil sa mga schedule conflicts). At oo nga pala, hindi rin ako taga-MassComm. LoL.
To Celeni: heia
“ang pagkaka-alam ng date ng STFAP ay hindi isyu.” - Para sakin hindi nga issue ang pagkaalam o hindi pagkaalam ng STFAP date, pero ang pagsabi ng maling bagay sa MITING DE AVANCE, it’s another thing. It’s like greeting your friend a happy birthday tapos hindi pala niya birthday. hindi issue pero nakakahiya. =)
To PINOY STUPID:
*side comment* speaks a lot about you ah.
I think our point is that if simple facts such as dates,Athena cannot comprehend, how much more the more complex things? Kayo nagdidiin na maganda si Athena ah..na may substance sya. Nasan ang substance? *please refer to the Studio 23 interview months ago* ok fine. Your probable argument is that there is so much more to being a public servant than knowing dates and being graceful in interviews. Yet, our point is that how will she be able to rise up to the challenge of being a CMC servant (which is sooo hard) when basic things such as dates, interviews blah blah she buckles?
Second point pinoy STUPID: And broadcast majors are really gifted with PR. Or chumminess. According to some people, “I’m going to vote for Karol because he’s really really nice. I’ve talked to him and I like him. I don’t care about his politics.” —> uhm, hello? This is really what you quoted? straight form the horse’s mouth, you voted for ISA because you love their PR strategies..their “chumminess”..argh.
Bikoy has this habit of not saying ‘no’ to people who need help eventhough he’s got a lot of things to do already. Just the man we are all looking for.
TO CELENI:
oo, celeni, makakatulong sa mundong ginagalawan natin ang mga taong maalam kahit sa mga simpleng bagay pa lamang. dates..interviews blah blah
on a completely different note, try to proofread your comments thou. Wala lang, kasi ako minsan hindi ko rin ginagawa, kaya lang medyo marami kang run-ons. —> ayan, hindi ka nagproofread din Celeni..take your own advice
The credentials of ISA was like “gerry Roxas leadership ek ek” or “Xavier blah blah” I feel that what ISA placed on their list of credentials was “sooo yesterday” (may i quote Celeni on this one). Yes, credentials speak a lot about that person’s potentials and if he or she excels academically. But i think STAND UP was careful to place their “current/collegiate” achievements.
“Dahil kailangan dapat at kayang pagsabayin ang paglilingkod sa Kolehiyo at sa Bayan”—hmmm..kaya nga ba ng ISA? uhm anu nga ba ang mga nagawa ng mga iba dyan last year while they were elected? hmmm
Rina, aba, nawawala ang anonymity ko! Hahaha.
I-reverse natin, pwedeng hindi nga alam ni Athena ang date nyang STFAP na yan, pero mas malalaking bagay ang naiintindihan niya. Dahil yun ang dapat niyang intindihin. That’s a possibility, a much more likely one.
Yung ganda ni Athena, sinagot ko lang yun dahil may magaling na nag-generalize na kailangang magrely sa looks to compensate for substance ang mga taga-ISA. Ang galing galing niya, nabobo ako. Wala akong pakialam sa ISA pero naasar lang ako sa katangahang generalization. Halatang hardcore supporter ng kabilang party.
At yung chumminess, napag-usapan lang namin before ni Bikoy (privately naks) ang chumminess ng ISA candidates. And yes, may mga tao ngang bumoto sa chumm-ISA based on the sole fact that they know how to talk to people. Or something to that effect.
Ah basta, binoto ko si Bikoy. LOL.
why don’t you guys just use a different venue for these kinds of comments? i don’t think it’s proper to use bikoy’s blog to air out all your political biases/grievances.
kamone!
*go k4!!!* =D
I-reverse natin, pwedeng hindi nga alam ni Athena ang date nyang STFAP na yan, pero mas malalaking bagay ang naiintindihan niya. Dahil yun ang dapat niyang intindihin. That’s a possibility, a much more likely one.—->paano maiintindihan ang mas malaking bagay kung ang fundamentals hindi kayang gawin. case in point: not look like a total dork in front of national television and in front of the CMC students.
eh binoto mo naman pala c bikoy eh..tapos ang usapan. :p
sana ay hindi lamang ISAng proyektong makakapagbigay ng pagababago ang magawa ng mga partido, kung nasa posisyon man sila o wala.
hi ugh! iniisip ko kung sino yung laging nagssbe ng kamone.hehe.
yes! Go K4! yey!
hi eka…
you know very well who i am. ;p haha. mararamdaman mo na lang ‘yan. xoxo. =]
go thesis! ;p
alam ko na hindi maituturing na pagkatalo kung hindi makaupo sa pwesto ang isang kandidato ng STAND-UP dahil kikilos pa rin siya(katulad ng dati) may posisyon o wala.
congrats sa mga nanalo sa CMC AT U-wide!
