Reason is with us
We have all the reasons to oust this administration. Do we even have to question them. Read the open letter of the renegade soldiers and all the premises for this rebellion are so real and blatant–from election rigging, to the national broadband scam, to brownbag payoffs, I don’t know how any sane person can stand it. Pero, tulad nga ng isang text na natanggap ko. Tao sa lansangan at hindi mga sundalo sa hotel ang mapagpasya sa isang democratic struggle. Trillanes and company had the right reasons, but the wrong methods.
However, I wouldn’t call Senator Trillanes and company, for all their noble intentions, crazy as many of our middle class netizens have said in their blogs and in comments. But you know what, I’d rather call people who refuse to admit that something’s terribly wrong in this administration crazier. I don’t even know what to call people who know how rotten this administration is but would rather go on and live their comfortable lives because they can afford it.
What with all other avenues closed, mass action is our only recourse. Ano pa bang vague na ‘other ways’ and sinasabi-sabi ng iba d’yan? No matter how you spin it, they all lead to the tolerance of all this administration’s crimes. Wait till 2010? Give me a break.
Tomorrow we commemorate Andres Bonifacio and the revolution he began.

Hi Bik,
Alam ko na hindi masama ang manguntra, pero hanggang saan? Bakit hindi na lang natin tulungan ang adminitrasyon kung sino man, para umunlad naman bansa natin. Wala tayo patutungan nito kung lahat tayo nag-aaway away.
Kung baga sa sasakyan na uugod ugod ay pilit pa nating pinapahirapan, bakit hindi na lang natin itulak para makarating sa pupuntahan.
Apol
Canada
bakit hindi na lang natin palitan ang makina
wala ngang pampalit..
mahirap lang bansa natin…
tulad ng isang pamilya na naghihirap, pero nagtutulungan ay nagiging masaya at nagkakaroon ng magandang bukas. Pero mahirap na nga tayo nag-aaway away pa… anong magyayari satin…. wala… wala…wala…
kailangang lagyan ng historical context yang analogy mo. bakit uugod-ugod ang sasakyan? sira ba sya talaga o nasira nang nasira sa kapabayaan ng mga driver at mekaniko? mayaman ang bansa natin, apo. mahusay ang takbo ng sasakyan. bakit tayo naghirap, bakit nasira ang sasakyan?
paano kung malayung malayo pa ang destinasyon, dahil hindi naman natin alam kung kailan nagwawakas ang panahon at kasaysayan, imbes na palitan ang makina o ang driver, ang solusyon mo ay pababain sa sasakyan ang mga pasahero at pahirapan tayong lahat sa pagtutulak habang nagpapakasasa ang driver sa kanyang pwesto. ‘yan ba para sa ‘yo ang pinakamahusay na solusyon?
wag tayong magbulag-bulagan. hindi nasira ang sasakyan nang basta-basta lang. nasa nagmamaneho nito at nasa makina ang problema. at hindi natin kailangang magtulak at magpakahirap habang-buhay.
sige, gamitin din natin tong analogy mo ng pamilya. mayaman ang pamilya natin, apol. hindi tayo basta basta at bigla na lang naghirap. paano kung ang pinuno ng pamilya ay sugarol, at hilig lustayin ang pera ng pamilya sa mga bagay para sa kanya at mga paborito niyang anak? imbes na ayusin at purgahin ang sanhi ng pagpapahirap sa iilan, ang mungkahi mo ay magpumilit magpakasaya habang naghihirap at makiisa sa mga pinunong hindi naman nakikiisa sa pagdurusa ng iba.
So anong solusyon mo? Palitan si Gloria? Sino ipapalit?
Tama na bikoy, lahat ng sinasabi mo ay matagal ng sinasabi noon pa. Panahon pa ni Marcos, napalitan na si Marcos, may nagyari ba? wala. Napalitan na si Cory wala. si Tabako wala rin… so ano ba talaga? Si Trillanes? OMG.
you should know then the answer to your question. wala nga sa pagpapalit ng driver ‘yan.
