Someone from Ateneo de Manila‘s student publication Matanglawin interviewed me this afternoon after my class. It was about my opinion on Ako Mismo.

I simply reiterated what I had expressed in my blog entry about the campaign. I’m not, at all, against individual efforts for personal growth and development. I’m not, at all, against individuals obeying traffic rules, being proud to be Filipino, paying taxes or participating in the electoral process by registering and voting, or volunteering for non-government organizations. In fact, I do them too. But let us not foster the illusion that these convenient actions are enough to change Philippine society, suffering from a tragic status quo caused by a ruling order.

What I’m against is the mentality of blaming individuals alone, and just ourselves for the country’s social ills, totally absolving the government that causes such conditions–and worse, branding such acts of holding politicians and administrators accountable as mere pagrereklamo and mindless blaming and finger-pointing. It is no wonder why the Arroyo administration echoes these same campaigns in government-funded propaganda. It serves as their scapegoat. But you see, as long as the government is robbing us blind and is tragically failing to deliver social services to the vast majority of Filipinos who need education, health care and economic support, among others, no amount of charity work and volunteerism will be enough to sustain a long-term solution for our people.

Besides, you pay for these services with your taxes. We all do. We have the right and the duty to demand what is due us. You do not turn a blind eye when you pay for a donut and you get a munchkin–or worse, nothing at all, and worse, dinukutan ka pa.

Yes, true enough, nasa sarili nga ang pagbabago. I’m not taking that against anyone. Pero may mas malaking sistema tayong kailangang baguhin. Let me post an excerpt from Kabataan Rep. Mong Palatino‘s speech at the national convention of the College Editors’ Guild of the Philippines.

Tayo ang pagbabago

May iba’t ibang inisyatiba upang pukawin ang makabayang damdamin ng kabataan. Positibo ito. Napapansin ko lang na ang binibigyang diin ay may kinalaman sa mga indibidwal na pagkilos ng mga kabataan. Hindi na ito bago. Noon pa man marami na ang nanawagan ng pagbabago batay sa inisyatiba ng bawat isa. Kahit ang Malakanyang, nananawagan na ang pagbabago ay dapat magsimula sa sarili. Ang mga nasa kapangyarihan ay nananawagan rin ng pagbabago ““ pagbabago sa gawi, sa puso’t isipan. Lumang ideolohiya na ito.

Sinisisi ko ang dominanteng ideolohiya kung bakit popular ang ganitong mensahe. Di ba ito ang turo sa atin ““ na basta’t maging mabuting tao ka o mamamayan ay sapat na upang guminhawa ang lipunan. Huwag nang makialam sa pulitika; asikasuhin na lamang ang sarili at pamilya. Huwag nang magrali; huwag nang labanan ang dambuhalang sistema. Magsimula sa sarili. Ako mismo. Magpayaman, mamigay ng limos, magvolunteer, magpintura ng mga bahay. Sapat na ang mga ito.

Samantala, sila mismo ““ silang mga buwaya na nasa gobyerno ““ ay patuloy na nangangmkam ng yaman ng lipunan. Habang abala tayo sa ating mga sarili, sila mismo ay patuloy na nagkakalat ng lagim dun mismo sa ating mga komunidad. Kaya ang sagot ay hindi ako mismo kundi tayo mismo ang magpapalayas sa mga masasamang elemento ng lipunan. Tayo mismo, sa ating sama-samang pagkilos ang lilikha ng pagbabago sa bansa.

Hindi simple ang manawagan ng pagbabago. Hindi ito nadadaan sa pag-iimbento ng mga makukulay na palamuti sa katawan. May sakripisyong kailangang ibigay ang bawat isa kung nais natin ng tunay na pagbabago. May interes tayong babanggain kung seryoso tayong kikilos para sa pagbabago. Makapangyarihan ang interes na ito. Mabagsik silang kaaway. Mapanganib na laban. Kaya hindi uubra kung nag-iisa lang tayong sisigaw ng pagbabgo. Ikaw mismo ay mabibigo. Dapat kolektibo, dapat sama-samang manawagan ng pagbabago. Dapat pagtulungan natin sa ating mga organisasyon kung anong mga mainam na paraan upang isulong ang pulitika ng pag-asa, pagbabago at pakikibaka.

Facebook Comments

Leave a Comment