Serve the people!
i am a student from masscomm. and yes, i am a supporter of ISA. not because they look good or something. one thing na i really dont like about STAND UP? lahat na lang kinontra nila. pati yung freakin’ NO ID no entry policy. just in case you guys don’t know, malaki ang binaba ng crime rate, especially theft, inside UP buildings! tska don’t tell me na pano yung mga estudyante na naiwan ang ID’s, hindi na sila makakapasok (as portrayed by Leni Bedspacer sa Kule) eh hello? why were they irresponsible enough, not to bring their ID’s?? eh maliit lang naman na piece of plastic yun?
pero.. one thing na i applaude about you guys is your dedication.. hmmm… sayang Gabb, hehe.. di ka nanalo.
ugh… tama lang yung venue na ito. I’m sure Bikoy’s enjoying the fact na nag-50 na yung comments dito.
Anyway, about proof-reading, well, I do proof-read randomly, pero at least hindi puro run-ons yung comments ko. Tons of code-switching dahil sa tone nung mga comments, or siguro ganito lang talaga ako mag-salita. ANYWAY.
I can proudly say I didn’t vote for Bikoy… nor Karol. I don’t want to comment on Athena because I don’t know the references that you’re mentioning: dates and interviews CHEVER. And I clearly made my point, gusto ko lang mag-comment dun sa comments.
to Celeni:
I’m sure Bikoy’s enjoying the fact na nag-50 na yung comments dito.
ooops.
I’m sure Bikoy’s enjoying the fact na nag-50 na yung comments dito.
I’m sure Bikoy’s enjoying the fact na nag-50 na yung comments dito. — He’s not.
I’m sure Bikoy’s enjoying the fact na nag-50 na yung comments dito. — He’s not enjoying those rude comments about him. Anybody in his position would feel hurt. Ano ba. Tao tayong lahat. (Fingers shaking). Yun lang.
Sana na-type ko ng maayos lahat ng gusto ko sabihin. hehe.
I’m sure Bikoy’s enjoying the fact na nag-50 na yung comments dito. –> i hope bikoy realizes that out of these 50 plus comments, his friends are defending him. go bikoy!
FOR ANOTHER STUDENT SA MASSCOMM (2):
“Lahat ng gagawin ng kabila, gagayahin niyo para lang makapantay.”
–Paki-verify.
“At halatang-halata na ginagawa niyo ang lahat para magmukhang kasing linis nila.”
–Pakilinaw.
“Buti nga nanalo pa kayo ng slots e.”
–Sino ka ba?
FOR ANOTHER STUDENT SA MASSCOMM (2):
“sa tingin ko mas magaling ang ISA sa miting de avance BY A MILE. hindi kasi sila scripted e. nakakairita talaga na scripted na nga yung mga tanong ng STAND UP mula sa katibakan, SCRIPTED pa ang mga answers. ANO ITO, LOKOHAN?”
–I wonder what it is you mean when you said “scripted”. I’m not barging in to defend them. I’m not a supporter. Naisip ko lang kasi, one probable reason why one would think have such a notion is that lagi naman na kasi natin silang naririnig. For years and months, yun at yun ang sinasabi nila. Yun at yun ang naririnig natin sa kanila. Halos walang pagbabago, kaya feeling natin “scripted” na. Aminin natin, kahit tayo, kayang-kaya na nating i-recite ang speeches nila lalo na tungkol sa TOFI at iba pang usapin, tulad ng panggagaya natin sa pag-uulit ng mga kandidato (sa anumang partido) sa mga pangalan nila.
FOR ANOTHER STUDENT SA MASSCOMM (2):
“At STAND-UP, kung i-mumud sling niyo ang ISA, sana hindi niyo naman ipahalata na galing lahat ng tanong sa inyo.”
–I assisted Kimberly, the moderator of the miting-de-avance. Ako ang tumatanggap ng mga tanong mula sa audience. Ako ang direktor ng team na nag-organize ng event na ‘yon. And may I just inform you, MassComm student, na hindi lahat ng tanong ay mula sa STAND-UP. Una, organization representatives ang panelists sa miting-de-avance. Bawat org na nakilahok ay binigyan ng pagkakataong magtanong. Ikalawa, totoong maraming tanong para sa ISA, hindi dahil gusto silang tirahin ng kung sino man. Hindi ko alam kung bakit hindi mo naisip na dahil bago para sa CMC ang isang oposisyon—ang isang partidong (full slate na) lalaban sa dati’y nag-iisang partido sa CMC, gusto silang makilala ng mga estudyante. Gustong malaman ng mga botante ang mga ideyolohiya nila.
FOR ANOTHER STUDENT SA MASSCOMM (2):
“Galing akong MCO at sa totoo lang no, maraming bumaliktad at pumanig sa ISA dahil sa pambabastos ng STAND-UP.”
–Kung alam mo lang kung gaano katinding pagpipigil ang ginagawa ko ngayon—dahil sa bahaging ito ng entry mo.