Makina? Well it’s not correspond to Apol’s comment. Maybe it’s the driver who should be changed, coz “makina” is our country the Philippines.
correct me if i’m wrong, but the Philippines in his analogy is the vehicle itself, not the engine as a component
Trillanes and cohorts are crazy they must be jailed. They have no right to trespass and destroy private property for their twisted agenda.
Who are they kidding they just want themselves to be in power!
their motives might be doubtful to some, and true they might be riding on legitimate dissent and reasons to install themselves in power. but that doesn’t negate all the many blatant premises that lead to all this outrage. using dissenters’ alleged motives to turn a blind eye to the crimes of this administration, from election rigging to overpricing of contracts is… well, bahala na ang iba kung ano ang tawag sa mga taong ganyan.
Their motives might sound sane and noble but their actions were crazy. Maybe not to you and the next person but to me it was. I am very much aware of our current economy and the government situation. A forcible entry into a 5 star hotel is quite questionable especially as they were calling for those to rise above their poverty to join them. A revolt right now is not the solution I am looking for. I will continue to seek and support for other productive methods to improve our country.
true, as we’ve said we don’t particularly support a mass revolt called from a hotel. mass dissent is best exercised on the streets. i understand the sense of urgency for you, for us, who are better off is not present. waiting for a messiah to lead us to a ‘more productive method’ that will not create disruption to the comfortable lives of those who can afford it in this country, is tantamount to tolerating this administration’s crimes.
kung papalitan ang kasulukayang administrasyon, sinong ipapalit? mahirap mang sabihin, ‘eto lang ang meron tayo ngayon. Pagbabago nga ba ang gusto nila? Pagbabago o distabilization lang?
Calling for a revolution every time a President comes around is not the way to do it Victor. We have a process called elections. Let’s face it, all of them are crooks. When they get out of office, constitutionally or extra-constitutionally, another set of crooks will replace them. Truthfully, rich or poor, we just wanna get on with our lives. You can’t question that. The man driving my taxi just wants to feed his family. There are more important things in life than going out on the streets and complain all the time.
Ano bang nangyayari? Pucha… 3-10 at 2-10 kasi yung pasok ko ay. Next week 10PM -6AM shift na’ko.
tolerance is the right thing to do?
Elections? Hello Garci.
after reading all the comments and your reactions bikoy di ko mapigilan ang sarili ko. tama lahat ang sinasabi n’yo, though hindi ako uma-agree sa lahat pero alam kong tama lahat ang pagtingin ninyo.
kung ako ang tatanungin, hindi naman yung kung sino ang papalit kay gloria or kung tama o mali ba si trillanes ang sagot. magtulungan? ang mga pinoy magtutulungan para sa bansa? jusko, isa ‘yung himala.
ang mga pinoy ngayon ay kanya-kanya na. dapat bang gawing dahilan ang kahirapan para sabihin mong pamilya ko muna ang uunahin ko at bahala na silang magkagulo dyan? at yung may mga “kaya” naman ay wala ring pakialam dahil hindi naman sila naaapektuhan directly ng mga nangyayari. ang dapat tukuyin ay ang ugat kung bakit naging ganito ang pag-iisip ng mga Filipino.
pagkatapos nang EDSA 2 sumulat ako ng sanaysay na pinamagatan kong EDSA 100, sinabi kong kahit abutin pa ng isang daang EDSA protests ay hindi ko mararanasan sa buhay ko ang kapayapaan at kasaganahang minimithi ng bawat Filipino.
lahat tayong Filipinong nabubuhay sa kasalukuyan ay mga corrupt, masakit mang tanggapin at aminin. kung tunay tayong naghahangad ng kapayapaan at kasaganahan para sa Pilipinas ay dapat tayong malipol na lahat upang may bagong sisibol na Filipinong malinis ang dugo, walang bahid nang corruption.
samantala, ipagpatuloy na lang muna natin ang ating pang-araw-araw na buhay, sumunod sa batas kahit na ang mga nagpapatupad nito ay hindi sumusunod, gumawa ng kabutihan sa sarili, huwag masyadong careerin ang pagiging 2nd happiest people in asia dahil isa yata yan sa problema natin, at palakpakan natin ang bawat Filipinong umaangat at nakaaangat sa atin.