Sino ka? Kilala mo ba ang MCO? What do you mean by “GALING AKONG MCO”? I doubt that you are a member. Tama si Reuben Joel. Malamang na napadaan ka lang at nakiusyoso sa aming usapan. Walang MCOer na magsasabi niyan dahil walang MCOer na basta-basta na lang didikit sa anumang partido na as if nasa partido ang hinahanap niya sa kandidato. Hindi naman party-list ang kailangang iboto. INDIVIDUAL candidates po sila na may pagkakapareho ng paniniwala. Sana alam mo yan. At naniniwala akong hindi stupid ang mga botante.
Tama sina Kim at Bev, kahit pins o anumang campaign paraphernalia, iniiwasan naming tumanggap—alang-alang sa paggalang sa desisyon ng org na paging non-partisan.
Kung ang attempt mo ay dungisan ang pangalan ng MCO, attempt all you want. Hindi mo kami kayang sirain. Malaking kamaliang banggain ang MCO, Mass Comm student.
(Kung hindi naman yan ang attempt mo, mag-ingat ka na lang sana sa paggamit ng pangalan ng organisasyon namin dahil 74 na miyembro ang magre-react. Bukod pa doon ang mga kaibigan, advisers at alumni. Tsk. Tsk. Tsk. Tagilid tayo diyan.)
Kung ang attempt mo naman ay sirain ang samahan, haha! Attempt even if you no longer want to! HINDI MO KAYANG SIRAIN ANG SAMAHAN NG MCO. Tandaan mo yan.
Kung miyembro ka, magpakilala ka sa logbook. Gusto ka naming makausap.
Kung alumnus/alumna ka, ate/kuya, sa e-group na lang.
Pero duda talaga akong may dugong MCO ka.
Kung na-offend ka man, pasensiya na. Mahal namin ang org—no, mahal na mahal namin ang org, lalo na ang mga taong bumubuo nito. Hindi namin maiiwasang mag-react sa ganyang klaseng paggamit ng pangalan ng org.
Tama rin sila, iginagalang namin ang mga paniniwala ng bawat miyembro. Isa kami sa mga org na nagkakasundo, hindi dahil pare-pareho kami (sa paniniwala, o sa kung anuman), kundi dahil tanggap (at MAHAL) namin ang pagkakaiba namin.
Uulitin ko ang sinabi ko sa isa ko pang entry sa blog na ito: hindi man namin tinulungan sina Bikoy, Ayeen, Ruth at Marian sa kampanya, pasensiyahan na lang pero nandito lang kami kung titirahin nyo sila. Handa kaming protektahan ang mga miyembro namin, lalo na kung mali ang mga ibinabato sa kanila.
Sino ka?
Tama rin. Gusto kong tularan sina Bev at Kim na humingi ng pasensiya sa ganitong klaseng sagutan. Hindi ko lang talaga mapigilan. Tatlong taon na tayo sa org na to. Sa panahong yon, ni minsan, hindi ako nagduda sa klase ng samahang meron tayo.
BIKOY, para naman sa’yo,
Mahal ka namin. Alam mo naman yan, duh. Sa isang taong naging busy kayo nina Ayeen at Barrister sa council, alam nyong na-miss namin kayo. Siguro lang naisip ni God na oras nang ibalik ka sa MCO (at CAST).
Alam kong ok na ok ka.
Ganun talaga.
Basta lucky tayo, kasi hindi lahat, may MCO.
FOR ANOTHER STUDENT SA MASSCOMM (2):
“Marian, ate, may mali talaga sa mundo. At alam namin na alam mo kung sino ang mga mali. Ate, bumalik ka na sa dati. Actually, ikaw, si Sheng, si Ruth, si Uy, si Canela, si Jo, si Gabb at si Airah. Mga ate’t kuya, klarong-klaro sa buong kolehiyo na hindi naman talaga kayo STAND-UP.”
–Nawa’y inalam mo muna kung bakit, in the first place, sila ay nasa slate ng STAND-UP. Hindi ko alam kung anong ipinagngingitngit mo. Isa ka bang aspiring candidate na gusto sanang maing bahagi ng STAND-UP slate o ano? Tama sina Kim at Rach, isa si Marian sa mga may pinakamatibay na paninindigan. Alam niya kung ano ang gusto at ayaw niya. Though she wasn’t initially a part of it, she wouldn’t join it just for the heck of running, or just for the heck of joining. She doesn’t easily change her views, if only to get to the council. At si Ruth ang tipong hindi papasok sa isang bagay kung hindi siya sigurado. Sila ang mga nabanggit ko dahil sila ang mga KILALA ko. Nakapagsasalita ako tungkol sa kanila dahil KILALA KO SILA. Sana, ganun ka rin kung magsasalita ka tungkol sa ibang tao.
To CELENI:
Tama si Eka. Bilang isang future media practitioner, mahalagang alam mo ang mga bagay na dapat mong alamin.