nakakalungkot mang isipin pero ang pakiramdam ko, isa na namang ordinaryong araw ang nagyari sa manila pen. eh yun ngang pinalaya si erap ng ganun ganun na lang parang wala lang eh, ano pa kaya itong kina trillanes? at saka sa tingin n’yo ba matitinag si gloria? kahit liliit-liit yan pero para yang “crab/pubic louse”, kahit anong kamot mo sa kati ng dulot n’ya sa singit mo, di mo s’ya maalis, daig pa n’ya ang kapit tuko!
nalibang ako, parang isang post na itong isinulat ko ah, pasenya na.
ang argumentong “kung papalitan ang kasalukuyang pamahalaan, sino ang ipapalit” ay bulok na. ang pagpapalit na iginigiit ay hindi nangangahulugan ng pagtanggal sa puwesto ng mga nakaupo, mula sa pinakamataas hanggang sa pinakamababa (na katulad ng iginigiit ng ilang huwad na ‘aktibista’)… hindi lamang nakatuon sa pagpapalit ng mga nakaupo nakasalalay ang hinahangad na pagbabago, kundi sa sistema, sistema hindi lamang sa pamahalaan at burukrasya kundi sistema ng lipunan…
at hindi militarisasyon ang sagot. hindi mo rin naman maituturing na rebolusyon ang mga nakaraang edsa dahil aminado ang ilang puwersa sa likod nito na hindi magtatagumpay ang edsa kundi titiwalag ang mga militar. sa bandang huli, ang magaganap ay isang bigayan ng utang na loob, at ang puwersang armado ng pamahalaan ay mababahiran ng pulitka.
ang rebolusyon ay dapat at totoong magmumula sa puwersang mapagpasya at mapagpalaya, ang masa.
wala talaga…
rebolusyon? sakala mang magwagi ay sasagutin din ng panibagong rebolusyon…
ganyan mentalidad nating mga pinoy… hindi papatalo… lahat matatalino… lahat tayo ang tama ang kaliwat kanan ang mali… iyan talaga ang problema natin.
solusyon? hindi rebolusyon, hindi pakikibaka sa lansangan at lalong hindi ang pag-aalsa ng iilang militar. kundi pagkakaisa, pakikisama, pagkakaunawaan at pagpapakumbaba.
you’re towing the same lines the government harps endlessly. pabayaan ang mga kasalanan sa mamamayan, at magkaisa na lang.
Hmm, pagkakaisa? Pagkakaisa sa pananahimik? Pagkakaisa sa ilusyon ng katatagan at kapanatagan?
Ayokong makipagkaisa sa mga nagnakaw ng boto ng bayan at pondo ng mga magsasaka. Ayokong makipagkaisa sa mga sumusupil sa kalayaan ng mga mamamayan.
“Ano pa bang vague na ‘other ways’ and sinasabi-sabi ng iba d’yan?”
Bikoy, sa tingin ko, para ‘to kay Senador Trillanes. Mas gusto nilang maging senador siyang gumagawa ng batas na makakabuti sa mga mamamayan kaysa maging lider ng mga pag-aalsa.
Pero gaya mo’y sobra akong disappointed sa reaction ng mga middle class netizen friends natin dito sa nangyari. Medyo nainis ako sa mga nababasa ko sa Twitter nang mga oras na iyon. Ang nasa isip ko noon, parang “Putik, oo, mga burgis kasi kayo at naiistorbo ang magarbong buhay ninyo at di na ninyo naaalala kung bakit nagkakaganyan yang mga taong nagmamarakulyo sa Manila Pen ngayon.” Nahalata nga ata sa office na mainit ang ulo ko’t pandalas ang pagmumura.
[...] believes Trillanes and company “had the right reasons, but the wrong methods.” He adds: “However, I wouldn’t call Senator Trillanes and company crazy as many of our middle class [...]